“Ito ang paraan para di tayo magkahiwalay. Para di ka mawala.” Yun ang sabi ni Xyriel. Ang sarap pakinggan. Kung ganon lang ang nangyari samin sa totoong buhay, edi sana di ako nasasaktan. Kaso Hindi pwede eh…dahil tulad ngayon, maraming taong magtutulak samin papalayo sa isa’t-isa. Hay! Napaka drama ko. Ang mahalaga, hawak niya ako ngayon…
“Xandra!” narinig ko si Xyriel na tumawag.Nakita ko nalang na yung kamay ko, hindi nap ala nakahawak sa kanya. Nawala na siya dahil sa dami ng tao.
“Xyriel!” tawag ko pero wala na siya. Naglakad ako pero di ko siya Makita. Nakakita ako ng bench at umupo ako don. Napayuko ako at umiyak. Nakakainis! Kahit sa ganitong paraan bawal kaming magsama. Nananadya ba ang pagkakataon? Hindi ba talaga pwede na si Xyriel nalang at ako?
Maya-maya may tumapik nalang sakin bigla at hinawakan ako sa dalang balikat ko.
“Ano kaba! Sinabi ko wag kang mawawala eh! Bat ka bumitaw!” galit na sabi niya. Hingal na hingal siya. Halata mong hinanap niya talaga ako.
“H-hindi ko naman sinasadya eh! Sorry!” sabi ko. Napakamot siya sa ulo niya.
“Tumahan ka na nga! Para kang bata!” tas pinunasan niya ang luha ko. Tas tumayo. “Halika na…” sabi niya at hinawakan uli ang kamay ko. Mas mahigpit kesa sa una. “Pwede ba ah! Wag ka nang mawawala uli…” sabi niya. Yung tono niya ngayon, mas sincere… Tumango ako.
So ayun, bumili kami ng panregalo. Kung saan-saan kami nagpupupunta. Ang sakit na nga ng paa ko eh.
“Xyriel…teka…ang sakit na ng paa ko.” Sabi ko.
“Kasi naman! Sinabi ko sayo mag tsinelas ka nalang. Nagsandals kapa eh!” sabi niya na halata mong irita nanaman. “ Akin na nga yang mga dala mo!” sabi niya tas dinala yung mga paper bag na dala ko. Kawawa naman siya. Ang dami na niyang dala.
“Kaya mo pa ba? Ako na sa iba.” Sabi ko.
“Wag na! Ako na bahala.” Sabi niya.
“pero-“
“kaya ko na ng ito. Wag kana makulit pwede? Sino pa di nabilan?” tanong niya.
“S-si Jonath…” sabi ko. Ngumiti siya. Ang paborito niyang pinsa at inaanak.
“Yung makulit na yun? Sige tara na.” sabi niya. Ang cute niya talaga pag ngumingiti siya ng ganyan. Nakakaawa naman siya. Kasi pinipilit padin niya hawakan ng mahigpit ang kamay ko kahit ang dami na niyang hawak. Hays…
Pagdating sa foodcourt, wala pa si mama. Naunahan pa namin siya mamili? Paniguradong saan-saan nanaman pumunta yun.
“Bibilan na kita ng pagkain.” Sabi ni Xyriel at biglang tumayo at umalis. Nag-antay naman ako. Bat ba ganito parin ang nararamdaman ko pag andiyan siya? Ang akala ko nag-iimprove na yung feelings ko kay Ken pero bat ganon…iba ang nararamdaman ko pag si Xyriel ang kasama ko.
“Xandra?” nagulat ako nang biglang may lumapit sa akin tapos paglingon ko…
“Ken! A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Oh…namamasyal lang. Kasama ko ang kinakapatid ko.” Sabay akbay sa kasama niya. Teka…kilala ko siya ah.
“I know you! Ikaw yung batang kapatid ni Xyriel diba?” sabi niya. Tumango ako. Kilala ni Charmaine si Ken. Bat ngayon pa sila nagpakita?
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Novela JuvenilEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...