Chapter Sixteen

6 0 0
                                    

#THB Chapter Sixteen:

Isang pito ang bumalot sa loob ng café na ito. Napatigil ako kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Dodong para makarga ako paalis sa pagkakadagan kay Monica.

Nagpumiglas ako syempre, pero hindi niya ako hinayaan. Sobrang lakas niya. I can now see that he's mad.

Nakita ko naman na tinulungan ni Harry si Monica na tumayo, nanghihina ito at naghahabol ng hininga.

"THE FOUR OF YOU! TO MY OFFICE! NOW!" nakakabinging sigaw ni Dean Paredes sa amin.

Agad namang sumunod sina Harry na nakaalalay pa rin kay Monica. Habang sinubukan naman din akong alalayan ni Dodong but I refused.

"Don't touch me," matigas kong sabi.

Pagdating namin sa loob ng dean's office ay nakita kong nakatayo si Dean sa harap ng mesa niya. At si Monica naman ay nilalapatan ni Harry ng icepack sa mukha.

Napangisi ako. Napuruhan e.

"Both of you, sitdown!" tukoy ni dean samin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ganun din naman ang ginawa ni Dodong na tumabi sa akin. Ngayon ay kaharap ko si Monica na masamang-masama ang tingin sa akin kahit namamaga ang kaliwang mata niya.

I really got a good punch ealier. I mentally laughed with that.

"Now, will you all explain everything to me?" sabi ni Dean. "Bakit kayo nagkagulo Miss Altamonte, Miss Francisco?" nagpalipat-lipat ang tingin niya saming dalawa ni Monica.

"We had a bitch fight." diretsa at simpleng sagot ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Monica.

"Bitch fight?" di makapaniwalang usal ni Dean. "What are you, highschool?"

I shrugged. "Maybe,"

Hindi naman ako natatakot sa kanya, e. Hindi niya ako magagalaw. Subukan lang niya.

"Bibigyan ko kayo ng parusa lahat. Kayong apat." mariing sabi niya.

I smirked. "You can't do that to me, Dean."

"Why not, Miss Altamonte?"

I shrugged then stood up. "I'm done here. Ipatawag niyo nalang si Kuya."

Pagkatapos kong sabihin yon ay lumabas na ako ng dean's office at naglakad patungo sa parking lot.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang tanging nasa isip ko lang ay gusto ko munang lumayo. I just wanna runaway from this shits.

Namalayan ko nalang na nag-park na ako sa harap ng isang bar. Alam kong hindi pa iyon bukas dahil maaga pa naman. Pero kakilala ko naman ang may-ari nito kaya pumasok nadin ako at nakita ko ang mga staffs ng bar na ito na busy na sa paghahanda ng mga kakailanganin para sa pagbubukas mamaya.

I've seen these staffs many times kaya kilala nadin nila ako.

"Oh? Ang aga mo namang customer." napalingon ako sa nagsalita. At nakita ko si Zach. Ang may-ari ng bar na ito. Nakangiti ito sakin habang papalapit. "What are you doing here?"

I hissed at him. "Iinom," sabi ko saka naglakad patungo sa bar aisle at naupo sa high stool doon.

Sumunod naman siya agad at naupo sa tabi ko. "May problema ka ba?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya. At cue na niya iyon para tawagin ang bartender niya at hinayaan akong mag-order ng gusto ko. I prefer, bloody mary para epekto agad.

"So, care to share?" he suddenly said.

I shook my head. Ayokong ikwento ang lahat. Alam kong kailangan ng tao na ilabas lahat ng problema niya at i-share sa iba. Pero iba ako. I just want to keep this for myself. Kaya nga ako pumunta dito ay para makalimot. Hindi yung babalikan ko pa yung mga nakaka-bwisit na nangyari.

Naintindihan naman yun ni Zach kaya he didn't push it anymore. Instead, sinamahan niya nalang ako at kinuwentuhan ng iba't-ibang adventures niya sa mga babae. Natatawa nalang ako sa mga kalokohan niya.

Zach's my ex-boyfriend. Or should I say, ex-fling. Naging kami nung panahon na devastated pa ako, actually pareho kami ng pinagdadaanan that time. Our relationship lasts only for two weeks. Naisipan din kasi namin na katangahan lang ang naisip namin na magwo-work ang relationship namin. We are both wasted and devastated. We both know that we can't jump into new relationship para lang maging maayos kami. So, mas better na maging casual friends nalang kami pareho.

Matagal din kaming nagkwentuhan. Medyo may tama na nga ako at siya naman ay cool lang. Uminom din naman siya pero konti lang. Maaga pa daw kasi tapos alam din niya na kailangan ko ng maghahatid sa akin pauwi.

Ilang saglit lang ay unti-unti nang nagkakaroon ng customers dito sa bar. At ako naman ay lasing na talaga. I feel dizzy and I just wanna sleep.

"Ihahatid na kita," dinig kong sabi ni Zach.

I smiled at him. Medyo papikit-pikit nadin ako. "W-why don't we try it again, Zach?" sabi ko saka suminok. Lasing na talaga ako.

Natawa naman si Zach. "You're drunk. Come on, ihahatid na kita." he said saka ako inakay patayo.

I laughed hysterically. "Yeah, lasing na nga ako." I said then everything went blank.

---

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Shit!" usal ko pagkatapos kong bumangon. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito.

Nadinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko nagawang tignan kung sino ang pumasok. I just can't move my head kasi sobrang sakit talaga.

Damn hang-over!

"Buti't gising ka na," si Kuya ang nagsalita.

Gumalaw ang kama kaya alam kong umupo siya doon. I opened my eyes saka ko nakitang may inilahad siya sakin.

"Drink this para mawala yang hang-over mo." he said then handed me a capsule and a glass of water.

Ininom ko naman agad iyon.

"Pano ako nakauwi?" I asked matapos kong ilapag ang baso sa bed side table.

"Zach's," tipid na sagot niya.

I nodded. Kilala na naman si Zach dito sa bahay. And after our so-called break up ay nalaman ko din na family friend pala namin ang mga magulang niya. A small world, indeed.

I glanced at the clock at nakita kong magtatanghali na pala.

"Shit," napamura ako. "Hindi ako nakapasok."

"Sobrang lalim ng tulog mo kanina kaya di na kita pinagising. At saka alam ko din na magkaka-hang over ka." Kuya explained.

Napahawak nalang ako ulit sa ulo ko. Grabe! Madami pala ang nainom ko? Tsk. Bakit di ako pinigilan ni Zach?

"I went to your university earlier. Pinatawag ako ng dean niyo." sabi ni Kuya.

Tumango ako. "So, anong nangyari? Exempted na ba ako sa stupid punishment na yon?"

He nodded and I smirked. Alam ko naman talaga na hindi nila ako mapaparusahan e. Hindi nila kaya.

"Bakit mo ginawa kay Monica yun, Queen? Muntik mo na siyang mapatay!" he gave me a disappointed look pero hindi ko iyon pinansin.

"That's good for her, Kuya."

"Bakit ka ba nagkakaganyan, Queen?" naguguluhang tanong niya. "Hindi ka naman ganyan diba? Bakit nananakit ka na ng tao ngayon?"

"The old Queen was gone, Kuya. She's dead." I said straight to his eyes. "They changed me. Wala akong ginagawang masama sa kanila but what did I got in return? They're just hurting me, again and again."

Hindi nakapagsalita si Kuya. He remained still and look at me intently.

A small smile drawn to my face. A bitter smile, actually. "Sabi nila ang mga mababait daw yung paulit-ulit na sinasaktan. Pero ganun ba talaga ako kabait para saktan nila ako ng paulit-ulit?" unti-unting nangingilid ang luha ko pero ayaw niyang bumagsak. Hindi ko naman pinipigilan pero ito talaga ang ayaw bumagsak ng kusa. Hindi ko alam kung kelan ito ulit babagsak. "Nakakapagod maging mabait kapag paulit-ulit ka nalang sinasaktan, Kuya."

The Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon