Chapter Nineteen

8 0 0
                                    

#THB Chapter Nineteen:

Hindi ko alam kung ilang oras ba kaming sakay nang hellicopter patungo sa Samal Island dahil nakatulog ako sa byahe. Nagising nalang ako ng may mahinang tumapik sa balikat ko.

It was Dodong. Unfortunately, magkatabi kami sa hellicopter kasi nasa unahan na namin ang dalawang lovers.

Ini-offer ni Dodong ang kamay niya sakin pagkababa niya pero tinanggihan ko iyon. He seemed offended kasi kanina ko pa siya tinatanggihan pero wala akong pakialam. Naiinis pa rin ako sa kanya. Feeling ko tinraydor niya din ako simula nong maging malapit sila ni Monica.

May sumalubong sa amin na mga staffs ng lugar at in-assist kami patungo sa isang sasakyan. Ito daw ang maghahatid sa amin patungo sa mismong resort.

At dahil apat lang naman kami, magkatabi ang lovers at kami naman ni Dodong ang magkatabi sa pinakalikurang bahagi ng sasakyan. Pero agad kong isiniksik sa pikagilid ang sarili ko.

Pagdating namin sa resort na napag-alaman kong pag-aari din pala ng pamilya ni Edward ay namangha ako. Ang ganda-ganda kasi.

It was like Boracay. May white sand, hindi man kasing pino ng sa Boracay pero malinis tignan. Malinaw na malinaw ang asul na tubig dagat. Napaka-aliwalas at serene ng paligid. Cozy at peaceful talaga. Ang ganda.

"Maganda diba?" nagsalita si Dodong na nasa likuran ko na pala.

Tinignan ko lang siya saglit saka ibinaling ulit sa dalampasigan ang atensyon ko.

Napapangiti nalang ako sa tuwing hahampas sa balat ko ang sariwang hangin. Bakit ba hindi ko nagawang pumunta sa mga ganito noon? Sobra ko bang dini-deprive ang sarili ko?

Naputol ang pag-eenjoy ko sa tanawin ng tinawag na kami ni Cooks para makapag-check in na sa hotel.

Iisang kwarto lang ang kinuha ni Edward para sa kanilang dalawa ni Cooks. I don't mind naman kahit magtabi ang dalawang yan. Cooks already told me na maraming beses na na may nangyari sa kanilang dalawa ng boyfriend niya.

That's why I also told her na muntikan na ding may mangyari sa aming dalawa ni Dodong noong kami pa. And I also told her about wearing the safest thing phrase of Dodong. Namangha siya sa nalaman niya dahil konti nalang daw talaga ang lalaking kayang magpigil sa mga panahon ngayon. At tinawanan niya lang ako ng sabihin kong hindi ko naintindihan ang ibig-sabihin nung sinabi ni Dodong sakin.

"You know what, Couz? You're really lucky to have him." she smilingly said to me. "He's a good guy. Sana kung ano man yang pinagdadaanan niyo ngayon ay wag kayong mag-give up.. sana ibalik niyo yung kung anuman kayo dati." dagdag niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon kasi hindi ko naman alam kung mangyayari pa ba yon. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako.

"Okay ka lang ba dito sa kwarto mo?" tanong ni Dodong ng tulungan niya akong ipasok ang gamit ko sa loob ng unit ko.

Katabi ng unit na ito ang kanila Cooks at Edward. Samantalang yung kay Dodong naman ay nasa katapat lang ng unit ko.

"Why not?" walang ganang balik-tanong ko sa kanya. "Thank you sa pagtulong, pwede ka nang lumabas. I want to rest."

"Queen..."

"Please, Dodong."

Napabuntong-hininga siya. Hindi ako nakatingin sa kanya pero ramdam ko ang intensity ng mga titig niya sakin. Napabuntong-hininga ulit siya bago naglakad papalabas ng unit ko.

Nung sure na ako na wala na si Dodong ay saka pa lang ako lumingon sa pinto.

Gusto ko siyang habulin at bawiin ang mga sinabi ko sa kanya. Na ang tanging gusto ko lang ay yakapin siya at mag-sorry sa lahat ng kaartehan na pinapakita ko sa kanya simula pa kahapon.

The Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon