#THB Chapter Thirteen:
ONE WEEK na akong hindi pumapasok simula nung confrontation namin ni Dodong.
Ewan, nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay ngayon.
Araw-araw akong nakakatanggap ng texts and calls mula kay Harry at Dodong pero wala akong pinapansin kahit isa sa kanila. No one even dared to see me personally. Pero pinagpasalamat ko naman yon.
Hanggang ngayon kasi ay naiinis parin ako kay Harry dahil kung kailan okay na ang lahat, saka pa siya bumalik.
At nalulungkot ako sa nangyari samin ni Dodong. Yes, he's still around. Nagpaparamdam parin siya but it feels like something is missing.
Us..
Wala nang kami..
"Bumabalik na naman sa pagiging demonya si Ma'am Queen 'no? Sayang, akala ko pa naman ay tuluyan na siyang bumait."
I stopped on my tracks ng marinig ang bulungan ng mga walang kwentang katulong. Papunta sana ako sa kusina para kumuha ng tubig pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko naman na pinagchi-chismisan nila ako.
"Tumigil ka nga, Elma. Baka marinig ka ni Ma'am. Parehas pa tayong mawalan ng trabaho!"
"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko diba?" sabi nung Elma. "Parang demonya yung babaeng yun! Di ko nga alam kung saan nagmana yun e. Ang babait kaya ng mga magulang at kapatid niya!"
"Sabagay," sang-ayon nung isa. "Sige na, bumalik na tayo sa trabaho at baka masisante pa tayo parehas dito."
"You're right," lumabas na ako sa pinagtataguan ko saka hinarap sila. They both looked surprised and scared, or should I say, horrified upon seeing me. "You are both fired." malumanay ngunit may diin na sabi ko sa kanila.
"M-ma'am, w-wag naman po." said the Elma stupid.
"M-ma'am, s-siya nalang po. N-nadamay lang naman po ako e-e." depensa naman ng isa.
I mentally laughed. I know this two were friends since whenever. Pero ngayong nasa bingit na ng masaklap na sitwasyon ay parang itinakwil na niya ang kaibigan.
Traitor..
Kaya naman ayoko nang magkaroon pa ng kaibigan. I can't trust anyone again.
They'll just stab you, hurt you, and used you.
"No. You're both fired and I don't wanna see your face again ever!" sigaw ko sa kanila. Umiiyak na tumakbo na sila patungo sa backdoor.
Inis na tumungo ako sa double door ref at kumuha ng malamig na tubig. I need to freshen up.
Sa isang linggo na hindi ko pagpasok ay inaamin kong bumalik ako sa dating ako. Yung heartless bitch. Ang dami na namang nasesesante na househelp kapag nasa bahay ako.
Ibang-iba nung kami pa ni Dodong.
**
"What brings you here?" tanong sakin ni Kuya King pagkatapos kong pumasok sa office niya. I looked at him. He seemed stressed out sa dami ng paper works na nasa harapan niya. Pero kahit ganun, he looked satisfied. Gusto niya ang ginagawa niya.I can't help but envy him. He's satisfied and cool about everything in his life. He loved whatever he's doing. Kahit wala siyang girlfriend ay contented siya.
Sana maging katulad din niya ako.
Umupo ako sa sofa malapit sa table niya.
"Nothing," kibit-balikat na tugon ko. "Just bored."
"Bakit kasi hindi ka na pumapasok sa school?" tanong ulit niya pero nasa paper works padin ang atensyon.
I diverted my gazed sa book shelf niya dito. Kuya King seemed to be fond on books. Kahit sa bahay ay punong-puno ang kwarto niya ng libro. Mahilig kasi siyang magbasa.
I shrugged again. "Nakakapagod nang pumasok." I know its a lame excuse pero papatusin ko nadin.
"But you need to finish that para makapag-trabaho ka na dito."
"I know."
Natahimik kaming dalawa ni Kuya. After a while, I heard him cleared his throat kaya napatingin ako sa kanya. Binitawan niya ang mga papel na hawak niya saka sumandal sa swivel chair niya at humarap sakin.
"Pagod ka nang pumasok o may iniiwasan ka?" diretsang tanong niya sakin.
Kumunot ang noo ko. "What are you saying?"
"I know na bumalik na si Harry." iyon pa lang ang lumalabas sa bibig ni Kuya but it seemed that he knows a lot already. Parang alam niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang week. "He came here actually."
"What?" gulat na bulalas ko. "Pumunta siya dito? Why?"
He shrugged. "He asked for my forgiveness." mas lalong naguluhan ako sa sinasabi niya. "He knows I'm very much pissed sa mga ginawa niya sayo dati."
Ginawa niya sakin dati?
Pero paano niya nalaman?
"How'd you know? Wala naman akong nakukwento sa inyo ha?" I confusedly asked him.
"He told me everything," he said as a matter of factly. "Kuya mo ako, Queen kaya hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala lalo na't naging ganun ka nalang bigla."
Napayuko nalang ako at napahawak sa noo ko. I can't believe this. Matagal na palang alam ni Kuya.
"That man received a very hard reward from me..." sabi niya ulit.
"What did you do to him?"
"Kung anong ginagawa sa mga gagong katulad niya, Queen." seryosong turan niya. He's being his man-full-of-authority version again.
Hindi na ako sumagot pa kay Kuya. Tahimik lang akong nakayuko.
"Queen, running away from your problem won't do you any good. You have to face them." sabi niya. "As for Harry, hear his side. He has his reason. And as for that Dodong, kilalanin mo muna siya ng mabuti."
Ano? Sinabi ba talaga ni Kuya na kailangan kong pakinggan ang side ni Harry? Para saan?
At kilalanin ko pa ng mabuti si Dodong? Why? Haven't I know him?
Inaya ako ni Kuya na kumain sa labas kaya pumayag nadin ako. He told me na kailangan ko ng pumasok bukas kasi baka hindi ako maka-graduate dahil sa pagiging stubborn ko.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa office niya. Pero nung akala ko ay makakatambay pa ako sa opisina niya ay hindi pala, kasi pagdating namin sa parking lot ay itinulak na niya ako papasok sa sasakyan ko at pinagtabuyan. Marami pa daw siyang kailangan tapusin at makakaistorbo lang daw ako dahil sa pagiging maarte ko. Leche talaga!
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
عشوائيThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...