RTC-24

9.5K 58 0
                                    

-----

Ian sets off to traffic. On the way na kami papunta sa specific place na pupuntahan namin.

Bakit ganun? Kahit gusto kong kalimutan yung nangyari kanina. Yung kaninang mysterious girl na yun, yung mga sinabi niya na kung anu ano. Gusto ko siyang maalis sa isipan ko pero ayaw ng mag process na utak ko para kalimutan siya.

Piling ko sa pagkakasabi ng mga words na yun mula sa kanya parang may mabigat siyang pinagdaanan o kaya parang initsupwera siya ng kung sino.

Wow. Yung mga sinabi niya na "you think you'll live happily ever after? I don't think so. Sisirain ko ang buhay niyo" Grabe, words of wisdom ko lang siya. Ah. Who's that bitch girl?

May koneksyon kaya siya sa akin or kay Ian. Alam niya kaya ang sa amin? Sa relasyon namin at kung ano yung namamagitan sa amin? Bakit ganun na lang niya kami pagtangkaan? Anong nangyari sa kanya at sa pasts niya?

Ngayon pa lang natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Sa mga sinabi niya sa akin. Parang totoo siya at siguradong gagawin niya. Anong gagawin ko? Dapat ko bang sabihin kay Ian to? Or itatago ko na lang para hindi na din siya mag-alala. Kainis.

Sabi ko earlier hindi ko iisipin yung bagay na yun pero hindi eh, ayaw lang talagang mawala. Para bang boses na patuloy na bumubulong sa akin. Hindi ako baliw pero mukhang mababaliw na ko.

Kinilabutan ako sa kamay ni Ian na humawak sa braso ko. Napatingin ako sa kanya.

Taas kilay. "Baby, may problema ka ba? Kanina ka pa tahimik dyan?"

Ano sasabihin ko ba? Yes, halos ilang oras na tahimik lang ako.

Iniisip ko lang talaga kasi.

"A-ah, wala baby, masakit lang ulo ko"Pagsisinungaling ko..

"Baby, masakit ulo mo? Baka nilalagnat ka?" Hinawakan niya yung ulo ko.

"H-hindi baby, ayos lang ako. Masakit lang talaga yung ulo ko hindi ko alam kung bakit"

"Gusto mo pa bang tumuloy? Baka hindi mo naman kaya, baby? Uwi na lang tayo"

"Hindi. Ayos lang talaga, baby. Masakit lang talaga ulo ko"

"Gamot gusto mo? Baba tayo sa may botika para bumili ng gamot"

"Ian, please wag mo na lang akong pansinin. Kaya ko naman to eh, please lang" Ah. Hindi ko na kaya tong ginagawa ko kay Ian.

Sinasaktan ko siya. At nasasaktan din ako. Ganito ba kasi talaga kapag nagmamahalan kayo lagi na lang may darating sa buhay niyo na magkakagalit kayo?

"You never call me by name, baby. What really is your problem? Why don't you tell me?" Tumaas na yung boses niya.

Medyo naiinis ako.

"Ian, please. I don't want to talk about this thing any millisecond, so please shut up"

Ian, sorry nasasaktan kita. Pero kasi nasasaktan din ako sa mga nangyayari ngayon. Masyadong mahal ko lang si Ian kaya ko siya pinoprotektahan sa mga kung ano anong bagay. Lalo na yung relasyon namin gusto ko siyang pahalagahan.

"Okay....." cold ang tone ng boses niya. At tumahimik siya.

Napatingin ako sa kanya. Hindi niya ako tinitingnan kahit isang tingin lang patuloy pa din siya sa pagd-drive. Fvck this. I don't want this anymore.

I want to spit this all out.

Hinapit ko yung braso niya kaagad. Kainis hindi ko kayang saktan si Ian. Hindi ko kaya.

REACHING THE CLIMAX (RTC BOOK 1) (Editing+Revising ~)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon