#THB Chapter Twelve:
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin, pero matapos nung pag-uusap namin ni Harry ay naging ganito na ang kinikilos ko.
Tuliro, nakatulala at hindi makausap ng matino. I even avoided Dodong's presense for godsake!
Mag-iisang linggo nadin akong ganito at alam kong nagtataka na si Dodong sa mga kinikilos ko. Kapag pinupuntahan niya ako sa building namin ay palagi akong may excuse sa kanya. Sinasabi kong may gagawin ako, may pinapagawang importanteng bagay si Dad at Kuya, busy sa paghahanap ng company for my internship, kailangan sunduin si Princess kahit hindi ko naman talaga ginagawa kahit kailan. Damn it! Nagsisinungaling ako kay Dodong!
Tinatanong ako ni Cooks kung ano ang problema ko pero hindi ko siya sinasagot.
At si Harry. Damn him! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito! Dapat hindi na niya sinabi pa ang lahat ng yon. Bakit ba hindi nalang siya natahimik kung saan man siya napadpad two years ago? Bakit kailangan niya pang bumalik?
I didn't see him again until now after nung pag-uusap namin. And I wish na sana wag nalang talaga siyang magpakita ulit.
No, mali si Dodong na kailangan ko ng closure.
I don't need closure. Ang kailangan ko ay ang buhay without Harry. Yung walang manggugulo ulit na Harry. That's what I really need.
Weeks pasts pero hindi ko pa din nakikita ulit si Harry. Thank God! Kasi baka finally na-realize na niya na we're no good anymore.
Patuloy ko parin na iniiwasan si Dodong but this week ay naisipan ko na baka hindi ko na kailangan umiwas pa sa kanya. Napapansin ko kasi na hindi narin siya nagpaparamdam sakin. No texts, no calls from him. At hindi narin niya ako pinupuntahan sa building namin. I'm beginning to worry pero nung nagkausap kami ni Cooks ay busy lang daw sa pag-aaral si Dodong.
I've been receiving weird stuffs lately. Like, chocolates, flowers, teddy bears, etc. At first, akala ko kay Dodong galing ang lahat ng yon so I kept everything. Pero nang makita ko ang nakalagay sa note ng bouque kanina ay nalaman kong kay Harry pala nanggaling ang lahat ng yon.
For the most beautiful lady,
I missed you, Honey...At si Harry lang ang tumatawag sa akin ng ganun kaya ko nalaman. So, every stupid thing he gave to me went on in the trash.
**
Another day passed by na hindi ko na nakikita si Dodong. So I've made up my mind na susorpresahin ko siya sa building niya ngayon. Dadalhan ko siya ng lunch. Alam ko kasi na parehas kami ng break ngayon.
I would stop this drama. I missed him so bad!
Naglalakad na ako patungo sa building nila ng may humila sa braso ko.
"What the hell, Harry?!" singhal ko agad sa kanya ng makaharap ko siya.
Para namang wala lang sa kaniya yung reaksyon ko, nginitian lang niya ako. "Come on, let's eat. Nagugutom na ako e."
Inis na inalis ko ang pagkakahawak niya sakin. "At sinong may sabi na sasabay ako sayo?!" Ha! Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng to.
"Sige na, Queen.." he pleaded. "Naging busy kasi ako lately kaya hindi ako nakakapunta, kaya sorry na.."
"Wala akong pakialam, Harry." madiin kong sabi sa kanya.
"Sige na, wala ka namang kasabay e." at saka niya sinipat ang supot na dala ko. "Para sakin ba yan? Sweet mo talaga, Honey!"
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
RandomThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...