After 2 dials, finally she comes up.
Ano kayang magiging reaskyon nya at ano ang mga sasabihin nya kapag nakausap nya ako ulit?
"Hello, sino to?" Sa boses nya parang may kaba akong naririnig. Para bang sa horror movies kapag may tumatawag na unknown number?
"Teena, si Ales to!" gusto kong sumigaw pero kinalma ko lang ang sarili ko.
"A....Ales? Ikaw nga ba yan?!" Alam ko masyado syang nagulat.
Sa tagal kong nawala malamang hinahanap nya ako. Siguradong alam nya yung nangyari sa club house.
Sya kasi may kasalanan ng lahat. Kung di lang sya nawala nun siguro, hindi ako nawala ng ganito.
Hindi ko na dapat pang alalahanin yun, ang mahalaga may kontak na ako kay Teena, ang I can talk to her as long as I want.
"Oo Teena ako nga ito yung pinsan mo!!" Tumalon yung puso ko sa tuwa.
Kahit na may kabwisitan at kaartihan itong pinsan ko na to, mahal na mahal ko pa din.
"Weh? Di nga? Ikaw, stranger wag mo kong pinagloloko, at kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka, ipapapulis kita!" The same Teena I knew, matapang!
"Teena, ano bang sinasabi mo, ako nga ito si Ales, yung pinakamamahal mong cousin!"
Hm. Sinabi na nga ba at dadating kami sa ganito.
"Hm. Kung si Ales ka nga, you'll have to prove it!"
"Anything basta lang maniwala ka!"
Hindi ba nya ako nakikilala sa boses ko? ibang klase naman talaga.
Papahirapan pa ako.
"First question, saan ang favorite hang out place ko?"
Aba, dahil lagi kaming magkasama, alam ko yan.
"Sa park, malapit sa Ice Cream store, tumatambay tayo doon at nag uusap ng kung ano anong kalokohan. Naalala mo pa ba nung natambak sayo yung ice cream mo dahil nabunggo ka nung bata, tas pinagalitan mo yung bata, nung umiyak nakita natin yung nanay nya papalapit tapos tayo sabay takbo. Run for our lives, sabi mo pa"
"Yeah, I can still remember that thing. Pero, hindi, second question!"
"Sige game!" sabi ko, rolling my eyes.
"Saang parte ng katawan ko ang birth mark ko?"
"It's beside your left nipple"
Natahimik sya.
"ALES! COUSIN IKAW NGA YAN! OHMYGOD!"
Halos nabingi ako sa sobrang lakas ng boses nya.
Pero natutuwa ako dahil nakalusot na din ako sa patibong nya.
"Pinahirapan mo pa ako sa mga tanong mo!"
"Syempre para naman makasigurado! Teka, insan, nasaang lupalop ka ba ng mundo? Ayos ka lang ba? Grabe, ang dami kong gustong itanong! Nasaan ka ba? Pwede ba kitang makita ngayon? Magkita tayo! Saan?"
"Teka, teka, ang dami. Oo, ayos lang ako dito. Hay, Teena, and dami kong gustong ikwento sayo"
"Daya naman, nasaan ka ba kasi? Puntahan kita dyan!"
"Hindi ko din alam tong lugar na ito? Hayaan mo magkikita din tayo! Kapag nalaman ko na kung nasaan ako! Grabe! I really miss you couz!!"
"Ang daya talaga! I really miss you too!! Pinakaba mo ko! Hindi ko alam kung anong uunahin kong itanong sayo! Kainis ka naman kasi! Buti naman ayos ka lang! Kasalanan ko tong lahat eh!"
"Ayos lang Teena, ang mabuti safe tayong dalawa!"
"Totoo bang nakidnap ka?"
"Oo, kaya nga ako nawala di ba?"
"Ay sorry, lutang lang. Oh ano na ikwento mo na!"
Kahit sa phone lang, gusto kong sulitin ang tawagan namin ni Couz. Ikinuwento ko na sa kanya lahat, simula nung nakidnap ako hanggang dito. Naikwento ko din sa kanya si Teena, yung butihing maid na kapangalan nya.
Marami kaming napag usapan.
At naiopen ko din sa kanya about kay Ian. Yung boss ko. Syang nagkupkop at nag alaga sa akin.
"COUZ!! OMG! Gwapo ba yan? Artistahin? Tell me! Tell me!"
"Super couz! Super handsome and supaah hot!"
"Ay, and kire, kaya siguro hindi ka na nag abalang makaalala! Gusto ko syang makilala at makita"
"Naku, eh kasi ngayon lang ulit ako nagkaphone, bigay pa nga nya to. Nanakaw kasi yung phone ko dati. Saka ayoko nga mamaya agawin mo pa sya sa akin! Haha! Joke lang! Oo mamimeet mo din sya, someday?"
"Ganun ba? Sorry naman! Naku, couz kelan pa yang someday na yan! Kahit kelan hindi dadating yan! Haayy, gusto na kitang makita ngayon na! Kainis!"
Ang dami pa naming napag usapan. Sinulit ko na. Very rare to. Miss ko na talaga yung pinsan ko.
At may nalaman ako mula sa kanya. Isang himala.
Hinahanap ako ng mga magulang ko, tumulong sila sa paghahanap sa akin. Wow, isang himala kala ko ba wala na silang pakialam sa akin.
Well, siguro may kailangan lang sila kaya nila ako hinahanap at tumulong sa paghahanap sa akin.
-------
BINABASA MO ANG
REACHING THE CLIMAX (RTC BOOK 1) (Editing+Revising ~)
RomantiekREACHING THE CLIMAX (RTC Book 1) **Completed** Adult content. Read at your own risk. Summary: MONEY. SEX. LOVE. Ales only knows one way to earn money to live. By selling herself-her body, her soul-for sex. Away from the family she...