Bonus Chapter

29 4 0
                                    

SHENNE

Nagising ako dahil sa pangangalay ng binti ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako sa sofa.

Dahan-dahan akong bumangon pero natigilan ako nang may maramdaman akong mabigat sa kamay ko. Inaantok kong tinignan kung ano iyon at nabigla ako nang makakita ako ng kamay na nakahawak sakin. Jusko. Ano 'to? Kamay ba 'to ng manikin?

Mahina kong inalog ang kamay ko at nagbakasakali na matatanggal ang nakahawak sakin pero mas humigpit lang ang pagkakahawak nito. Pakana ba 'to ni Shea? Masyadong makatotohanan 'tong robot hand ah.

Ramdam ko na ang pamamawis ng palad ko kaya naman buong lakas kong inalis ang nakahawak sakin at nang matanggal ko ito, bigla na lang akong nakaranig ng mahinang ungol mula sa...sahig?

Agad kong sinilip ang pinagmulan ng ungol at nakita ko si Daniel na natutulog katabi ang mga throw pillow. Teka, bakit nandito ang lalaking 'to?

"Hoy..." At inalog ko siya para magising pero umikot lang siya at tinakpan ng unan ang mukha niya. Wow. Feel at home talaga siya. Bahala siya lamigin diyan.

Maala-ninja akong tumawid dahil iniiwasan kong maapakan si Daniel at ang ilang kalat na napunta sa sahig. Ano bang nangyari kagabi? Pumikit ako at hinampas ang ulo ko para gumana dahil pag ganitong oras talaga sabog ako.

"Aish! Bahala na nga!" At inumpisan ko ng pulitin ang balot ng chichirya, pizza boxes, softdrink bottles at beer bottles. Ha? Beer bottles? Sinong uminom nito?

Otomatiko ko namang inamoy ang hininga ko pero hindi naman amoy alak. Hindi kaya si Daniel?

Dahan-dahan akong lumipat sakanya at umupo sa tabi niya. Saglit ko siyang tinitigan at unti-unting inalis ang unan na nakatakip sa mukha niya. Hindi naman siya nagising at nakahinga ako ng maluwag.

Habang nilalapit ko ang mukha ko sakanya, napansin ko na namumula ang ilong, mata at tenga niya. Maputla kasi siyang nilalang at namumula lang ang mga yun pag umiiyak siya.

Halos kalahating talampakan pa lang ang layo ng mukha ko sakanya ng maamoy ko alak. Agad naman akong umayos ng up at pinagmasdan siya. Ano bang nangyari kagabi?

Pilit kong inalala ang mga nangyari hanggang sa di ko namalayan na hinahaplos ko na ang pisngi niya. Ibang-iba ang init ng pisngi niya sa lamig ng kamay ko. Napansin ko ang munting gusot sa pagitan ng kilay niya. Isang reaksyon sa di-pamilyar na bagay. Tipid akong napangiti at inalis ang kamay ko mula sa pisngi niya. Tumayo ako at binitbit ang mga kalat na pinulot ko kanina pero hindi pa ako nakakalayo, narinig ko ang pagtunog ng isang cellphone. Nilapitan ko ito at tinignan kung kanino. Mayamaya lang, naramdaman ko ang paggalaw ni Daniel sa pagkakahiga niya. Hindi ko na siyang hinintay na magising dahil nagmamadali akong nagtungo sa kusina, ibinaba sa tabi ng labo mga kalat na dala ko at tuluyang lumabas papuntang hardin.

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang malamig na hangin. Unti-unti akong kumalma at mahinang natawa dahil sa naging reaksyon ko kanina lang.

Ipinikit ko ang mga mata ko at mukhang nagkamali ako dahil nakita ko ulit ang pangalang nasa screen ng cellphone ni Daniel.

Receiving call from Kath...

Bakit ba ako nalukungkot?

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon