X Dress

44 6 0
                                    

EITHAN

Saktong alas-dies ng umaga nang matanggap ko ang kulay itim na invitation card galing sa isang lalaki na naka-suit and tie. Nung una akala ko brochure at isa siyang madaldal na sales agent na balak akong alukin na bumili ng rice cooker at banig. Teka  bumbay pala ang ganun.

"Ano yang hawak mo?"

Napalingon ako sa may entrada ng sala at nakita ko si Miguel na may dalang unan. Naglakad siya palapit sakin at tumabi.

"Invitation para sa isang event."

"May pupuntahan kang event?" Tanong ni Miguel at kinuha sakin ang invitation card.

"Hindi ako kundi ang mga babae."

"Sila lang ang invited sa event na 'to? Ano ba 'tong event?"

"Aba malay ko. Ikaw naman may hawak ng invitatiom bakit di ikaw ang magbasa."

"Sinong nagbigay nung invitation?"

"Lalaki na–tangina?! Paano?! Kailan pa kayo nandito?!"

Nagulat ako nang makita ko sina Ivan, Niel at Troy na naka-upo sa kanang bahagi ng sofa. Hindi ko naramdaman yung pagdating nila. Bigla na lang sumulpot.

"Natuto na kasi kaming mag-teleport." Sagot ni Ivan.

"No shit?"

"Brad tanga ka ba?" Seryosong tanong ni Troy.

Ang hilig mang-realtalk ni Troy ah.

"Alam niyo kayong tatlo ang mukhang tanga. Tch. Mabalik tayo, anong meron sa invitation Migs?" Tanong ni Niel.

Nakatingin kaming lahat sa direksyon ni Miguel habang binabasa niya yung invitation.

"Simpleng 'you're invited' ang nakalagay sa loob tapos nakasulat ang pangalan nina Marie, Kim, Cloe, Claire, Ella, Jane at Kate." Nagtatakang sambit ni Miguel.

"Kanino galing? Sinong nang-inbita?" Tanong ko.

"Zheune Felle Corporation."

"Pamilyar yung pangalan." Komento ni Niel.

Hinintay ko kung may sasabihin pa si Niel pero mukhang di niya maalala kung ano o saan niya na-encounter yung pangalan.

Ibinaba ni Miguel ang invitation sa center table at tinitigan namin ito. May parte sakin na hindi mapakali sa event na mangyayari bukas. Nababahala rin ako dahil hindi pa nabanggit sakin ni Marie ang tungkol dito. May sinisiketro kaya siya?

"Hindi 'to nasabi sakin ni Marie." Wala sa isip kong sambit.

"Paano naman niya sasabihin eh di nga kayo nag-uusap o nagpapansinan."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Miguel. Kahit na ganun, boyfriend parin niya ako...ata?

"Pero ganun din si Ella sakin. Di niya nasabi ang tungkol dito." Dagdag ni Troy.

"Ganun din si Kim."

"Si Cloe din."

"Same with Kate."

Ano na ngayon?

"May plano ka ba?" Tanong ni Niel.

Napaisip ako at sumandal sa sofa. Ayoko talaga sa lahat ang nag-iisip.

"May plano ako..." Nagulat kami nang biglang nagsalita si Ivan. May plano daw siya? Tama ba ang pagkakarinig ko?

×××××××

"Hindi pa ba tapos? Pwede pakamot ng likod ko? Ang kati nung damit."

"Kuya wag kang malikot kung ayaw mong pumangit." Babala ni Louise habang abala siya sa paglagay ng make-up sa mukha ko.

System BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon