MARIE
Pagkababa na pagkababa namin ng van, mabilis kaming pumasok sa loob ng bahay para makita ang boys. Buong araw kasi kaming walang balita sakanila. Niisang kalokohan wala kaming nakuha mula sakanila. Mas nakakaba kaya yun.
"What the?!" Natigilan kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Kim. Nang makita namin kung ano ang dahilan nang pagsigaw niya, napanganga na lang kami.
Walang tao sa sala!
Buong araw kasi naming nakikita sa CCTV footage namin na nandito sila sa sala at nagkukwentuhan. As in kaya nga di kami mapakali at agad na umuwi. Mga boys talaga. Nasaan ang mga yun?
"Guys naka-tap yung wiring ng mga CCTV at alam ko kung sino ang may gawa." Nilingon namin si Cloe. "Si Niel." Walang gana niyang sambit.
"Nasaan na nga ba sila?" Tanong ni Ella.
Nilibot ko ng tingin ang buong sala nang mapansin ko ang laptop ni Eithan sa center table. Nilapitan ko ito at binuksan. Bumungad agad ang isang video na medyo blurred ang pagkaka-pause kaya naman pinundot ko ang play button.
Nagulat kami nang biglang bumukas ang TV at nag-play ang weird na tugtog. Ano ba 'to? Sana naman di malaswa ang makita namin. Naku Eithan! Pag talaga ito yung P word matutulog ka sa sahig na walang sapin.
"PPAP?" Sabay-sabay naming pagbasa sa text na naka-play sa screen.
Hindi rin nagtagal ay bigla kong nakita ang pagmumuka na Eithan na naka-make up, nakabihis babae at kumikindat habang naka-lipbite. Mabilis ding sinundan ng isang linya ng mga lalaki na nakatalikod at kumekembot.
Napa-facepalm na lang ako sa napanuod ko dahil sobrang lakas ng pakiramdam ko na si Eithan ang nagsimula nito. Bakit ganito ang boyfriend ko?
"I can't believe this. Kasama si Nathan sa video? Paano nangyari yun?" Sambit ni Kate na di makapaniwala sa nakikita.
Nilingon ko si Claire at nakita ko na lang siya na hawak ang cellphone niya habang natatawa. Bini-video-han pa nga.
Habang tinatapos namin ang video, napansin ko ang cellphone ni Eithan na nagba-vibrate. Agad ko namang kinuha at nakita ko sa ang caller ID ni Miguel.
"Hello?"
"Hello Eithan? Nasaan ka? Hinahanap ko yung cellphone ko nakita mo ba?"
Napa-facepalm ako sa sinabi ni Miguel sa kabilang linya. Kahit ako nagtataka kung nasaan ang cellphone niya.
"Migs nasaan ka ngayon?"
"Ha? Nasa kusina. Hinahanap ko dito yung–"
Hindi ko na pinatapos si Migs sa kahibangan niya at binaba ang tawag. Ano ba ang nangyari sa mga lalaking 'to? Naku naman talaga.
"Nasa kusina ang mga boys." Sambit ko at tinanguan nila ako.
Sinara ko na yung laptop at tumayo sa pagkakaluhod ko. Ibababa ko na sana ang cellphone ni Eithan nang ma-curious ako sa picture na naka-flash sa screen. Akala ko picture naming dalawa pero ng titigan ko hindi kami. Zinoom ko ng kaunti yung picture at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala. Sinilip ko si Claire at saktong nakatingin din siya sakin. Umiling ako at binalik ko ang tingin sa picture. Imposible kasing...sina Nathan at Claire ba 'to? For real?
"Ano ba 'yang–what the?!"
Naramdaman ko na lang na wala na sa kamay ko yung cellphone ni Eithan. Hawak na pala ni Claire at titig na titig sa intimate image nila ni Nathan. Ikaw ba namang makuhanan sa background na naghahalikan, ay mali! Make-out pala.
"Paanong?! Oh my god! Paano ba 'to i-delete forever? Leche! Nakakahiya!" Nagpa-panic na pinaikot-ikot at pinagpipindot ni Claire yung cellphone ni Eithan hanggang sa makita ko na lang na lumipad ang cellphone at tumama sa pader.
"Kaninong cellphone yun?" Tanong ni Kate.
"Ahm...d-di ko alam." Kabadong sagot ni Claire.
"Parang kay Eithan yan. Black yung bago niyang casing eh." Komento ni Kim.
"Ayos lang yan. Kaya namang bumili ni Eithan ng bago." Pananakip-butas ko sa ginawa ni Claire.
Hindi sa okay lang sakin yung pagsira ni Claire sa cellphone ni Eithan pero okay lang talaga sakin. Sobrang okay pa nga. Matagal ko na kasing gustong sirain yung cellphone dahil sa mga di kagandahang stolen photos ko. Pangarap kasi ng saging na yun na maging wildlife photographer at ako ang pinag-practice-san dahil mukha daw akong puffer fish. Sarap murahin.
"Tara na sa kusina at tignan kung ano na ang–"
"Nandito na pala kayo?" Napalingon kami sa may entrance at nakita namin si Nathan na may dalang bowl ng popcorn.
"Ala-sais palang ah? Napaaga ata kayo." Komento ni Vince na may dalang inumin.
"Nasaan ang iba?" Inaantok na tanong ni Louise habang nakasandal kay Brix.
Naalala ko laging magkasama yung dalawa. Pasimpleng naglalandian. Char.
"Nasa may kusina pasunod na rin ang mga yun. Oh ayan na pala sila."
Mayamaya lang ay dumating na sina Ivan, Miguel at Niel. Nasaan si Eithan?
"Si Eithan?" Tanong ko.
"Akala ko nandito? Kakausap ko lang sa–ha? Anong nangyari sa cellphone ni Eithan? Bakit nandyan sa sulok? Sinong nakausap ko kanina?" Nagtatakang sambit ni Miguel.
Walang gana kong itinaas ang kamay ko bilang sagot sa huli niyang tanong.
"Kaya pala boses babae."
Kalma Marie. Easy lang. Si Kate nang bahala dyan. Sapat na mga benteng kutos.
"Anong meron? Bakit–uy! Nandito na kayo! Na-miss niyo kami kaya umuwi kayo ng maaga?" Biro ni Eithan.
"Saan ka galing brad?" Tanong ni Ivan.
"Sa CR, nag-jebs." At pinahid ni Eithan ang mga kamay niya sa mukha ni Ivan. Ang baboy!
"Kadiri ka brad!" Lumayo si Ivan at pinunasan ang mukha niya gamit ang laylayan ng t-shirt niya.
"Tigilan niyo na nga yan. May gagawin pa ba kayo?" Tanong ni Kim.
"Bago kayo dumating balak naming manuod ng Frozen." Sagot ni Niel.
"Tigil niyo na yung panunuod niyo. Kailangan namin kayong kausapin, isa-isa." Maotoridad na sabi ni Kim.
Napalunok naman sila maliban kay Nathan.
"Teka, nakita niyo yung phone ko?" Tanong ni Eithan habang nakatayo sa tabi ng center table.
Pinanuod ko lang siya nang sabay-sabay nilang ituro yung cellphone niya sa may sulok. Nilapitan niya 'to at nagtaka sa nakita niya.
"Sinong..." Hindi niya matuloy ang dapat niyang sabihin.
Ikaw ba namang makita ang pinakamamahal mong cellphone na sabog at durog makakapagsalita ka pa ba? Iphone 6 pa more.
"Ikaw nang bahala dyan Claire." At sumunod na ako sa iba pang palabas ng sala.
EITHAN
Napatingin ako kay Claire na naiwan at di mapakali sa kinatatayuan niya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"A-ano..."
"Ano?"
Mabilis niya akong nilapitan at kinuha ang cellphone ko.
"Pwede ko 'tong ayusin!" Pasigaw niyang suhestiyon
"Talaga...?"
Okay...ang weird...ni Claire.
"Oo naman! O kaya bilhan na lang kita ng bago! Oo! Bilhan na lang kita ng bago! Bukas na bukas din! Sige, mauna na ako. Bye!" At agad siyang tumakbo paalis.
Anong nangyari kay Claire? Napaka-weird. Ay ewan. Buti na lang naka-back-up yung mga pictures ko.
BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanficFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.