Chapter 10 Xyriel

19 0 0
                                    

Napasuntok  nalang ako sa pader ng kwarto ko. Bakit kasi siya pa?!? Bat sa kapatid ko pa?

Lumipas ang mga araw na di na talaga kami nagpapansinan ni Xandra. Parang di na ako nag-eexist sa mundo niya.  At ganon din ang pilit kong ginagawa. Christmas Vacation narin namin.

“Xyriel…samahan niyo naman ako ni Xandra bumili ng regalo!” sabi ni Mama.

“Kayo nalang po ni Xandra Ma…Busy ako.” Lumingon si Xandra sa akin pero agad din naming inalis ang tingin.

“ano ba naman kayo! Minsan na nga lang natin gawin ito, di pa kayo sasama. Saka mamaya ang dami naming bitbit ni Xandra, paano namin ihahandle yun?” tss…hindi titigil ito si Mama haggat di ako napapapayag eh!  Tumayo na ako at nagbihis. Hay nakuh!

“tara!” inis na sabi ko.

“Oh Xandra ikaw, ano pang hinihintay mo? Aba bihis na!” sabi ni Mama. Tinignan ko si Xandra. Di siya makatingin sa akin.

“Pero po--“ hirit ni Xandra.

“oh! Wag mo sabihing may lakad nanaman kayo ni Ken! Nakuh ha! Pati ba naman Christmas Vacation kayo padin magkasama? Magagalit na ako sa kanya!” sabi ni Mama. Hmp! Di na nga sila mapaghiwalay…

“Opo na…magbibihis na. Pati si Ken dinadamay niyo.” Sabi ni Xandra. Ngumiti si Mama at kumindat sa akin. Napailing lang ako. Kahit kailan talaga walang makakatanggi  sa pangongonsensiya ni Mama. Pati si Papa under sa kanya.

Pagdating sa Mall, ang daming tao. Hay! Ito na nga ba ayaw ko pag nagshoshopping eh! Mas okay pa sa bahay.

“Oh kayong dalawa…ito ang pambili. Bumili kayo ng panregalo sa mga pinsan niyo at inaanak ah!” sabi ni Mama. “ Ako nang bahala sa iba pa. Magkita nalang tayo sa may foodcourt.”

“hala…teka po Ma! Iiwan niyo kami?” tanong ni Xandra. Akala ko ba sabay-sabay kami mamimili! Eh bat ngayon hahayaan niya kaming dalawa?!?

“Maraming tao. Mas madali pag ganito. Makakauwi tayo agad.” Sabi ni Mama.

“Isama mo na si Xandra Ma para may katulong ka magbuhat.” Sabi ko. “Isa pa, mabagal maglakad yan. Mawala pa iyan dito, kasalanan ko pa!” masungit na sabi ko. Lumingon si Xandra sakin at tumingin ng masama.

“Anong akala mo sa akin bata?!? Kaya ko ang sarili ko noh!” galit na sagot niya.

“Oh siya…wag na mag-away! Marami nang tao…Bumili na kayo!” sabi ni Mama.

“pero ma—“ hirit namin ni Xandra pero di siya nakinig at umalis na. Hay nakuh!

“Tss…Tara na nga!” sabi ko at naglakad na.

“Teka kuya!” sigaw niya. Kaso paglingon ko, nawala na siya. Ito na nga ba sinasabi ko eh! Ang bagal kasi maglakad.

“Xandra! Xandra!” sigaw ko. Tapos bigla nalang may tumapik sa likod ko.

“Xyriel!” pagharap ko, sinigawan ko siya.

“SINABI KO NAMAN KASI SAYO NA AYOKO NG MABAGAL! KITANG ANG DAMING TAO EH!” sigaw ko. Napayuko lang siya.

“s-sorry…” mahinang sabi niya. “ di ko naman sinasadya. Sorry.”  Hay ito nanaman kami.

“Akin na nga ang kamay mo!” Napatingin siya sa akin.

“B-bakit?” tanong niya.

“Dami pang tanong! Akin na!” tapos kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko ng mahigpit. Tsaka ko siya hinila kasunod ko. “Ito ang paraan para di tayo magkahiwalay. Para di ka mawala.” Sabi ko. Lalo kong hinigpitan ang hawak ko.Kung ganito lang kadaling hawakan si Xandra…sana naipaglaban ko siya…

Forbidden Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon