#THB Chapter Three:
Pagkatapos kong makipag-usap sa tao na hindi ko na matandaan kung sino ay hinanap ko na agad kung nasaan ang hayerp na babaeng 'yon.
Pina-imbestigahan ko kung sino ang may gawa ng pagtulak dun sa babae noong nakaraang mga araw kaya ako natapunan ng juice. And I found out na si Monica pala ang gumawa nun. Kitang-kita sa CCTV footage na pinanood ko kanina at hindi ko napigilan ang pag-usbong ng galit ko. I told you, hindi ako humihinto until I get even.
Gigil na lumapit ako kay Monica na nakaupo malayo sa pwesto ko dito sa room. Eksakto din kasi na ngayon yung subject na magkaklase kami.
Agad ko siyang sinabunutan. Nagulat si Monica maging ang mga kaklase namin. May nakita pa akong naglabas ng cellphone at alam kong bini-videohan kami. Gusto kong sirain yun pero mamaya nalang pagkatapos ko sa babaeng ito.
"Aray!" napasigaw siya sa sakit. "Ano na naman bang problema mo, Queen?!"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" galit na sigaw ko sa kanya saka ko binitawan ang buhok niya pagkatapos ay sinampal ko siya. Nagpapasalamat nadin ako at wala pa ang prof namin kasi baka madadagan lang ang kasalanan ko kapag pati sila nadamay sa init ng ulo ko ngayon! "Sinabi ko na sayo na wag na wag mo akong kakantiin di ba?! Pero ikaw din pala yung may dahilan ng pagkakatapon sakin ng juice nung babae!" gigil na gigil na talaga ako sa kanya. Ang sarap niyang patayin!
"E, ano naman ngayon?! Bagay yun sayo!"
I gritted my teeth in anger. Sinakal ko siya. "This is the last time I'll tell you this, Monica. Stop this. Tigilan mo na ang walang-kwentang ginagawa mo," I warned her. Napapansin kong namumula na siya sa sobrang higpit ng pagkakasakal ko sa kanya. "Alam mong kayang-kaya kong gawin yung mga sinabi ko sayo noong nakaraang araw.. alam na alam mo 'yun."
"H-hindi mo.. m-magagawa 'yon, Q-queen.. p-puro ka lang banta.." nahihirapan niyang saad. Nagawa pa niyang ngumisi.
Napangisi din ako. "Sige. Try me, Monica." Kahit gustong-gusto ko siyang patayin sa mga oras na ito ay hindi ko gagawin. Hindi worth it ang maruming dugo niya para madungisan ang malinis kong kamay. Binitawan ko siya.
Lumapit ako sa mga taong nakita ko kanina na naglabas ng mga phone nila para i-video kami. Mabilis kasi agad nila itong itinago ng makita nilang paharap na ako. Actually, tatlo sila lahat.
"Phone niyo," sabi ko sa kanila sabay lahad sa kamay ko. I impatiently waited pero hindi sila sumunod. "Akina ang phone ninyong tatlo!" sigaw ko sa kanila.
"P-pero, Queen..."
"Ibibigay niyo ba o ibibigay niyo?!" Yes, no option. Because I'm tired of giving people the options they didn't deserved!
Tulirong inabot naman nilang tatlo ang mga cellphone nila sakin. Dalawang iphone6 at isang samsung s6. Sobrang sayang kung sisirain lang.
"W-wag mo namang sirain, Queen," pigil ng babae sakin. Pero huli na ang lahat. Hinulog ko na ito sa sahig at tinapak-tapakan.
"Sorry, you're too late.." nanghihinayang kunyari na tugon ko.
"Tama na yan, Queen.." napalingon ako sa nagsabi non. And I saw Dodong sa likuran ko. "Tama na," for the first time, nakaramdam ako ng iritasyon sa presensya niya. Hindi ko siya pinansin at binalingan ulit yung tatlo.
"Sa susunod na tangkain niyong kumuha ng video, wag kayong magpahalata para hindi ko masira." sabi ko sa kanila. Binalingan ko ulit si Monica at sinampal siya, "You're pathetic.." pagkasabi ko nun ay lumabas na agad ako ng classroom. Nakasalubong ko pa ang prof namin pero hindi ko na siya pinansin. Nawalan na ako ng ganang pumasok.
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
De TodoThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...