#THB Chapter Fourteen:
I TOOK a deep breath ng makatapak ako ulit sa university. It's been a week at nakakamiss din palang pumasok.
I can feel the light feeling kaya naman positive ako na may mangyayaring maganda ngayong araw na ito.
But just when I thought this day would be good, hindi pala.
Kasi nung madaanan ko ang café ay may nakita ako. Si Dodong at Monica. Magkatabi sila. Parang tinuturuan ni Dodong si Monica.
But something hit me, kelan pa sila naging close ng ganyan?
As far as I know, walang ibang close si Dodong dito sa university maliban samin ni Cooks.
Pero bakit parang matagal na silang magkakilala?
Maglalakad na sana ako papalapit dun sa café when someone held my hand.
"Queen," it was Harry, again.
"Ano na naman ba?!" asik ko sa kanya.
"Ilang araw kitang hindi nakikita. You missed a lot of your class lately." may himig pag-aalala ang tono niya.
Pero hindi ko magawang mag-care. I hissed and rolled my eyes. "Ano naman ngayon sayo?"
"Queen, I care about you." he said.
I managed to laughed sarcastically, "Care about me? Bakit? Bakit ngayon lang?!" I blurted out. "Nasaan ka nung kailangan ko ang care na yan?! Ha, Harry?! Nasan ka?!"
"Come on, Queen. Wag kang mag-iskandalo dito." bulong niya na pilit hinahawakan ulit ang kamay ko pero umilag ako.
"Don't touch me,"
"Sumama ka sakin, ie-explain ko ang lahat sayo." He said.
Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba ngayon. Kumakabog ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Siguro dahil malalaman ko na ang lahat, finally?
Tamang desisyon na ba talaga to?
Susundin ko ba ang sabi ni Kuya na pakinggan ko si Harry?
Hindi ko alam kung saan kami patungo ni Harry, pero nandito parin naman kami sa loob ng university.
Huminto kami sa isang parang garden na maliit. Hindi ko alam na may lugar palang ganito dito kasi hindi naman ako palaikot sa buong lugar na'to.
Pinaupo niya ako sa isang rock formed chair na nasa gilid. Siya naman ay nanatiling nakatayo at paulit-ulit na naglalakad sa harap ko. He's uneasy.
"Tigilan mo nga yan," inis kong saway sa kanya. "You should start explaining everything, Harry. I don't have time for any plays."
He stopped on his foot then sighed. "Okay," he said. "But please, promise me, you'll let me finish everything."
Hinintay niya ang sagot ko pero hindi ako nagsalita. Hindi ko maipapangakong matatagalan ko ito lalo na kapag hindi ko na magugustuhan ang lahat ng lalabas sa bibig niya.
I just rolled my eyes at him. At saka tumayo. Pero hindi naman ako aalis, tumalikod lang ako sa kanya.
He sighed again bago nagsalita. "Monica and I had a secret affair even we're still together."
Napapikit ako ng marinig ko yon. A familiar pang on my chest was suddenly coming back.
"Pero hindi ko ginusto yun, Queen. Believe me."
Napaharap ako sa kanya. "Hindi mo ginusto?" natawa ako ng mapakla. "But you eventually liked it when your having sex with her, right? Ganun ba?"
"Please, hindi ganun yun. Let me finish, please.." pagsusumamo niya.
Hindi na ako kumibo dahil gusto ko naring matapos ang lahat ng ito.
Ilang saglit muna bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.
"Monica's a flirt one," nakatulala si Harry habang nagsasalita. Parang inaalala pa ang lahat ng nangyari. "God! Dapat nung una palang napansin ko na na flirt siya.." punong-puno ng pagsisisi ang boses niya. "All I thought that she's just that friendly.. pero hindi pala. She even went to my condo many times para dalhan ako ng pagkain."
Napatingin ako kay Harry dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwala. Bakit ginagawa ni Monica yon? Akala ko kaibigan ko siya?
"Hindi ko siya pinag-isipan ng masama noon because she's your friend. Pero kalaunan ay napansin ko nadin na iba na ang kinikilos niya.." his breathing became heavy this time, parang nanggigigil. "When I confronted her, she told me.. s-she told me how she loves me.."
Napayuko ako. Dahan-dahan at parang nanghihina akong umupo ulit sa inupuan ko kanina.
Akala ko yung nakita ko nung gabing yon ang pinakamasakit sa lahat.
But hearing the truth right now really pains me a lot.
How could she do this to me?
Ano bang naging kasalanan ko sa kanya?
"Umayaw ako, Queen. Mahal kita, e. Ikaw yung mahal ko at ayaw kitang saktan.." patuloy niya. "P-pero binantaan niya ako, Queen.. kapag hindi ko sinunod ang lahat ng iuutos niya sakin, sisirain niya ang buhay mo. Ang buong pamilya mo.." nakikita kong nangingilid na ang luha sa mga mata ni Harry.
Pero wala akong maramdaman talaga kundi galit.
Galit para kay Monica.
"That night, were supposed to meet up right? But she called me.. sinabi niya na may mga taong nakasunod sayo ng gabing yon, nandon ka na sa meeting place natin nun.."
Yeah, I remembered that night. Magkikita dapat kami but he ditched me. Nalaman ko nalang ng may tumawag sakin kung nasaan si Harry. And the rest was history.
"Naduwag ako, Queen. Mas pinili ko ang kaligtasan mo. I'm so sorry.." yumuko siya at kitang-kita ko kung paano niya pinahid ang luha sa mga mata niya.
Pero hindi ko magawang maapektuhan. Hindi ako nagiging emosyonal.
"Hiniling din ba niya na makipag-sex ka sa kanya?" walang emosyon na tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sakin. "H-hindi.. wala akong alam sa mga nangyari bago mo kami maabutan.."
I sarcastically laughed. "You didn't know pero habang ginagawa niyo yun ay sarap na sarap ka pa?"
"I was on drugs!" he blurted out. "Pagdating ko doon ay may pinainom siya sakin. Hindi ko sana tatanggapin kasi hindi ko naman alam kung ano yun." Umiling-iling pa siya. "But again, she used you, Queen kaya hindi na ako nakapalag pa.."
Hindi ako nagsalita. I'm digesting everything right now.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm sorry, Queen. I am very sorry.." nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya habang sinasabi niya yon pero hindi ko talaga yun ma-appreciate ngayon. "I know I've been a coward for letting her control me, pero yun lang talaga ang alam kong tamang gawin that time. I'm so sorry."
"Why didn't you showed up after that night? Diba dapat in-explain mo na ang lahat ng yan noon pa?" taas-kilay na tanong ko sa kanya.
He sighed. "Again, naduwag ako, Queen. Gusto ko munang ayusin ang lahat bago kita balikan."
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
RandomThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...