#THB Chapter Eighteen:
Pagkapasok ko kinabukasan ay nakita ko agad sa hallway si Cooks. Ewan ko kung saan siya nagsusuot nung nakaraan at ngayon ko lang siya nakita. Lumapit na agad ako sa kanya at kinulbit siya. Busy kasi siya sa pagkalikot ng phone niya, e.
"Couz!" she exclaimed ng makita ako. "Okay ka na?"
"Why? Kelan ba ako hindi naging okay?"
"Kalat na kasi sa buong university ang nangyayari sa inyo ni Monica. Headline sa uniblog natin." she said then showed me her phone.
Ang uniblog ay isang website kung saan doon makikita ang lahat ng nangyayari sa loob ng university. Positive man or negative. And to put it all together, it's just a stupid chismis group.
"Talaga?" walang ganang sabi ko.
"Yeah," sagot niya saka may pinindot sa phone niya saka ipinakita ulit sakin. "Interview yan ni Monica kahapon."
I clicked the play button to watch the video.
"What can you say about the issue, Monica?" it was Eunice. Ang blogger ng university.
"Look at my face," sabi niya at saka inilapit sa mukha niya ang camera. "She punch me real hard!"
"Ano ba talaga ang tunay na rason kung bakit ka sinasaktan ni Queen Altamonte?"
"She's a pyscho-bitch. A heartless bitch!"
Inis kong pinatay ang video. Kung hindi pa lang si Cooks ang may-ari ng phone ay baka naitapon ko na ito sa sobrang panggigigil.
I took my own phone from my pocket at saka idinial ang number ng isang tao.
"Miss Altamonte..."
"I want you to clear all the issues about me from that stupid uniblog." utos ko. "And I want you to do it now."
"Fine. I'll do it now."
Pagkatapos kong sabihin yon ay pinatay ko na ang tawag.
"Who's that?" usisa ni Cooks.
"Someone you don't know." matipid kong sagot sa kanya saka nagsimulang maglakad patungo sa unang klase ko.
Nagtaka pa ako kung bakit nakasunod pa si Cooks sakin. Pero sinabi niyang wala naman talaga daw siyang klase ngayon. She's just here to be my bodyguard daw. Baka sugurin na naman daw ako ni Monica.
I just let her para may makausap naman akong iba. Nakakasawa na din kasing makausap yung mga taong nananakit lang naman sakin.
Nag-sit in siya sa mga klase ko at sabay din kaming pumunta sa canteen para mag-lunch.
"Pupunta daw si Dodong dito." she said habang kumakain kami.
She shrugged. "Sasabay kakain?" she unsurely said.
Tumango nalang ako. Kahit naman anong iwas ko ay darating din sa point na magkikita o mag-uusap kami ni Dodong or ni Harry.
Ilang saglit lang ay dumating na nga si Dodong. Binati niya si Cooks at ako din naman. Pero ramdam kong medyo aloof si Dodong sakin. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"By the way, guys!" basag ni Cooks sa awkward silence na namumuo samin kaya sabay kaming napatingin ni Dodong sa kanya. "Naisipan namin ni Edward na pumunta sa beach this weekend, sama kayo?" tanong niya habang palipat-lipat ang tingin samin.
Si Edward ay boyfriend ni Cooks. Na kanina ko lang din nalaman mula sa kanya. Nagkakilala daw sila sa isang exibit. Mahilig kasi si Cooks sa arts e. So it explains her MIA moment lately.
"I'm good to that. Wala naman akong gagawin, e." narinig kong sagot ni Dodong sa kanya.
Kaya tumingin si Cooks sakin, nakangiti siyang hinihintay ang sagot ko.
"I don't know, Cooks." sagot ko. Wala kasi ako sa mood mag-beach ngayon. Sa dami ng problema ko ay baka maisipan ko nalang bigla na lunurin ang sarili ko para matapos nalang.
"Oh, come on!" bulalas niya. "Wag ka namang KJ, Couz! You need to loosen up, okay? Kailangan mong mag-relax!"
I sighed. "Okay, okay!"
She happily clapped her hands. While parang nakita ko naman na napangiti si Dodong ng marinig ang sagot ko, pero hindi ko nalang pinansin. Naiinis parin kasi talaga ako sa kanya.
"So, dahil wala naman tayong pasok sa friday ay naisipan namin na sa hapon nalang tayo aalis. Is that good to you?"
Tumango nalang ako, ganun din naman si Dodong.
Naunang umalis si Dodong kasi may klase pa siya, samantalang may vacant pa naman ako.
"Why are you ignoring Dodong?" usisa ni Cooks sakin.
"Am I?"
"Duh," she rolled her eyes. "Ang bitter ng actions mo, Couz!"
"Naiinis pa rin kasi talaga ako sa kanya. Don't blame me, Cooks. Kahit naman ikaw ang nasa posisyon ko ay maiinis ka din."
"Sabagay,"
"Tell me, did you planned this beach get-away alone?" tanong ko sa kanya. Baka kasi sabi-sabi lang niya na plano nila yun ni Edward pero ang totoo pala ay pinlano niya ito mag-isa para magkaayos kami ni Dodong.
"Of course not!" she exclaimed but I didn't believe her. Lie's evident to her face. She's lying. Pero hindi ko nalang pinansin. "We just wanna hang out lang naman."
Nagkibit-balikat nalang ako.
---
Friday, nagising ako ng dahil sa walang tigil na pagtunog ng phone ko. Nakapikit pa na kinapa ko ang phone ko na nasa ilalim ng unan ko and without knowing kung sino ang tumatawag ay sinagot ko na ito.
"What?" walang ganang sabi ko.
"Oh my gosh! Natutulog ka pa?" It was Cooks voice.
"Bakit ba?" inis kong tanong. Ang sarap pa ng tulog ko e.
"Just to inform you my dear couzin, you have almost three hours left to fix yourself. Nakalimutan mo bang ngayon ang alis natin?"
Nagmulat ako ng mata at tignan ang orasan. It's 1:00 o'clock.
"Oh, shit." di ko mapigilang sabihin saka bumangon.
Narinig ko namang tumawa si Cooks sa kabilang linya. "Grabe ka naman kasi matulog, Couz."
I hissed. "Shut up, Cookie." inis na saway ko sa kanya. "Sige na, maghahanda pa ako." hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinutol ko na yon. Basta ko nalang tinapon ang phone ko sa kama saka naglakad patungo sa walk-in closet ko.
Buti nalang talaga at organized lahat ng gamit ko kaya hindi na ako mahihirapang maghanap. Basta nalang ako dumukot ng tatlong pares ng two-piece bikini, dalawang see-through dress, crank tops, short shorts, tsinelas, sun glass, at iba pang mga gagamitin ako. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo at naligo.
I just wear a white crank top at white short shorts at isang tsinelas. Sinundo ako nina Cooks at Edward. At sabi niya ay nandon nadin daw si Dodong sa airport.
Sa mindanao pa pala nila balak mag-beach. Nakakaloka lang kasi ang layo. Pero wag daw akong mag-alala kasi hellicopter daw ang sasakyan namin patungo doon. Ngayon ko lang din nalaman na bigtime pala itong si Edward. They own one of the biggest airport here in the Philippines.
Napag-alaman kong isang isla ang pupuntahan namin. Sa Island Garden City of Samal. Ang harap nito ay ang Davao City na ilang beses ko na ding napuntahan.
Pagdating namin sa airport ay nandun na si Dodong na nakaupo sa waiting area. He stood up upon seeing us. Nagkamay sila ni Edward at hinalikan niya naman sa pisngi si Cooks. At huli na ang lahat para umiwas ako, Dodong already kissed me on my cheeks too.
Nanlaki ang mga mata ko pero pagtingin ko kay Dodong parang wala lang sa kanya yon at saka inagaw sakin ang dala kong bag at siya na ang nagbitbit non.
Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Cooks na kumindat lang sakin habang nakahawak sa bewang ni Edward.
Can anyone explain to me kung tamang desisyon ba ang pagsama ko sa kanila ngayon?
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
RandomThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...