Grabe…nag-alala ako kay Xyriel, akala ko kasi ano na nangyari. Nakakainis lang kasi ginagawa niyang biro yung pag-aalala ko pero Masaya narin ako kasi ayos lang siya. At least walang nangyaring masama…salamat sa Diyos…
Dahil nga over fatigue ang dahilan bat siya hinimatay, pinagpahinga ko siya at inasikaso. Mahigpit din na bilin ni Mama na alagaan ko siya. Kaya hayun, nagluto ako ng lugaw at ipinagtimpla siya ng juice.
“kumain kana muna…” sabi ko. Dinalan ko siya sa kwarto niya. Ayaw ko siya palabasin sa kwarto para mas makapag pahinga siya. Inis na inis nga sakin ang loko kasi kinukulong ko sya.
“Xandra…I’m bored…baka pwede mo naman akong hayaang gumawa ng mga gawaing bahay.” Sabi niya.
“Hindi…masama kang mapagod. Kaya magpahinga ka lang.”
“oh tapos ano? Ikaw naman ang mapapagod. Come on Xandra! Over fatigue lang ito…malayo sa bituka.” Sumimangot ako.
“Tumigil ka na at kumain!”
“Ok fine! Since ayaw mo ako mapagod…subuan mo ako.” Tumingin ako ng masama sa kanya.
“Hoy Xyriel, na over fatigue ka lang ah! Di ka nabaldado…” sabi ko. Ano ka sinuswerte…hmp..
“That is exactly my point Xandra. Kaya pwede…wag mo na ako pagpahingahin…” Tss…galing talaga mang-uto ng lalake na ito. Pwes…hindi ako papayag.
“Susubuan na kita.” Sabi ko. Akala mo ah!
“napaka hard headed mo talaga. Ayaw mo magpatalo.” Tumawa lang ako. Kinuha ko yung lugaw tapos sinubuan ko siya.
“Sarap.” Sabi niya tas pangisi-ngisi. Tinignan ko siya ng nakakaloko.
“Problema mo?” tanong ko.
“Wala…naisip ko lang…if ever na pumayag ang tadhana na magkasama pa tayo hanggang sa pagtanda, ganito kaya tayo ka sweet. Sinusubuan mo ako at inaalagaan pag may sakit ako.” Natawa ako.
“Tumigil ka nga Xyriel. Ano ba yang pinagsasasabi mo?!? Kung anu-ano iniisip mo kaya ka hinihimatay eh.” Tumawa rin siya. Bigla ako tumigil sa pagtawa at naging seryoso.
“Xyriel…” tumingin siya sakin.
“ano yun?” tanong niya. Huminga ako ng malalim. Kaya ko ito…
“Ahm…plano ko kaing makipag-break na kay Ken.” Nagulat ko ata siya kas bigla siyang napatayo.
“W-what?!?” sigaw niya.
“S-sabi ko…gusto ko na makipag-break kay Ken.”
“Pero bakit?” tss…maka tanong ng bakit to parang di niya alam ang dahilan.
“Kahit anong gawin ko Xyriel…di ko matanggal feelings ko para sayo. Ikaw parin ang gusto ko.” Sabi ko.
“alam mo ba ang sinasabi mo?”
“Xyriel…alam ko…” mahina kong sagot sa kanya. “alam ko naming hindi pwede. Pero di ko na kasi kayang lokohin pa si Ken at lalong-lalo na ang sarili ko. Kaya ayoko na.”
“Xandra…” malumanay na tawag niya.
“Bakit?” tanong ko.
“mahal kita.” Sabi niya. Natawa ako. Ano ba itong lalake na ito?
“alam ko.” Sabi ko. Tumawa siya.
“anyways…di ko nakikitang suot mo ang gift ko sayo ah.” Sabi niya sakin. Gift? Ah…yung binigay niya sa akin sa mall.
“Di ko pa nabubuksan yun eh.” Sumimangot siya bigla at nag walk-out. Hala…anong problema nun? Sinundan ko siya sa baba. Nanonood siya ng T.V.
“hoy Xyriel! Galit kaba?” tanong ko pero di niya ako pinapansin. Ano ba ito? Epekto ng Over fatigue? May after shock? Nakuh ha!
Umakyat ako sa kwarto at kinuha yung gift niya. Nasa box pa kasi na maliit. Nung binuksan ko, nagulat ako. Ang cute kasi...jewelry box na may gumagalaw na shooting stars. Ang ganda. At nang buksan ko, tumunog at may necklace…
“Nagustuhan mo ba?” nagulat ako nang biglang may nagsalita. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko. Ngumiti ako at tumango.
“ang ganda.” Sabi ko. Ngumiti rin siya at lumapit.
“Masaya ako’t nagustuhan mo.” Sabi niya sabay isinuot niya sa akin yung kwintas.
“Salamat Xyriel…”
“salamat ka diyan…may kapalit yan…” sumimangot ako bigla. Kahit kelan talaga, maduga itong tao na ito eh…
"ano nanaman?!?” inis na tanong ko.
“Gusto ko mag date tayo.” Sabi niya sakin.Nagulat ako.
“D-date???” natawa siya.
“bat ganyan reaksiyon mo? Ano papayag kaba?”
“ah…eh…s-sige. Pero aayusin ko muna yung sa aming dalawa ni Ken.” Tumango naman siya.
Kailangan ko na linawin ang lahat…kaya ko ito.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...