Chapter Two

10 1 0
                                    

#THB Chapter Two:

Pagkatapos nung pag-aaksaya ko ng energy sa walang-kwentang Monica na yun ay dumiretso muna ako sa café dito sa university. Para mahimasmasan naman ako. Nang makuha ko ang kape ko ay lumabas na ako at naglakad patungo sa classroom ko.

"Couz!"

I don't have to look. Wala naman ibang tumatawag sa akin ng ganyan, e. Hinintay ko nalang siya na makalapit sakin.

"I heard what happened." Cookie said, "Kumakalat yung post ni Monica at yung nangyari sa inyo kanina sa hallway.."

"And then?" walang ganang tanong ko sa kanya.

She shrugged. "Wala lang. Napatunayan mo na naman sa lahat kung gaano ka ka-heartless.."

I faced her. "I don't need to prove myself to anyone, Cooks."

"Oo nga."

"Psh. Pumunta ka na nga sa building mo!" inis kong singhal sa kanya. Tumawa naman muna siya bago nagpaalam. Argh! Ano bang meron sa araw na 'to at puro baliw ang nagkalat sa paligid?!

----

Inubos ko muna ang kape ko bago ako pumasok sa first subject ko. Masungit kasi yung prof dun at baka pagalitan pa ako. Kahit naman ganito ako ay pinapahalagahan ko parin ang pag-aaral ko. At saka, I respect elders. Well, depende din kung hindi sila gagawa ng bagay na above my limits. Kasi pag ganon, wala na akong kinikilala.

Pagkatapos ng dalawang subject ko ay pumunta muna ako sa canteen. Nagutom kasi ako bigla. And I have a two hours vacant bago yung susunod kong klase. Limang subject nalang kasi yung kailangan kong tapusin ngayon, mga light subjects nalang halos. Last years kasi, sa sobrang depress ko ay inubos ko lahat ng oras ko sa pag-aaral. Kinuha ko lahat ng major subjects ko in one sem only. Mom freaked out syempre, kasi baka mabaliw daw ako. Pero dahil determined ako na gawin yun and plus the fact that they can't actually control me, ay wala nadin silang nagawa.

Kasalukuyan ko nang ini-enjoy ang masarap na food ng unti-unti kong naramdaman ang malagkit na likido na dumadaloy sakin mula ulo paba.

"Shit! Shit! Shit!" bulalas ko kasabay ng pagtayo. "Who the hell did this?!" sigaw ko. Galit na galit na ako.

"Siya, Queen!" turo ng babae. Tinignan ko kung sino ang tinuro niya at nakita ko ang isang babaeng nakadapa na nakahawak pa ng isang baso na walang laman. I believed na iyon yung pinaglagyan ng malagkit na juice na nandito na sa katawan ko ngayon.

Gigil na lumapit ako dun at sinipa ng mahina yung babaeng nakadapa. Di na kasi gumagalaw. "Tumayo ka!"

Nanginginig na tumayo naman siya pero hindi parin tumitingin sakin. Nakayuko lang siya.

Lumapit ako at saka hinawakan ang kwelyo ng colar shirt na suot niya. "Why did you do this?!" galit na tanong ko sa kanya. Malaki yung baso na hawak niya kaya sa malamang e marami ang laman nun at lahat ay nasa katawan ko na. Bukod sa malagkit na ang pakiramdam ko ay maduming-madumi na ang damit ko. White pa naman ang suot kong top!

"I-i'm sorry, Q-Queen.. m-may tumulak kasi s-sakin.." nauutal na sagot niya.

"Sino?!"

Umiling siya. "H-hindi ko alam.."

I groaned. "Ayoko nang makikita yang pagmumukha mo kung saan man ako! Kundi, I'll make your life a living hell, do you understand?!" I warned her.

Tumango naman siya agad.

"Get out of my face!" dali-dali naman siyang tumakbo papalabas ng canteen.

Hinarap ko ang mga estudyanteng walang-kwenta na nagchi-chismisan sa harap ko. Nakita ko din si Monica sa di kalayuan.

The Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon