Nuptial

30 6 0
                                        

KIM

Ito na yung araw na pinakahihintay at pinaghandaan namin. Tama, ito na yun. Ilang buwan din 'tong plinano at ilang beses na rin 'tong ni-rehearse kaya walang magiging problema. You are so ready, Kim Jong–Ahh! Kinakabahan talaga ako! Jusko. Kalma lang. Breath in. Breath out.

"Baka maubos ang oxygen sa paligid. May nangangailangan pa niyan."

Mula sa salamin sa harap ko, nakita ko kung sino ang pumasok ng 'di man lang kumakatok. Bastos. Walang manners.

"Sinong may sabi na pwede ka dito? Labas. Ayokong makakita ng pangit. Shoo." Pangtataboy ko kay Eithan.

"Alam mo balak ko pa namang purihin ka ngayon pero dahil inunahan mo ako ng insulto, tinamad na ako." Walang buhay niyang sambit.

"I don't need any of your compliments pero sa tingin mo, maganda ba ako ngayon? Ayos lang ba ang itsura ko? Yung suot ko, ok lang ba? Jusko. Kulang pa ata ako sa poundation." Akmang tatawagin ko yung make-up artist ko nang hawakan ni Eithan ang magkabila kong braso.

"Breath in. Breath out."

At ginawa ko ang sinabi niya. Nang medyo kumalma na ako, kinausap ko ulit si Eithan.

"Kinakabahan talaga ako. Paano kung maapakan ko 'tong gown tapos plumakda ako?" Tinignan ko siya mula sa salamin at nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti. Langya. Wala bang iba diyan na pwedeng kausapin? Baka masapak ko lang 'to.

"Masyado kang nag-iisip. Kalma lang, araw mo 'to. Walang masamang mangyayari sayo o sa kasal mo. O 'yan, nang kumalma ka."

Napatingin ako sa nilagay ni Eithan sa palad ko.

"Anong gagawin ko dito?"

"Ano bang ginagawa sa mint candy? Ah oo, nilalagay sa ilong. Natural kainin mo. Matagal-tagal din yung ceremony at kailangan fresh parin ang breath." At kinindatan niya ko dahilan para mamula ang mga pisngi ko. Nakakaloka!

"T-tigilan mo ako. Simpleng kiss lang gagawin dun. W-wala ng iba. Utak mo sarap sabunin. Jusko. Layas na at baka maging funeral event mo 'tong kasal ko. Chupi!" At natatawang lumabas ng kwarto si Eithan pero wala pang isang minuto, bumalik ulit siya.

"Pumunta nga pala ako dito para masigurado na 'di ka tatakas. Alam mo naman, idol mo si Cinderella."

Sasagot pa sana ako pero sinara na niya ang pinto. Pustahan tayo, nakabantay na siya.

×××××××

"Miss Kim, one and a half hour and we will start."

Nilingon ko si Gelene, ang assitant wedding organizer, at tipid ko siyang nginitian. Hindi ako makapagsalita. Nanunuyot ang lalamunan ko.

"Ahm, pwede pahinga ng tubig?"

Tumango naman siya at inabutan ako ng bote ng mineral water. Ang sarap! Grabe! Hindi ko napansin na naubos ko na ang laman sa isang inuman.

"Salamat." At inabot niya ang bote para itapon.

"Normal lang po sa bride ang kabahan."

Napatitig ako kay Gelene at nagulat siya nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya.

"A-ang ibig ko pong sabihin, matagal niyo po itong pinaghandaan at parang hindi pa nagsi-sink in habang plinaplano niyo ito. Pero pag nasa mismong araw at oras ka na, parang sobrang kakaiba. Too good to be true, ika nga ng iba."

Too good to be true...siguro nga.

"Pwede bang iwan mo muna ako? Balikan niyo na lang ako pag kailangan na akong bumaba." Tumango siya bilang tugon at lumabas na ng kwarto.

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon