Betrothal

44 6 0
                                        

JANE

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Ella na abalang ayusin ang buhok ko.

Napabuntong hininga na lang ako at umiling. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ngayon. Nang nagsimula 'tong araw na 'to hindi ko pa nakikita si honeybear. Nagising ako nang wala sa tabi ko si Vince. Sobrang incomplete. Ang bigat sa dibdib. Hays.

"Cheer up. Ngayon lang naman kayong di magkasama. Sinabi naman niyang hahabol siya di ba?" Tinignan ko si Ella mula sa salamin at tipid na ngumiti.

Nasanay na kasi akong lagi siyang nandyan.

"Ayos lang ba ang itsura ko? Maganda ba?" Tanong ko habang tinitignan ang pagkakasuot ng mga gamit sa katawan ko pati narin ang pagkakaayos ng make-up at buhok ko.

Sana nandito si Vince para masabi niya sakin kung maganda ba ako ngayon.

"You look perfect Jane."

Napalingon kami ni Ella sa may pinto at nakita namin si kuya Renz. Hinawakan ni Ella ang kamay ko at saglit na pinisil. Tumango ako at iniwan na niya kami ni kuya.

"Pupuntahan na dapat kita hindi mo pa ako hinintay." Nilapitan ko si kuya at yinakap.

"Nainip kasi ako." At tumawa si kuya Renz. "Wala pa rin ba siya?" Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinignan ako. Umiwas ako nang tingin atsaka umiling.

"Makakaabot yun. Mahaba pa ang gabi. Please smile for me? Parang di ka masaya na engaged na ang kuya mo."

Tama. Dapat maging masaya ako ngayon dahil sa wakas naisipan na niyang mag-settle down. Chill lang Jane. Enjoy the night. Darating din si Vince.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni kuya atsaka huminga ng malalim. "Kaya ko 'to." Bulong ko sa sarili.

"You will be alright." Paninigurado ni kuya dahilan para medyo kumalma ako.

"I will be alright. Woah! Well, congratulations kuya. Wag mong papaiyakin ang sister-in-law ko ah?" Biro ko.

Natawa naman si kuya at hinila ako para yakapin ng mahigpit. Minsan lang kami maging sweet nito. Nakakatunaw ng feelings. Naramdaman ko ang paghalik ni kuya sa noo ko at may mabilis na sinabi na saglit akong naguluhan.

"Ano kuya? Congrats din sakin?"

Saglit akong tinitigan ni kuya at umiling. Akmang may sasabihin pa sana siya nang bumukas ang pinto at tinawag siya ni Eithan.

"Brad magsisimula na yung event. Kailan ka na sa baba." Napatingin sakin si Eithan at tinanguan ako.

"I need to go. See you later, baby princess." At kindatan niya ako. Jusko. Ilang beses ko bang kailangang sabihin na ayaw kong tinatawag ako ng ganun? Kuya talaga.

×××××××

Dalawang oras na ang nakalipas nang magsimula ang party at wala parin si Vince. Kanina ko pa siya sinusubukang contact-in pero out of coverage area. Saang bundok ba siya nag-photoshoot? Kainis naman.

"Jane!" Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses nang tumawag sakin at nakita ko sina Claire, Cloe, Ella, Kate, Kim at Louise. Nang makalapit sila sakin napansin ko yung bothered expression nila. Bakit? May problema ba?

"May problema ba?" Kinakabahan kong tanong.

"A-ano kasi...Kim ikaw na magsabi..."

"Anong ako? Ikaw na Cloe..."

"H-ha? A-ate ikaw magsabi kay Jane..."

"A-ako? E-ella ikaw na..."

Halos mahilo na ako sa pagpapasahan nila kung sino ang magsasabi ng dapat sabihin. Ano ba talaga?!

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon