Nag aalala na ako kay Xandra. Tawag ako ng tawag pero di niya sinasagot. Lalabas na sana ako ng bahay nang biglang magring ang cellphone ko. Akala ko si Xandra…
“Hello Charmaine?” sagot ko.
“Xyriel…” tawag niya sa akin.
“Charm…please not now…” sabi ko sa kanya. Pero narinig kong umiiyak siya. “Anong nangyayari sayo? Charmaine?” tawag ko.
“Kilala ko na siya Xyriel. Kilala ko na sino ang tinutukoy mong mahal mo…” sabi niya. Nagulat ako.
“Charm…what are you talking about?” tanong ko.
“Bakit siya pa Xyriel…bat hindi nalang ako? Pwede pa tayo! Kayo ni Xandra, hindi kayo pwede!” sabi niya.
“Charm…mahal ko si Xandra!” sagot ko. Narinig ko na pinilit niyang tumawa pero umiiyak padin siya.
“So tama nga ako. Si Xandra nga…alam mo ba magiging reaksiyon nila pag nalaman nila ito?” tanong niya. Napaclose fist ako.
“Binablack mail mo ba ako Charmaine?” tanong ko. Umiiyak padin siya.
“No…Sinasabi ko lang ang possibility.” Sabi niya. “alam mo bang nasaktan ako. Nang makita namin kayo ni Ken sa mall. Nakita ko kung gaano ka kasaya pag kasama mo siya. Ngumingiti ka at hinahawakan mo ang kamay niya na para bang ayaw mo na siyang bitawan. Alam mo ba ang naramdaman ko non Xyriel?Alam mo ba?!?” sigaw niya.
“Charm…itigil mo ito pwede? “ sabi ko.
“Ayoko Xyriel…Mahal kita. At kung di lang din naman ako ang makakatuluyan mo, mabuti pang mamatay nalang ako.” Sabi niya. Nagulat ako.
“What the hell are you saying?!? Charmaine!” sigaw ko.
“Goodbye…Xy…riel…I love…you…” sabi niya then she hung up. Napatakbo ako palabas ng bahay. God please…wag niyo po hahayaang may mangyaring masama kay Charmaine.
Hingal na hingal ako pagdating ko sa tapat ng bahay nila. Kumatok ako pero walang sumasagot. Pinilit kong buksan ang pinto.
“Charmaine!” sigaw ko pero wala paring lumalabas. Kumirot nanaman ang ulo ko kaya napaluhod ako pero pilit ko paring tinatawag ang pangalan niya. “Charm…please…open the door.” Tawag ko. This time, dumating ang mga kapitbahay niya at tinulungan ako buksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas, pinuntahan ko agad siya sa kwarto niya and I found her lying in the bed. Nakita ko rin yung gamot sa kama niya. Binuhat ko agad siya at sinugod sa ospital.
“Charmaine…please wake up…” sabi ko habang dinadala siya sa ER. Ilang hours din ako naghintay lumabas ang doktor.
“Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito?” tanong nung doktor. Tumango ako. “asan ang kamag-anak niya?”
“ahm…nasa province ang parents niya. Ang tita niya po ang kasama niya. Kaso nasa trabaho papo. Pero tinawagan ko napo at papunta na po siya ngayon dito.” Sabi ko. Tumango ang doktor.
“Well, naoverdose siya sa gamot… Pero maayos na ang lagay niya ngayon. Mabuti at naisugod mo agad siya dito. Ligtas na siya pero I don’t think magiging okay siya pag gising niya. So I’m going to give her anti-depressant. Kailangan niya ng atensyon at hanggat maaari ay tanungin niyo kung ano ang problema niya she needs to be comforted…” sabi nung doktor.
“Opo…salamat po.” Sabi ko. Umalis na ang doktor pagkatapos non.
“Xyriel!” sigaw ni Ken. Nagulat ako.
“A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Tumawag ang tita ni Charm sa akin. Kaya nagmadali ako pumunta dito…how is she?” tanong ni Ken.
“Maayos na ang lagay niya. Ewan ko lang paggising niya.” Sabi ko. Kasalanan ko bat siya nagkaganito eh.
