EITHAN
Hindi ko alam kung bakit POV ko ang gagamitin sa part na 'to. Pwede naman si Ivan o si Miguel. Mas cool pa nga pag si fafa Nathan pero ako ang napili. Siguro kasi sobrang gwapo at fabulous ko kaya ako na lang ang magkukwento ng gagawin namin ngayon.
"Babe bakit ka tulala? Tapos pangiti-ngiti ka pa? High ka? Leche naka-drugs ka?! Babe sumuko ka na!"
Ang sweet ni Mariebabes my love from heaven. Tignan niyo concern siya kung naka-drugs ako o hindi. Sabihin niyo sakin hinding mai-inlove sakanya? Shet. Kilig-kilig.
"Mukha ba akong adik? Siguro halata na kasi nakakaadik mahalin ka." Nakatanggap ako nang malakas na hampas sa braso dahil kinilig siya. Kung may downfall 'tong relasyon namin siguro yung brutality ni Marie sa tuwing napapakilig ko siya. Masakit kasi para sa isang gwapo at machong tulad ko ang mahampas ang tricep at bicep ko. Masamang nabubugbog ang well-toned body ko. (Kate: Really? Payatot ka kaya.) Parang may narinig ata akong nag-react? Ah, nevermind.
"Movie marathon na tayo! Bumaba na kayo dyan!" Mabilis akong hinila ni Marie nang marinig niya ang sigaw ni Niel mula sa baba.
Sabado ngayon at napagplanuhan namin na mag-movie marathom habang silang mga babae eh maggi-girls night out. Sa totoo lang hindi talaga namin plano 'to. Yung mga babae ang nagplano. Ang sabi nila mas mabuti nang nasa bahay kami kesa sa iba pa kami pumunta. As if namang may gagawin kaming masama pag wala sila. *pouts innocently* pero seryoso, wala ba silang tiwala samin? Matanong nga sila mamaya bago sila umalis.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Kim pagkadating na pagkadating namin dito sa may sala.
Naka semi-circle kami dahil ewan ko. Nakasali lang kami ni babe.
"Ok. May ten minutes pa kami bago tuluyang umalis kaya naman may ilan kaming paalala na sasabihin sainyo." Lahat kami ay nakatingin kay Louise na may hawak na clipboard. "Una, bawal kayong lumapit sa lahat ng exit point ng bahay. May nakalagay na sensors sa mga ito. Kahit hibla ng buhok ay pwedeng mag-trigger ang alarm nito at magno-notify ito ng text message saming lahat. Alam niyo naman ang usapan, bawal kayong umalis o lumabas habang wala kami. Lalo ka na kuya John." Magpo-protesta na sana ako sa special mention nang maramdaman ko ang pagbaon ng mahabang kuko ni babe sa tagiliran ko. Masakit ang kurot niyo. Sobrang sakit. Tae nagdugo ata. "Oo nga pala pati mga bintana nilagyan din namin ng sensors. Thank you kay ate Claire at ate Cloe para sa matiyagang pag-program at pagkabit ng mga yun. Ikalawang paalala, late na kami makakauwi. Nasabi na naman namin yun at sumang-ayon kayo." Napasimangot ako sa ikalawang paalala. Ayaw naming umuwi sila ng late pero sa di malamang dahilan, may video kami na napa-oo nila kami na late na sila uuwi sa girls night out nila. Napakamisteryoso dahil wala niisa saming mga lalaki ang nakakaalala ng pangyayari na yun. Kahit si fafa Nathan clueless sa video. Sobrang weird 'no? "Next is...may pagkain na kaming hinanda para sa lunch, meryenda at dinner niyo. Kung sakaling maubos niyo yun ng wala pang isang oras kayo nang bahalang magluto basta wag niyong susunugin ang kusina. Ah may note si ate Jane dito...wag papapuntahin si Vince sa kusina." Tumangotango kaming lahat sa note na iniwan ni Jane. Alam namin ang ibig sabihin niya dun. No explanation needed. "And lastly, behave." Ibinaba ni Louise ang hawak niyang clipboard at ngumiti.
"May mga tanong kayo?" Tanong ni Kim.
"Ako may tanong." Itinaas ko ang kamay ko habang yung isa kong kamay ay tinatakpan ang buhok ko sa kili-kili. Naaalibad-baran kasi si Kim sa buhok ko sa kili-kili. "Bakit kayo pwedeng mag girls night out tapos kami bawal? Wala ba kayong tiwala samin?"

BINABASA MO ANG
System Breakdown
Fiksi PenggemarFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.