Far Away

27 7 0
                                    

MARIE

"Kung alam ko lang na dito mo ako dadalhin eh di sana di na ako sumama."

Sinusundan ko si Eithan sa paglalakad sa maputik at masukal na lugar na 'to. Sa pagkakaalala ko eh galing kami sa isang glamorosang event hanggang sa mapunta kami sa gitna ng gubat na tila kami pa lang ang nakaka-discover. Safe ba dito? Di ko alam sa lokong 'to.

"Hindi ka ba napapagod sa kakareklamo mo? Sorry na kung napilitan ka lang na sumama sakin ah?" Sarkastiko niyang sambit habang inaalalayan akong bumama galing sa medyo matarik na lupa.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Nilingon ko siya at halatang natigilan sa tanong ko. "Jusko, Eithan. Wag mong sabihin na..."

"Biro lang. Masyado ka namang kabado. Chill lang tayo. Lubusin na natin 'tong pagkakataong tayo lang dalawa ang nandito at solong-solo natin ang lugar." Masiglang bulalas niya.

"Solong-solo natin ang mga lamok. At pag namatay tayo dito, walang makakaalam dahil tayong dalawa lang ang nandito. Tayong dalawa lang Eithan! Jusko! Anong masaya dun?" Kumapit ako sa malapit na puno para sa alalay habang inaalis ko ang putik sa sapatos ko.

"Wag mo ng alisin 'yan, matatagalan lang tayo eh. Nakakatakot pa namang gabihin dito."

"A-ano? Hoy! Wag mo akong iwan dito!" Agad kong sinundan si Eithan kahit madulas-dulas na ako.

Habang unti-unting lumulubog ang araw, palamig ng palamig ang paligid at hindi ako handa. Kung ini-inform niya ako kung ano ang dapat suotin at dalhin eh di sana may pag-asa pa akong mag-survive.

"Aray! Bakit mo–" natigilan ako ng batuhin ako ni Eithan ng jacket na saktong tumama sa mukha ko.

"Malamig di ba? Kailangan mo 'yan." Sambit niya habang inaayos ang pagkakasukbit ng bag niya. "Tara na?"

Tumango ako nang masiguro ko na ang pagkakasuot ng jacket sakin. Mga ilang hakbang pa lang ang nagawa namin nang tumama ako sa likod niya.

"Ano ba 'yan, bigla-bigla na lang humihinto. Ano ba–OMG! AHAS?!" Napakapit ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ni Eithan habang nakasilip sa gilid niya.

"Hindi ah. Uod 'yan babe. Isang uod na kasing laki ng sawa." Sarkastiko niyang tugon habang nakatingin sa ahas. Bastos nitong kausap.

"Ayoko na. Uuwi na ako. Bahala ka–"

Hindi pa ako nakakalayo sakanya ay naramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa malamig kong kamay. At dahil dun ay napalingon ako sakanya.

"Dito ka lang...sabay tayong kakainin ng sawa."

At talagang naisip pa niya yun? Hindi na ako nakapagpigil at binatukan siya ng malakas.

"Aray! Babe naman! Bakit ako ang binatukan mo? Dapat yung ahas nang matakot siya sayo at maisipang umalis sa daan." Hinimashimas niya ang natamaang parte habang ako ay naghanap ng mahabang sanga.

Paano kaya kung may family 'tong ahas na 'to? Paano kung snake nest 'tong tinatayuan namin? Paano kung ambush-in kami ng mga ahas? Jusko! Ayoko na! Bakit ba kasi ako pumayag na sumama sakanya! Huhuhu!

"Babe..."

Nagulat ako nang hawakan ni Eithan ang balikat ko dahilan para maihampas ko ang kakapulot ko lang na sanga sa mukha niya.

"Hala, sorry! Akala ko kasi ahas."

"May ahas bang nagsasalita at tatawagin kang 'babe'. Shit! Nabungi ata ako."

"Meron kayang ahas na nagsasalita. Yung iba nga may tawagang bes." Sambit ko habang inaalalayan siya.

"Figurative yun. Ang akin eh literal." Umayos siya ng pagkakatayo habang hawak ang panga niya.

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon