Minulat ko yung mata ko. Ang lambot. Ang lamig. Kumurap ako.
Nagulat ako sa nakita ko. Nandito ako sa isang magara at malaking kwarto na mas malaki pa sa tinitirhan kong apartment.
Bumangon ako, at naramdaman ko yung sakit sa mga muscles sa likod at braso ko dahil siguro sa tagal kong nakahiga at hindi naigagalaw ang mga ito.
I wince because of the pain.
Ganun pa man, inilibot ko yung mga mata ko. Then, napatingin ako sa sarili ko...mayroon na akong saplot—a nightgown
Napaisip ako kung sino ang nagbihis sa'kin...at kung anong araw na. Ilang araw na ang nakalipas matapos yung game show kung saan ako binenta.
Napansin ko din na may band aids ako sa mga sugat na natamo ko sa pagkakagapos ko.
Where the hell am I?
By the look of this room only, I'm sure na nasa magarang bahay ako. Part of me craves to see the outside. Curious as to how this house looks.
Then suddenly it hits me, bigla akong binalot ng kaba dahil sa napagtanto ko.
I'm here to be a sex slave. For a damn year. And having said that, di ko alam kung anong magaging kapalaran ko dito sa bahay na 'to. Kung anong klaseng sex slave ang gagawin sa'kin. Kung totoong magiging slave ako, doing the things to his bidding.
Kumabog ng malakas ang dib dib ko. Napatingin ako sa paligid ko kung merong lagusan na pwede kong daanan para tumakas.
If I'm going to be a slave, wag na lang. And more, if Mr. C—I remember—will make my life a living hell. With money or no, I don't want a life like that.
Mas gugustuhin ko na yung dating buhay ko. Free, no contract to do what I want to do to earn.
Chest pounding, humanap ako ng pwede kong daanan para tumakas.
May pintuan na malamang palabas sa ibang parte ng bahay, na sure ako di ako makakalayo without someone noticing me. I'm sure mahuhuli ako kaagad ng guards niya, kung meron man siya, or worst babarilin na nila ko on the spot.
May nakita din akong bintana pero kung doon ako dadaan sure ako na masisilayan ko na talaga ang heaven—kung dun man ako mapupunta.
Wala. Wala ng takas sa naghihintay na kapalaran ko dito. I'll only meet the worst kung tatakas ako.
Guess I'll have to endure this—
Biglang may kumatok sa pintuan na ikinagulat ko.
Magkukunwari sana ako na hindi pa gising pero bumukas din kaagad yung pintuan, at isang babae ang dumungaw sa mula sa pintuan.
A maid?
Ngumiti siya sa akin...and to my surprise, a smile tugs on my lips too.
"Ma'm, good morning po. Gising na po pala kayo," bati niya sakin.
Ma'am? Amo niya ba ko? Nope..she's just being nice.
And then, pumasok siya sa kwarto ko. Pinagmasdan ko siya. May dala dala siyang tray ng...pagkain. From the smell of it na naaamoy ko, I'm sure na masarap ang pagkain na dala niya.
Napatango na lang ako and supress a wonderful smile.
Naupo na ako sa gilid ng kama at kinalma yung sarili ko.
"Ito na po pala yung breakfast nyo, pinadala po ni Sir Ian," sabi nung maid at ibinaba niya sa may lamesa malapit sa pintuan.
"Sino si Ian?" tanong ko.
"Ah... ma'm yung boss po ng bahay na to. Siya po ang may ari nitong bahay na 'to. A teka lang po ah ikukuha ko lang po kayo ng damit, sabi po kasi ni Sir Ian, pagkatapos nyo daw pong kumain at maligo, puntahan niyo daw po siya sa office niya," paliwanag niya loud and clear.
Halos gusto ko ng mapanganga sa sinasabi nung maid. Makikita ko na si Mr. C? Ian? Whoever he is.
What does he look like?
What's his personality?
I guess mas malalaman ko kung ime-meet ko na siya.
I'm going to meet the man who's bought and claimed me. Di ko pa man siya nakikilala, may takot na sa puso ko.
Napatango na lang ako sa maid. Then, she leaves to me clothes like she's said. After a few minutes, bumalik din siya dala-dala yung damit na kinuha niya para sakin.
Tumayo ako, knees shaking, para kunin yung damit na dinala nung maid para sakin.
"Iwanan ko na po kayo ma'am," paalam niya bago tuluyang umalis.
Kumalam yung tiyan ko. Kaya tinuon ko yung atensyon ko sa pagkain. Kinuha ko yung tray ng pagkain at dinala ko sa kama para dun kainin.
Mukhang ang sarap. A big breakfast. Egg, hotdogs, bacon, fried rice. Heavy breakfast too.
Mabilis kong naubos yung inihandang pagkain dahil sa gutom ko.
Matapos akong kumain ay dumiretso ako sa banyo, dala dala yung damit na binigay sakin nung maid, para maglinis na ng katawan tulad ng inutos sakin.
Napahanga ako sa ganda ng banyo. Pwede ng tirhan ng ninuman kahit banyo lang. Di naman mahahalata na banyo to kung sakali.
Gaping, naghubad na ako at sumalang na sa magarang shower na may tub. Akala ko kulay ginto ang lalabas na tubig mula sa shower, pero hindi nangyari ito. Normal na tubig lang.
I wash my body. I scrub my skin clean. And then, after that, nagbihis na ko.
I'm wearing a pink dress. I look myself in the mirror. I look haggard. Merong small gashes on my cheek, at yung kaunting itim sa ilalim ng mata ko.
Naghanap pa ko ng make-up para takpan ang disastrous face ko.
Why do I bother?
I'm going to meet my owner. And he needs to see what I really look. Kung anong itsura ng binili niya. Malay ko kapag nakita niya na di ako appealing enough, i-forfeit na niya yung kontrata at palayain niya ko.
I force a tight smile. It's now or never.
"Calm yourself, Ales!" Bulong ko sa sarili ko
Taking a huge breath and releasing it, lumabas ako ng kwarto.
BINABASA MO ANG
REACHING THE CLIMAX (RTC BOOK 1) (Editing+Revising ~)
RomansREACHING THE CLIMAX (RTC Book 1) **Completed** Adult content. Read at your own risk. Summary: MONEY. SEX. LOVE. Ales only knows one way to earn money to live. By selling herself-her body, her soul-for sex. Away from the family she...