#THB Chapter Nine:
HINDI KO ALAM kung bakit hindi ko masabi pabalik kay Dodong ang tatlong salita na yon kahit alam kong yun din ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang nagbabara ang lalamunan ko sa tuwing tina-try kong sabihin yon.
Mabuti nalang at hindi na niya pinansin pa ang bagay na yon at parang walang nangyari na nagkwentuhan lang kami sa loob ng sasakyan ko hanggang sa umuwi ako.
--
Kakatapos lang ng last class ko sa morning at palabas na sana ako ng classroom nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Si Cooks ang tumatawag. Huminto muna ako sa paglalakad at sinagot iyon.
"Hello, Cooks.."
"Where are you?" nagtaka agad ako sa tanong at sa tono niya. I sense the urgency on her voice.
"Classroom, CA 316." sagot ko. "Papalabas na sana ako. Bakit?"
I heard her sighed on the other line. "Dyan ka lang ha. Wag kang lalabas. I'm on my way there.." at dinig ko ang tunog ng takong niya na parang tumatakbo siya.
"Ano bang problema, Cooks?!" kinakabahan kasi ako sa inaakto niya. Parang may mali. May nangyari bang masama?
"Basta, I'll tell you later." sagot niya. "Nandyan na ba si Dodong?"
Umiling ako kahit hindi niya naman makikita. "Wala. Hindi siya makakasabay ngayon. Bakit ba kasi?!" The suspense is now killing me!
"I'll hang up na, malapit na ako.." and before I could react, namatay na ang linya.
Naguguluhan man pero sinunod ko padin yung sinabi ni Cooks na manatili lang ako dito sa loob ng classroom. I feel like I need to follow her. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Ilang minuto lang ay nasa harap ko na si Cooks na hinihingal. Ni hindi pa nga niya makuhang makapag-salita. She's breathing heavily.
"What the hell is the problem, Cooks?!" tanong ko sa kanya.
She faced me a worried look, "Queen, he's back..."
And I froze. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niya dahil alam ko na. Ramdam na ramdam ko.
Shit! Bakit pa siya bumalik?!
"P-paano mo nalaman?" I lost energy. Parang galing ako sa isang bitch fight with Monica.
"I overheard Monica and her tails talking about him. At sabi ni Monica, pupunta daw siya dito ngayon kaya ako nagmadaling puntahan ka dito."
Nanghihinang napaupo ako sa pinakamalapit na silya. "Bakit siya nandito?" tanong ko pero nasa kawalan na ang atensyon ko. Hindi parin ako makapaniwala.
"I don't know, Couz.. ang sabi lang ni Monica ay siya ang pupuntahan dito.. but I doubt it.."
Hindi ako kumibo. Nanatili lang ako walang kibo habang nakatitig sa kung saan, trying my very best to keep calm and regain myself.
I need to compose myself. Two years na ang nagdaan. Hindi ko na dapat nararamdaman ito. Hindi na dapat ako apektado. Wala na dapat akong pakialam sa kanya. At isa pa, may Dodong na ako.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Let's go, Cooks. Kung talagang nakatakda nang magkita kami ulit, so be it." i said firmly. "Pero wala na akong pakialam pa sa kanya." pagkasabi ko non ay naglakad na ako palabas. Sinundan lang ako ni Cooks hanggang sa makarating kami sa canteen. Um-order na kami at kumain. Walang nagsasalita sa amin.
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
RandomThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...