“Xyriel… Nalaman na niya ang tungkol sa inyo.” Sabi ni Ken.
“Oo…sinabi narin niya sa akin.”
“anong balak mo ngayon?” tanong ni ken. Umiling-iling ako.
“hindi ko rin alam. Basta ang alam ko sa ngayon, I can’t leave charm this way. Kasalanan ko bat siya nagkaganyan.” Tinap ako ni Ken sa likod.
“paano si Xandra…” sabi ni Ken.
“She can wait. Alam kong maiintindihan niya ako.” Sagot ko. Tumango si Ken.
“Maybe yes…maybe not…” sabi ni ken.
Tinawagan ko si Xandra na hindi muna ako makakauwi. Sinabi ko rin kay Mama na iniwan ko si Xandra. At first pinagalitan ako pero nang marinig niya ang reason, pumayag siya. Basta, tignan tignan ko rin daw si Xandra sa bahay. Sinabi ko sa Tita ni Charm na ako na muna ang bahala magbantay kay Charmaine dahil di padin siya gumising, 3 days na.
“Xyriel…” nagulat ako nang makita ko yung doktor dati na nagdiagnosed sa akin na may brain tumour daw ako. “tama ako…ikaw si Xyriel diba?” sabi niya. Di ako sumasagot.
“anong ginagawa mo dito…” tanong ko.
“Ichecheck ko ang pasyente kung ano nang lagay niya. Pero di ko akalaing dalawang pasyente pala ang andito.” Sabi niya.
“wala akong sakit…” sabi ko.
“Xyriel…kailangan mo nang magamot. Habang tumatagal lumalala yan. Please…wag kana magmatigas.” Sabi niya. Umiling ako.
“No…” sabi ko.
“Bago pa mahuli ang lahat iho…hindi biro ang brain tumour na sakit!” sabi nung doktor.
“Brain tumour?” nagulat ako nang biglang may nagsalita. Paglingon ko, si Charmaine.
“Gising kana Charmaine…” sabi ko.
“Xyriel…” tawag niya sa akin. “ ano yung narinig kong brain tumour?” tanong niya.
“wala yun…nagkamali ka lang ng dinig.” Sabi ko.
“No! I know what I heard! Are you saying na may Brain Tumour si Xyriel?” tanong ni Charm sa doktor.
“Charm…mali lang ang nadinig mo…” sabi ko.
“Xyriel! Tama ang narinig ko! Aminin mo!” sigaw niya. Huminga ako ng malalim.
“Please Charmaine…” sabi ko. Lumapit ang doktor sa kanya.
“mali lang ang narinig mo iha…tungkol yun sa pasyente sa kabilang kwarto…Hindi sa kaibigan mo.” Sabi nung doktor. Tumahimik si Charm. Chineck-up na siya nung doktor kaya lumabas muna ako.
“Xyriel…” nagulat ako nang makita ko si Xandra.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Binibisita ka at kakamustahin ko si Charmaine…” sabi niya.
“Umuwi kana muna…hindi ito ang right time para doon.” Sabi ko. Sumimangot siya.
“Pero Xyriel…” hirit niya.
“Please Xandra…umuwi kana muna.” Sabi ko.
“Xandra iha…ikaw pala yan…” nagulat ako nang bigla siyang batiin nung doktor na yun. Ngumiti si Xandra.
“Doctor Torres! Kayo po pala yan…” nagulat ako. Magkakilala sila?
“magkakilala kayo ni Xyriel?” tanong ni Doktor.
“Po? Opo…kapatid ko po siya.” sagot ni Xandra.
“Xandra…go home…”utos ko.
“Pero Xyriel…”
“I SAID GO HOME!” sigaw ko. Napaataras si Xandra then tumakbo na paalis. I’m sorry Xandra…pero ayaw ko rin na malaman mo.
“I need to talk to your parents…” sabi nung doktor sa akin.
“wag kang magsasabi ng kahit na ano sa kanila.” Sabi ko tas pumasok na ako sa kwarto ni Charmaine.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Fiksi RemajaEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...