#THB Chapter Seven:
AS SOON as I got home, I received his text.
Please wear semi-formal. I'll fetch you by 7 pm. See you later, My Queen...
I can't contain myself from smiling stupidly while taking a bath. I still have 3 hours before his given time kaya may oras pa akong magbabad sa tub ng ilang minuto. Pero ang ilang minuto na yon ay naging almost an hour ng makatulog ako habang nakababad sa tub. I hurriedly stood up and take a quick shower.
"Argh! Ano ba kasing bagay sa akin?!" inis na bulalas ko habang namimili ng damit na susuotin ko. Bakit ba kasi parang walang magaganda sa mga damit ko ngayon? Why do I feel like I have to be beautifully perfect for tonight?
After an hour of arguing which I'll wear. I choose a vintage looking old rose dress na above the knee. It has some laces at the hems and embroidered details. It's feminine. And it speaks, simplicity and classic. I paired it with a dark gray heels. Nilugay ko lang ang natural na maalon-alon kong buhok at naglagay ng kaunting make-up.
A minute before 7 pm strikes, may kumatok sa pinto ng kwarto ko. I am still finishing my make up.
"M-ma'am Queen... nandyan na po si Sir Dodong sa baba.." I heard the maid said.
Kinabahan ako ng marinig ko yon. Nandito na si Dodong but I'm not finished yet! Oh my gods!
"O-okay! Tell him I'm coming!" sabi ko nalang saka nagmamadaling tapusin ang sarili ko. I wanted to look presentable!
I took the old rose colored purse with my phone and immediately went downstairs.
True enough nandun nga si Dodong na nakaupo sa receiving area. He's not alone. He's with Kuya King and Princess. Kuya looked serious while talking to Dodong, while Princess seemed enjoying Dodong's company. She looks amused maybe by the fact that someone was going out on a date with me.
"Ate's here na pala..." I heard Princess happily exclaimed ng makita akong pababa ng hagdanan. They all looked at me.
I felt my face burning red ng makita ko kung gaano katutok ang paningin ni Dodong sa akin. He's eyes is definitely appreciating everything that I am right now.
"I'm sorry for keeping you waiting .." sabi ko sa kanya.
"Nah. It's all worth it." nakangiting sagot niya. Mas lalo naman akong namula. Gods! Nandito pa sa harap namin si Kuya at Princess! They never see me act like this for two years now! "You look beautifully stunning, Queen.."
I let out a genuine smile. Masarap makatanggap ulit ng totoong papuri. Noon kasi, pinipilit ko lang ang mga katulong ko na sabihan ako ng maganda. But right now? Sinasabi iyon ni Dodong sakin with sincerity.
"You look good, too." I commented. He's wearing a jeans and a plain white polo, at pinatungan ito ng gray na coat. Semi-formal, indeed.
Ngumiti ulit siya sakin at saka inalok ang braso niya. "Shall we?"
Lumapit naman ako sa kanya saka isinukbit ang kamay ko sa braso niya. "Aalis na kami.." paalam ko sa kanila. "Please, tell Mom and Dad."
Tumango lang si Kuya sa akin at nag-thumbs up naman si Princess habang nakangiti.
"Take her home before midnight." baling ni Kuya kay Dodong.
"Kuya! Ano ako, teenager?!" I exclaimed. Pero hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya kay Dodong na parang hinihintay ang sagot nito.
"Sure, bro. You have my word." He smiled after saying it.
Pagkatapos naming magpaalam ay lumabas na kami.
Pero natigilan ako ng makita ang magarang kotse na gagamitin daw namin. It's a luxury car.
"Car mo?" di ko napigilang isatinig yon.
Napansin kong natigilan siya saglit pero agad din naman siyang umiling, "A-ahh, hindi! Hiniram ko lang." then he awkwardly laughed.
I was doubting his answer pero hindi ko nalang pinansin.
Inalalayan niya akong sumakay sa passenger seat saka siya gumilid para sumakay sa driver seat.
"So.. where to?" tanong ko ng makalabas na kami ng subdivision namin.
"Basta,"
"And why semi-formal?"
"Basta,"
I rolled my eyes with his answer. It only means na ayaw niya talaga niyang sabihin kung saan kami kakain. Tahimik lang kami sa byahe pero napapansin kong nasa good condition ang mood niya. Nakangiti lang siya sa buong byahe.
I was in owe ng tumigil kami sa isang luxury hotel. Binigay niya sa isang vallet ang susi ng kotse saka niya ako inalalayan papasok. He's even greeted by every person na nakakasalubong namin.
And what's running on my mind right now is... How the hell did he afford to a high-end luxury hotel like this?! He's even just a freaking scholar at school! First, the luxury car. Then now, a luxury hotel?!
"Are you sure na dito tayo kakain?" tanong ko sa kanya.
"Of course, Queen." sagot niya. "Friend ko may-ari nito. Sa kanya din yung kotse.."
Napatango ako. So that explains everything.
May lumapit na waiter sa amin at naglatag ng madaming pagkain. Magtatanong na sana ako kung bakit may pagkain na agad kahit hindi pa kami nakakapag-oder, pero sinabi ni Dodong na his friend settled everything nadaw.
"Can I meet that friend of yours right now?" I asked him. They must've been very close for doing him a favor like this.
Natigilan si Dodong sa pagsubo saka tumingin sakin. "He's out of the town at the moment, Queen.."
I nod and never push it more. Kumain lang kami tapos paminsan-minsan ay nagku-kwentuhan lang. 9pm na ng napagpasyahan namin na lumabas na ng hotel. Akala ko uuwi na kami pero may pupuntahan pa daw kami.
Ilang minuto na nasa byahe ay parang nahuhulaan ko na kung saan kami papunta ni Dodong. I smiled when I confirmed it. Sa sanctuary ni Dodong.
Inalalayan niya ako pagbaba sa kotse at saka kami sabay na humarap sa magandang view. Ngayon ko lang na-realize na mas maganda pala dito kapag gabi na. May araw pa kasi lagi kapag pumupunta kami dito. Nagkailaw na ang buong paligid.
Inaya niya akong maupo, pero imbes na sa upuang kahoy na madalas naming inuupuan, doon niya ako pinaupo sa harap ng kotse. Nagulat pa ako ng bigla niya akong buhatin para maiupo.
Kumakabog parin ang dibdib ko hanggang ngayon. I don't know. It was the most closed contact between me and Dodong. I suddenly felt awkward. Nakaupo na ako samantalang siya ay nakatayo lang habang nakasandal sa kotse. We are completely in silence.
"Alam mo bang naipangako ko sa sarili ko na ang unang dadalhin ko dito sa lugar na 'to ay ang magiging pangalawang girlfriend ko?" he said out of nowhere.
What?!
"You had a girlfriend before?!" gulat kong tanong.
"Of course, Queen! Ano ba namang klaseng tanong yan? Gwapo ko kaya!" biro niya pa. "Hindi lang naman ikaw ang may ex, e."
I didn't answered. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Nadala mo na ba siya dito?" maya-maya tanong ko sa kanya.
Umiling siya, "Ikaw palang ang una, Queen.." direstsang sagot niya na humarap sakin ng tuluyan. As in, nasa harap ko siya nakatayo.
I froze. Diba sabi niya na ang una niyang dadalhin dito sa lugar na 'to ay magiging pangalawang girlfriend niya? At sabi niya, ako ang una. So, ako yung tinutukoy niyang magiging second girlfriend niya?
"I like you, Queen. I really like you, bigtime." He said while holding my hands.
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
De TodoThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...