Chapter Seventeen

4 0 0
                                    

#THB Chapter Seventeen:

Pagkatapos naming mag-usap ni Kuya ay lumabas na din siya ng kwarto ko. Kailangan niya pa daw kasing bumalik sa opisina niya.

Kinuha ko ang phone ko sa bag na ginamit ko kahapon at nakita ko na tadtad na iyon ng missed calls at texts galing kay Dodong at Harry. But I deleted it all. Nagtext din si Zach kaya yun lang ang binuksan at binasa ko.

Hey there, Lady. Bet you got a bad hang-over right now. Text me when you wake up.

I immediately compose a reply.

Fuck you, Zack! You should've stopped me from drinking too much!

After a minute of sending that message, tumunog ang phone ko. Zach's calling.

"What?" I snorted.

He laughed at the other line. "Chill, Queen."

"Leche ka! Pano ako magre-relax, e ang sakit ng ulo ko?"

"And you blame me for that?" he laughed again. "We both know na walang makakapigil sayo kapag ginusto mo, Queen."

Napailing nalang ako. Tama naman kasi talaga siya. Alam ko naman na ginusto kong malasing talaga kagabi, and this is what I've got. Naghahanap lang talaga ako ng masisisi sa severe headache na ito.

"Wanna grab a coffee?" maya-maya sabi niya.

I immediately agreed to him. Sinabi ko sa kaniya na maliligo lang ako tapos sunduin niya ako after an hour.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay may kumatok na katulong at sinabing nasa baba na daw si Zach.

I just wore a fitted skinny jeans, a plain white v-neck shirt and a high-cut boots. I tied my hair in a messy bun and then off I go.

Zach's whistle upon seeing me. And I just rolled my eyes at him.

"Quit that stare, Zach." saway ko sa kanya. "It's annoying."

Tumawa lang siya sakin at saka inaya na ako palabas. Sumakay na kami sa kotse niya at umalis na kami.

"Seriously? Starbucks?" di makapaniwalang tanong ko pagkatapos naming bumaba sa isang branch ng starbucks malapit sa amin.

He shrugged. "Wala akong ibang maisip na malapit, e."

"Grabe. Ang galante mo talaga." I sarcastically said which he just laughed out.

Kasalukuyan na naming ini-enjoy ang kape naming dalawa ng biglang may nagbuhos ng kape sa ulo ko.

"Shit!" napasigaw ako sabay tayo.

"Hey! What's your problem?" dinig kong sita ni Zach dun sa bumuhos sakin.

Hindi ko pa tinitignan kung sino ang walang-hiya na bumuhos sakin ng kape dahil busy pa ako sa pagtingin sa damit ko. Damn it. Naulit na naman.

"Well," napaangat agad ako ng paningin ng marinig ko ang boses ng hayerp na yon. Si Monica. "Hey there, bestie. Just doing the same thing, but this time, ako na talaga ang gumawa." sabi niya sakin.

Nanggigigin na tumayo ako at humarap sa kanya.

"Hanggang dito ba naman, Monica?!" galit na sigaw ko sa kanya. Lahat ng customers sa starbucks ay napapatingin sa amin, kahit ang mga staffs. Jeez. May cursed ba ako sa mga coffee shops?

"It's a small world, Queen." she said with a smirk tapos ay bumaling siya kay Zach. "Are you her new toy?" tanong niya dito.

Kumunot naman ang noo ni Zach. "Stop this, Miss."

She just hissed at him and faced me. "Bilib na talaga ako sayo, Queen.. ang dali-dali mong makahanap ng kapalit."

Matic na nag-init ang ulo ko ng marinig iyon mula sa bibig niya.

"Don't you try to steal Zach away from me, Monica. I swear hindi lang sakal ang aabutin mo sakin." I warned her.

Tumawa siya ng mahina. "Don't worry, he's not my type."

Kumunot naman lalo ang noo ni Zach. "H-hey, that's offensive.."

Hindi ko na pinansin ang remarks ni Zach and faced Monica.

"So, Harry and Dodong was your type?" I hissed.

"Harry?" tumango-tango siya. "Dodong?" napangisi siya pagkatapos banggitin ang pangalan ni Dodong. Nakakapagtaka. "You really don't know everything, aren't you?"

Ano ba yang everything na yan? Bakit ba palagi yang lumalabas sa bibig ng baliw na'to?

But I just stared at her blankly. Kahit kating-kati na akong malaman kung ano yang everything na yan ay parang may pumipigil sakin.

"Come on, Miss. Wag ka nang manggulo dito." sabat ni Zach. "Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis."

Mukhang nagulat naman si Monica pero agad din siyang napangisi at itinaas pareho ang kamay niya na parang sumusuko na.

"Okay, okay, I'll leave." pagkatapos niyang sabihin yon ay nag-iwan muna siya ng nakakalokong ngisi bago lumabas ng starbucks.

Pinagalitan ko pa si Zach kung bakit niya pinaalis yung walang-hiya na babae na yun pero tinawanan niya lang ako.

Nag-sorry din siya sa mga customers and staffs dahil sa istorbo na nagawa daw namin pagkatapos ay umalis na kami. He offered to drop by sa isang mall at bumili ng damit pero tumanggi ako. Baka kasi magbiro na naman ang tadhana at pagtagpuin na naman ang landas namin ng pesteng Monica na yun kaya wag nalang. Uuwi nalang ako.

Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na pinapasok si Zach. Nagdahilan nalang ako na masakit ang ulo ko. At hindi naman na siya nagpumilit kasi kailangan nadin niyang pumunta sa bar niya.

"What happened to you?" napatigil ako sa paghakbang paakyat sa hagdanan ng marinig ang boses ni Mommy.

She's from the kitchen kasi nakasuot pa siya ng apron niya. Nagdalakad ako palapit sa kanya at saka ginawaran siya ng halik sa pisngi.

"Just some bitch fight, Mom." simpleng sagot ko.

"What?" gulat na tanong niya. "Nasaktan ka ba?" ang mala-anghel niyang mukha ay napuno ng pag-aalala.

I gave her a small smile. "Of course not, Mom. No one can win against me."

She sighed. "Wag ka nang nakikipag-away ha. You should learn to be patient."

Tumango nalang ako para matapos na ang usapan na ito. Kahit ano naman kasi ang gawin ko, kahit ako na yung naaagrabyado, ako pa din ang lalabas na mas may kasalanan kasi ako ang kilala bilang heartless, bilang bitch. Kaya walang mag-aakalaing pwede din pala akong maging biktima.

Nagpaalam na ako kay Mom at saka pumasok sa kwarto ko at naligo. Gusto ko nalang matulog ngayon.

At sana, kahit masamang isipin,

Wag nalang sana akong magising..

Para matapos na...

The Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon