"Kuya! Sandali lang!"
"Ano nanaman ba yun Xandra?!?" pagalit na tanong niya...Lagi nalang mainit ang ulo niya sakin kahit wala akong ginagawang masama.
"S-sorry...gusto ko lang naman magkasabay tayo pumasok." sabi ko.
"Ayokong kasabay ang mababagal maglakad..." tapos naglakad na siya. Lagi nalang siyang ganyan. Parang di niya ako kapatid.
"Kuya Xyriel naman! Bibilisan ko...promise..."
Tumigil siya pero di tumingin sakin. "Halika na! Wag kang babagal-bagal! Iiwan kita..." sabi niya. Ngumiti ako at humabol ako sa kanya. Mahal na mahal ko talaga ang kuya ko. Minsan nga iniisip ko sana di nalang kami naging magkapatid para pwede ko siyang mahalin ng higit pa sa isang kapatid. Pero kung mangyayari yun, siguradong di niya ako mapapansin.
Pagdating sa school, as usual pinagkakaguluhan nanaman ang kuya ko. Wala nga akong itunuturing na kaibigan sa school kasi lahat sila lumalapit lang sakin para magbigay ng love letter para iabot sa Kuya Xyriel ko. Hmmp...nakakainis...
"Xandra!"
"K-kuya...bakit?"
"Halika na...ihahatid na kita sa room mo." sabi niya. Namula ako at sumunod sa kanya.Nakakatuwa naman. Ihahatid niya ako sa room ko.
Pagdating sa room, tuwang-tuwa mga kaklase kong babae. Nakakainis talaga sila pag ganyan reaksiyon sa Kuya ko. Umaasta silang kaibigan nila ako para magpa good shot kay kuya.
"Hi Xandra...kamusta na..." sabay akbay sila sakin. Sinimangutan ko lang sila.
"Sige...una na ako." sabi ni Kuya na di pinapansin mga nakapaligid sa kanya. Ang cool niya talaga.
"K-kuya..." sigaw ko. Huminto siya. "salamat ha!" sabi ko. Lumingon siya sakin na parang nagtataka bat ako nagpapasalamat. "Ahm...pwede ba tayong magsabay uli mamaya?" tanong ko sa kanya. Sana pumayag siya...
"Sige..."matipid niyang sagot tapos umalis na. Parang gusto sumabog ng puso ko. Makakasabay ko uli siya mamaya.
"HOY!" nagulat ako kasi biglang may humawak sa balikat ko. Tss... Panira naman ng moment oh!
"Bakit ba?!?" sigaw ko.
"Aga-aga badtrip ka?" sabi niya. Sumimangot ako.
"Ano bang pakielam mo Ken?!?"
"Sorry...Concern lang." sabi niya na natatawa.
"Di ko kailangan ng concern mo...tabi nga!" sigaw ko.
Umupo na ako sa upuan ko at yumuko. Kung di siguro kami pinaglayo noon, di ko ito mararamdaman sa sarili kong kapatid. Kung naitatak lang siguro sa isip ko ng mabuti na kapatid ko siya, di ganito ang mararamdaman ko. Mali itong nararamdama ko, pero di ko mapigilang hindi siya mahalin.
"Hoy Xandra! Galaw-galaw naman...lalim ng iniisip mo.." sabi ni ken na nag snap sa harap ko.
"Pwede ba Kenrick tigilan mo ako!" iritang sigaw ko.
"Iniisip mo nanama kuya mo?" sabi niya. Natahimik ako at yumuko uli. Bakit ba alam na alam ni Ken ang palagi kong iniisip? Di naman kami magkaibigan para makilala niya ako ng lubos...Magaling lang ba talaga siya o obvious lang talaga sa kilos ko? "Tama ako diba?"tanong niya. Napatingin ako sa kanya.
"P-papano mo naman nasabi yan?!? " sigaw ko. Biglang sumeryoso ag mukha niya.
"halata naman eh...Pero sana alam mo kung paano maglimita sa nararamdaman mo..."nagulat ako sa sinabi niya.
"A-anong pinagsasabi mo..." sabi ko at di makatingin sa kanya ng diretso. Ano ba talagang alam niya?!?
"Alam kong alam mo ang sinasabi ko sayo Xandra." sabi niya na diretsong nakatingin sakin. Tapos tumayo na siya. "Dun na ako sa upuan ko" sabi niya at umalis na.Alam ba ni Ken ang nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...