Chapter 2 Xyriel

45 0 0
                                    

Magsasabay nanaman kami mamaya. Bat ba ganito nararamdama ko pag andyan siya sa paligid. Alam kong mali itong nararamdaman ko pero di ko mapigilang di sya mahalin. Kaya ang tangi ko lang naiisip gawin ay ang layuan siya. Pero di ko na kaya. Ilang taon ko nang tinitiis ito. Parag gusto na kumawala nitong nararamdaman ko sa kanya. Bat kasi sa kanya pa?

"kuya Xyriel? Ayos ka lang?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa harap ko. Si Xandra pala.

"X-Xandra...kanina kapa diyan?" tanong ko.

"Ngayon lang...Bakit?" para siyang nagtaka sa reaksiyon ko. Ito nanama yung pakiramdam na ito...ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko..."Ayos ka lang ba Kuya?" tanong niya.

"Wag mo nga ako tawaging kuya!!!" malakas na sigaw ko. Napaatras siya. Nagulat din ako. Naiirita lang kasi talaga ako pag tinatawag niya ako kuya. Parang lalo niyang ipanamumukha sakin na mali itong nararamdaman ko sa kanya dahil magkapatid kami.

"S-sorry..."sabi niya at napayuko siya. Heto nanaman. Nasaktan ko nanaman siya. Kasalanan ko ito eh. Bat ba kasi di ko makontrol itong nararamdaman ko? Lumapit ako at pinatahan siya.

"Sorry...Pasensya kana kung palagi nalang kitang sinisigawan." sabi ko sa kanya. Nagulat siya sakin.

"Kuya...." mahinang sabi niya.

"Wag mo na ako tawaging Kuya...Tawagin mo ako sa pangalan ko..." sabi ko. Ayaw ko na maririnig muli na tawagin niya akong kuya. Kung di ko lang sana siya kapatid.

"Xyriel..." sabi niya. Ngumiti ako at tumango. Narinig ko nalang na humihikbi siya.

"Xandra, ayos ka lang?" tanong ko. Tumango siya at pinunasan ang luha niya.

"wala ito...masaya lang ako. And sarap kasi banggitin ng pangalan mo. Pakiramdam ko magkaibigan lang tayo." sabi niya. Sana nga Xandra ganon nalang ang sitwasyon natin.

 XXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Ma! Andito napo kami" sigaw ni Xandra. Tuwang-tuwa siyang pumasok ng bahay. Nakakatuwa talaga titigan ang ngiti niya. 

"Oh...andiyan na pala kayo!Kumain na kayo!" sabi ni mama sa amin. Nagbihis muna kami at kumain na.

"Kamusta ang school?" sabi ni mama.

"Ayos lang po...mataas ang quizzes ko." sabi ni Xandra.

"Sabi ni Mrs. Vuentura sakin kanina ang baba mo raw sa math." sabi ko. Tumingin siya ng masama sakin.

"Di naman kasi siya magaling magturo!" sabi ni Xandra.

"Ang sabihin mo, mahina ka lang talaga sa math." sabi ko.

"Ang yabang mo! Palibhasa ikaw matataas grado mo!" sigaw ni Xandra sakin.

"Talaga...kasi ako matalino." sabi ko. Sumimangot siya.

"Oo na...lahat na kayo matalino. Ako lang ang hindi." sabi niya. Tumawa ako.

"Di ka kasi belong sa pamilya na ito. Tignan mo, wala ka na ngang kamukha, wala ka ring talent sa music, tas ngayon, di kapa matalino." sabi ko. Masama ang tingin niya sakin.

"Ano pinalalabas mo?!? Ampon ako ganon?!?" galit niyang sigaw sakin. Nagulat ako. At nagkatitigan kaming dalawa, natahimik din siya. Yun nga ang gusto ko magyari...Sana di nalang talaga tayo magkapatid Xandra...

"Ah...T-tama na yan mga anak...magkapikunan kayo. Ikaw talaga Xyriel. Wag mo nga sinasabi yang mga ganyang bagay sa kapatid mo. Magsorry ka." sabi ni mama. Di ko na uli tinitigan si Xandra.

"Sorry." sabi ko ng mahina.

"Yan...ikaw rin Xandra."

"Sorry..." mahina rin niyang sabi.

"Oh..edi ,mas ok. Kayo ba eh may mga nagugustuhan na sa school niyo?" biglang tanong ni mama. Bigla akong nasamid sa sinabi ni mama.

"Ano ba Ma!...mga tanong niyo." sabi ko.

"oh bakit? Imposibleng wala. Ganyang edad ko dami kong nagugustuhan." sabi niya.

"Kayo yun...hindi kami." sabi ko.

"Sus...kunwari pa kayo. Baka nga may mga kasintahan na kayo, di niyo lang sinasabi sa akin.""Ako po wala...ewan ko lang si  sa isa diyan." sabi ni Xandra na seryoso sa pagkain. Napayuko ako.

"Hay nakuh. Dapat kayong dalawa open kayo sa mga ganyan eh. Dalawa na nga lang kayong magkapatid, hindi pa kayo close.Nag-aaway pa kayo palagi..." sabi ni mama. Kung pwede nga lang sabihin kay Xandra ang nararamdaman ko edi sana ginawa ko na...  

Forbidden Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon