Chapter Four

6 0 0
                                    

#THB Chapter Four:

I sighed. I felt relieved after releasing all the thoughts in my mind, finally.

Two years. Two years na ang nakakalipas, pero ngayon ko lang na-voice out ang lahat ng ito. I never had the courage. But with Dodong? I don't know. It is like, I'm beginning to trust a person again. And I know it's not a good thing. Makakasama lang sa akin.

Hindi nakapag-react si Dodong sa narinig niya. Na-shock siguro siya. Neither do I. Ganyang-ganyan din ang naramdaman ko ng mga sandaling 'yon.

"Pero kahit ginawa nila sa akin 'yon, wala akong ginawa sa kanila. I never reacted. Umiwas nalang ako.." pagtutuloy ko. Nasimulan ko ng ilabas, e. Why don't I let this all out nalang.

"Bakit? May karapatan ka namang magtanong, e. Boyfriend at kaibigan mo yun, Queen."

"The moment I saw them naked, pinutol ko na lahat ng karapatan namin sa isa't-isa. I just want to forget everything."

"E, anong ginawa nila? Nag-explain ba sayo ang boyfriend at bestfriend mo?"

"Is it still necessary, Dodong? Kapag hinayaan ko ba silang mag-explain ay mababawasan ba yung sakit na dinulot nila sa buong pagkatao ko?" hindi siya nakasagot, "That guy never showed up from that day. Sabi nila pumunta daw sa US. Si Monica nalang talaga ang makapal ang mukha para manatili parin."

"Bakit parang si Monica pa ang mas galit sayo ngayon kung siya naman pala yung mas malaki ang kasalanan sayo?"

I sighed, again. "That guy never showed up, pero palagi parin siyang nagpaparamdam sakin. Palagi siyang humihingi ng tawad at nagpapadala ng kung anu-ano. At alam 'yon lahat ni Monica kaya siguro galit siya sakin."

"Did you forgive him?"

I shook my head. "I couldn't feel anything, Dodong.. Galit, sakit at awa, wala na.. I don't care anymore.. sobrang manhid na nito.." sabi ko sabay turo ng puso ko.

"Kaya ba ganyan ka na ngayon?" tumango ako. "Kaya ba ayaw mo ng magkaroon ng kaibigan pa?"

"I am just so tired of trusting people. Been there, done that. I'm done." I said straight to his eyes. And I could see pain shot through his eyes.

Pero hindi ako makaramdam ng guilt. This is only for the best. Ayokong umasa siya na kaya kong suklian ang pakikipag-kaibigan na gusto niya. I can't give him that. I can't risk again.

-----

Ilang minuto din kaming tahimik ng tumayo bigla si Dodong. Hinatak niya ulit ako patayo saka kami naglakad paalis sa magandang lugar na 'yon.

"Are we going home?" tanong ko sa kanya habang nakasakay na kami ulit sa tricycle. Maybe, this was the last time I'd be able to rode on tgis kind of vehicle.

Hindi siya sumagot pero maya-maya lang ay huminto na ang sinasakyan namin. Nagbayad ulit siya.

Natigilan ako sa lugar na kinaroroonan namin.

Maliliit ang mga bahay, may mga dumi, may mga gusgusing bata, may nag-aaway na magkapit-bahay, may nagsusugal, may nag-iinuman.

Isang squatter area to be exact.

"What are we doing here?" natatakot na tanong ko sa kanya. This place is not safe and its freaking me out!

Ngumiti siya sa akin. "Wag kang matakot. Harmless ang mga tao dito.." sabi niya sakin saka nagsimulang maglakad papasok sa isang masikip na eskinita.

Oh my gods! Dapat talaga hindi ako nagtitiwala kung sino, e! Malay ko ba kung may balak palang masama si Dodong sakin all this time?! Malay ko ba kung nagpapanggap lang siyang mabait pero masama naman pala siya?! Iki-kidnap niya ba ako at ipapa-ransom sa mga magulang ko?

The Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon