#THB Chapter Six:
I HEARD him sighed bago niya mahinang tinapik ang space sa kinauupuan niya. He's asking me to sit beside him, so I did.
"Anong pag-uusapan natin?" he gently asked. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Cooks kanina na nakakatakot daw si Dodong kapag galit, kasi hindi iyon ang Dodong na nasa harap tabi ko ngayon. He's back on his own self. Yung Dodong na nakilala ko talaga.
I took a deep breath bago nagsalita. "I know what you did to Monica."
"Totoo bang ikaw ang rason kung bakit nag-backed out yung dalawang client nila?" sinagot niya ng din ng tanong ang tanong ko.
Alam ko nang itatanong niya talaga yon kaya sinagot ko siya ng totoo. "Yes," I answered while nodding my head. "That's what keeps me busy these past few days.." i answered honestly, "Hindi kasi talaga ako natatahimik hangga't hindi ako nakakaganti. I always wanted to get even."
Tumatango-tango naman siya. "Ahh, I thought you were avoiding me.."
I froze. Alam ko namang pansin niya talaga na iniiwasan ko siya. But hearing him confirming it straight to my face is something. Parang ayoko siyang makitang masaktan sa maaaring maging sagot ko. But I need to be honest.
"Actually, that's another reason.." diretsang tugon ko. And there it is. I saw a pain shot through his eyes.
I hate seeing him hurting because of me, but I needed to be honest. I can't give him back whatever he's trying to offer with me.
"Why?" naguguluhang tanong niya.
"I'm trying to protect myself, Dodong..."
Unti-unting kumunot ang noo niya, "Protect yourself? Kanino? Saan?" alam kong naiinis na siya. "From me? Pero bakit, Queen?"
"It's hard for me to trust again." i said, "Dodong, I'm afraid to risk again."
"You think sasaktan din kita gaya ng ginawa nila sayo?!" mataas ang boses na sabi niya.
"Can you blame me?!" hindi ko din napigilan ang pagtataas ng boses ko. May ilang tao na tumitingin samin pero mas pinili nalang nilang wag makialam. Which is weird. Kasi this is a squatter area, at madalas madami talagang chismosa sa ganitong lugar. "Dodong, I've been through worst! Two years! Two years had past! Pero dala-dala ko pa din dito ang sakit at kawalang tiwala! Don't you ever ask me to just let myself trust again like nothing fucking happened! Because it's still in me, Dodong! Nandito pa din!" paulit-ulit kong tinuturo ang puso ko habang sinasabi ko iyon. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Masakit pa rin pala talaga kahit matagal na ang nakalipas. I can't really move on kasi lahat ng taong nakapaligid sa akin ay pilit akong binabalik sa masakit na alaala na yon.
Hindi nagsalita si Dodong. Pero nakikita kong he's really mad. Nakakuyom ang kamay niya na nanggigigil. He's trying to compose and relax his self by breathing heavily.
"I'm sorry..." sabi ko matapos ang mahabang sandali na katahimikan.
Hindi siya sumagot but I can now feel that he relaxed a bit. Hindi na nakakuyom ang mga kamay niya.
"I'm sorry kung pinigilan ko ang sarili ko.. I'm sorry kasi iniwasan kita.. I'm sorry..." patuloy ko pero hindi parin siya nagsalita. He remained silent.
I am ready to stand up and walk away from him when all of a sudden, all the lights of this place went shut down. Natigilan ako. Hindi naman ako takot sa dilim because for two years, it is like I was actually living in darkness.
I heard him groaned in frustration. "Ngayon pala ang simula ng rotational black-out dito sa amin. Wrong timing ka, Queen.." sabi niya.
I felt a weird pang on my chest nung sinabi niyang wrong timing ako. Hindi ko alam kung bakit. "I'm sorry... I am so sorry, Dodong.." sabi ko ulit. This things strange with me now. Me, saying sorry again and again. That word was just nonsense to me for two years. Hindi ko nababanggit ang salitang yan. Madalas, sila pa ang nagso-sorry sa akin kahit ako pa ang may kasalanan. Dahil takot sila sa akin. Pero ngayon, I have a feeling na kailangan ko yong sabihin kay Dodong kahit paulit-ulit.
He still doesn't speak. I'm starting to wonder kung naging mute na ba ngayon si Dodong. Pero nagulat nalang ako ng hatakin niya ako at yakapin. I was blown away.
"Ssshhh, it's okay.." sabi niya.
I couldn't utter any words. I am still in shock!
"I missed you, Queen.."
And that made me smile.
----
Pagkatapos ng gabing yon ay naging okay na ulit kami ni Dodong. Hindi ko na siya iniwasan pa. Siguro I'll make him exemption. Palagi niya parin akong pinupuntahan sa building namin, at minsan magkasabay kaming kumain. Minsan din pumupunta kami ulit doon sa sanctuary daw kuno ni Dodong. Everything went well again.
Monica? I still see her around the school. But the weird thing is, hindi na siya nagpapapansin. She doesn't even give me a single glance simula pa nung lunes. That's why I wonder what Dodong told him nung nag-usap sila. Minsan nga tinanong ko si Dodong kung ano bang sinabi o ginawa niya kay Monica pero hindi niya ako sinagot ng matino. He just shrugged.
Of course, I wanna know. Pero hinayaan ko nalang din. Kung sana noon pa ito naisipang gawin ni Monica, edi hindi na sana nangyari ang lahat ng paninira ko sa company nila. Tsk.
"Queen, can I ask you tonight for dinner?" natigilan ako sa pagpapa-andar dahil sa sinabi ni Dodong. Nandito na kami sa parking lot ng university. Nasa labas lang siya, nakatunghay sakin.
"Are you asking me for a date?" I asked him.
Nakita ko kung paano siya namula dahil sa tanong ko. After that, he nodded at me. "Yes,"
"Okay," gusto kong matawa dahil sa naging reaksiyon niya. Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala na napapayag niya akong makipag-date. "Just text me the details, then sunduin mo ako sa bahay."
Di ko na mapigilan ang matawa sa mukha niya. Hindi parin kasi siya makapagsalita. Parang dina-digest pa rin niya ang lahat ng narinig niya. "I'll go ahead. See you later, Dodong." I said before leaving him.
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
RandomThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...