#THB Chapter Twenty:
I stopped on my tracks and look at him with disbelief. He's actually mocking at me!
"Bakit pa, Dodong? Wala na namang tayo diba?" I asked. "Pinutol mo na ang karapatan ko na magselos!"
"Queen, ginawa ko lang yon dahil mahal kita."
"Mahal?" I sarcastically laughed. "Mahal mo 'ko pero binitiwan mo 'ko? You make me feel like you're giving up on me! Na parang pinapaubaya mo na ako sa kanya!"
"No, hindi yan ang intensyon ko!"
"But what?!" I angryly asked. "Bakit, Dodong? Tinanong mo ba ako kung gusto ko na umaaligid si Harry sakin? Did you ask me if that's what I really want?!" I can see na nangingilid na ang luha ni Dodong. "Ayoko, e. Hindi ko gusto na nandito siya.. you said you would give him a fair fight? Why? May kailangan ba kayong paglabanan? Wala, Dodong! Wala kasi sayo na ako!"
"I know you still love him!" He exclaimed.
I stared at him blankly at napangisi ako. "Pano mo nalaman? Ikaw ba ako?" seryosong tanong ko.
Napayuko siya. "Kasi masyado kang apektado pagkatapos mong makita siya ulit.."
"Because I'm afraid na baka magkasira tayo ng dahil sa kanya!" sigaw ko. Humakbang ako papalapit sa kanya saka ko siya tinulak sa balikat niya ng paulit-ulit. "Ikaw! Ikaw na ang mahal ko ngayon! Ikaw na! Pero pilit mo akong tinataboy sa kanya!" hindi ako makapaniwala na mabilis na nangilid ang mga luha ko. Lalo na nung isa-isang pumatak ang mga iyon sa magkabilang pisngi ko.
After two years, ngayon lang ulit nangyari!
Kinabig ako ni Dodong at mahigpit na niyakap. Mahigpit na mahigpit. Habang ako naman ay impit na umiiyak sa dibdib niya.
"I'm sorry," usal niya habang hinahalikan ako sa tuktok ng ulo ko. "I'm so sorry, babe. I'm sorry.. I love you, babe.. I love you.."
Paulit-ulit niyang binabanggit ang tatlong salita na iyon habang mahigpit akong yakap. Ako naman ay gumanti na ng yakap sa kanya.
Ilang sandali ay bumitiw siya sa pagkakayakap sakin at saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi ko at iniangat para magtama ang paningin namin.
"I'm sorry, okay?" sabi niya at pinupunasan ang luha ko. "Mahal na mahal kita, Queen.. I love you so much.."
Ginawaran niya ako ng magaan na halik na tinugon ko naman. Marahan lang ang halik na iyon. Parang ginagamot ang sugat na natamo ng mga puso namin dahil sa mga nangyari nung nakaraan.
"I'm sorry," usal niya ulit.
I gave him a small smile. "Tama na, ayos na ako."
"Hindi ka na galit sakin?"
"Hindi naman ako nagalit. Naiinis lang."
He smiled. "Then let me change my question, hindi ka na ba naiinis sa akin?"
I shook my head. He smiled again then kissed me on my forehead.
"I love you, Queen." malambing na sabi niya.
"I love you too, Dodong." I answered.
I've finally accepted the fact that I'm in love with this man. I've finally able to open my heart again and let myself fall into this perfect man in front of me.
I know, no one's perfect. But for me, Dodong is. Kahit medyo naging baliw at confused ako sa nararamdaman ko, I know from the very beginning na na-in love na ako sa kanya noong una ko pa lang siyang makilala.
Sa isang simple at mapagmahal na si Dodong.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Dodong. Nandito pa rin kami sa labas. Nakaupo kami sa ilalim ng isang puno, Dodong is hugging me from behind.
I shrugged. "I don't know," maikling sagot ko. Hindi ko pa kasi alam ang gagawin ko. I still want revenge kasi hindi naman talaga ako matatahimik kapag hindi ako nakakaganti. Pero hindi pa siguro sa ngayon. May kailangan pa akong malaman.
Hinigpitan niya ang yakap niya sakin. "Sana kahit anong mangyari, wag kang bibitiw sa'tin."
I smiled. "Hinding-hindi ako bibitaw hangga't hindi mo sinasabi, Dodong."
---
Kahit kulang pa sa tulog ay kailangan ko nang gumising kasi walang tigil ang pagkatok sa pinto at pag-ring ng phone ko. At dahil mas malapit ang phone ko, ito ang una kong nakuha. Si Cooks ang tumatawag.
"Ano ba?" I grunted.
"Ano ba?" she mimicked me. "Maligo ka na dahil magbi-breakfast na tayo. We'll be leaving after that."
"Sa'n tayo pupunta?"
"Duh. Island hopping. Ano ka ba, Couz? Amnesia lang?"
I bet she's rolling her eyes right now.
"Be quick, okay. Hihintayin ka namin sa baba."
May itatanong pa sana ako sa kanya pero putol na ang linya. I lazily stood up and went to the bathroom. Mabilis lang akong naligo dahil ayoko naman na paghintayin sila ng matagal. I don't want to give them that impression.
Pagbaba ko ay naabutan ko silang tatlo na nakaupo na sa pang-apat na mesa. Binati ko agad sila ng makalapit ako. At hindi nakaligtas sa mata ni Cooks ang paghalik sakin ni Dodong sa labi ko.
Nanlalaki ang mga mata niya habang di makapaniwalang nakaturo sa aming dalawa ni Dodong. Si Edward naman ay natatawang nagkibit-balikat lang.
"Oh my Gods! Did you two..."
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at tinanguan ko na siya. "Yes, and I'll tell everything later. Kumain na tayo."
She shrieked at tinukso pa kami pero hindi ko na siya pinansin pa. Wala ako sa mood kasi kulang ako sa tulog. As much as possible ay ayoko na munang magsalita kasi baka magsungit lang ako.
After namin kumain ay bumalik na kami sa rooms namin para kumuha ng mga kakailanganin namin sa island hopping.
Kakatapos ko lang sa pagsisilid ng mga gamit ko sa maliit kong bag ng may matanggap akong text.
All the issues on uniblog are already deleted.
I smirked while I'm composing my reply.
Thanks, Harry.
Yes, si Harry yung kinausap ko nung magkasama kami ni Cooks. Hindi ko nalang sinabi kay Cooks dahil baka kung ano ang isipin niya. Kilala din naman ni Harry ang blogger ng uniblog kaya alam kong kaya niya iyong gawin. And he doesn't have any choice but to follow me kasi gusto din naman daw niyang makabawi sakin.
Biglang nawala ang bad aura ko ng dahil sa text na iyon kaya nang makalabas ako ng room ko ay all smile na ako. Nagulat pa ako ng harangin ako ni Cooks.
"What's your problem?" I asked.
"Nagkabalikan na kayo ni Dodong?" nangingislap ang matang tanong.
"Yeah, I already told you earlier di ba?" I said. "Where are the boys?" tanong ko sa kanya.
"Nauna na doon sa lantsa kung tawagin nila." she answered habang naglalakad kami patungo sa elevator. "So, how did it happened? When?" pangungulit na naman niya.
Sabi ko na nga ba, e. Hindi talaga makukuntento ang babaeng ito kapag di nakakarinig ng chismis. Dapat dito naging blogger nadin ng uniblog, e.
"Last night lang,"
"Really?" napatakip pa siya sa bibig niya habang tumitili. "Kayo ha? You didn't invite us, lumabas pala kayo last night."
"It was not planned." I said. "Lumabas ako dahil hindi ako makatulog. Then ganun din naman siya kaya sinamahan niya akong maglakad-lakad kagabi. And we've talked."
Madami pa siyang sinabi pero hindi ko na siya masyadong pinagtuunan ng pansin kasi nakikita ko na mula dito sa double doors ng hotel si Dodong na may kausap na naka-two piece lang na babae.
Mambabae daw ba ng harap-harapan?!
BINABASA MO ANG
The Heartless Bitch
RandomThe Heartless Bitch -- story of life, goals, friendship, trust, betrayal and love...