LOUISE
Tagaktak na ang pawis ko habang pinagsusuntok at pinagsisipa ang punching bag sa harap ko. Naputol nga lang ang konsentrasyon ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Amasona!"
Hinawakan ko ang punching bag para huminto sa pagkakagalaw nito at sinilip ang uninvited na nilalang na kakapasok lang sa gym. Sino naman kaya ang nagpapasok sakanya?
"Sa pagkakaalala ko, sinabihan ko ang mga guard na wag magpapapasok ng kahit sino." At ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa punching bag.
"Akala mo sakanya ang gym na 'to." Sambit niya nang makalapit siya sakin.
Bakit ba siya nandito? Ang aga-aga, naninira agad ng araw. Sapakin ko na ba?
"Samin naman talaga ang gym na 'to." At sinuntok ko ng malakas ang punching bag.
"Wilder ka ba? Si hyung lang ang Wilder ah." Ani niya habang nakangiti ng malapad.
"Kapatid ko si hyung! Anong akala mo sakin?"
"Akala ko kasi Young ka na."
Hindi ako slow. Alam kong apelyido niya ang sinabi niya at walanghiya siya. Mga kalokohan talaga niya! Naiinis ako at...slight na kinikilig.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinulak sa direksyon niya ang punching bag dahilan para tumama sakanya ito at matumba sa sahig.
"Fuck! Bakit mo ginawa yun?!" Daing niya habang hawak ang tiyan niya at gumugulong sa sahig.
"Kasalanan mo yan. Nanggugulo ka ng training eh. Tsk."
"Nandito lang naman ako dahil may gusto lang akong ibigay."
Napalingon ako sa direksyon niya at nakatayo na siya. Buti naman at nakarecover siya. Akala ko tatawag na ako ng ambulansya.
"Ano naman yun?" Tanong ko habang nakasandal sa posteng katabi ko.
Agad naman siyang may dinukot sa bulsa niya at huminga ng malalim bago ako tignan.
"Ito..." At iniangat niya ang kamay niya pero di ko masyadong nakita yung hawak niya. "Saluhin mo ha? Tapos suotin mo."
"H-ha?!" Hindi na ako nagkaroon ng oras para magtanong dahil hinanap ko sa na ere ang inihagis niya. Nakita ko ito nang kuminang siya dahil sa pagtama ng ilaw dito at nasalo ko naman. Woo! No sweat.
Katulad nang sinabi kanina ni Brix, pagkatapos kong saluhin ay isinuot ko ito sa kamay ko. Para saan 'tong singsing na 'to?
"Para sa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naglaho na ang kausap ko. Wow, may pa-mysterious pang nalalaman.
×××××××
"Aalis ka hyung?"
Kakapasok ko pa lang ng bahay nang madatnan ko si hyung na pababa ng hagdan at ayos na ayos.
"Ha? Hindi, magbabanyo lang ako. Ayos ba ang itsura ko para sa pag-jebs mamaya?"
Otomatikong tumaas ang kamay ko para batukan ang loko kong kuya pero natigilan ako nang bigla na lang itong hukbitin ni kuya.
"Naibigay na pala niya sayo." Bulalas ni hyung habang nakatingin sa singsing na ipinasuot ni Brix sakin kanina.
"Ha? May alam ka tungkol dito?" Inilayo ko na ang kamay ko dahil mukhang may balak pa atang dilaan ni hyung ang singsing. Bakit ba ako napapalibutan ng mga weird na tao?
"Oo. Last week ko pa siya sinamahan nang bilhan niya yan eh. Mukhang nahirapan sayo." Natatawang sambit ni hyung. "Sige na, may date pa kami ni Marie. Ingat ka dito ah?"
Saglit akong naguluhan sa sinabi ni kuya. Last week? Sinamahan? Nahirapan? Anong alam ni hyung?
"Ano ba 'tong singsing na 'to?" Hindi ko sinasadya na masabi ng malakas ang mga yun pero hindi ko pinahalata kay hyung.
"Hindi niya nasabi sayo? Promise ring yan."
At huminto sa pag-function ang buong sistema ko.

BINABASA MO ANG
System Breakdown
FanfictionFF of WeirdInDiguise Stories. If you're not familiar with it, I suggest to read her stories first.