Di ko na talaga napigilan ang nararamdaman ko. Ngayon na alam na naming dalawa ang nararamdaman namin para sa isa't-isa, hanggang kailan namin ito kayang ipaglaban at pang-hawakan? Hindi kaya lalo kong masaktan si Xandra sa ginawa ko?
"Xyriel Oliver!" biglang may sumigaw kaya nagulat ako.
"huh?" yun lang nasabi ko.
"Kanina ka pa walang imik diyan eh! Ano bang iniisp mo?" tanong ni Charmaine. Kaklase ko.
"Wala." tapos tumayo na ako at lumabas ng classroom.
"Teka Xyriel!" sigaw niya uli.
"Bakit ba?!?" iritang sigaw ko.
"S-sorry...gusto lang sana kita tanungin kung may gagawin ka sa sabado. Punta ka sa bahay. Birthday ko kasi yun." sabi niya.
"Busy ako. Advance Happy Birthday nalang." sabi ko tas umalis na ako.
Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Xandra.
"Xyriel!" nakangiting tawag niya sakin. Ngumiti rin ako at nilapitan siya tapos hinawakan ang kamay niya kaso biglang may tumawag.
"Xandra!"sigaw nung lalake. Nagulat si Xandra at biglang bumitaw sa pagkakahawak ko. Nakita ko sa mukha niya ang halong kaba at takot. Bakit? Anong kinatatakot niya? Takot ba siyang may makahuli sa amin?
"Oh K-Ken...Ikaw pala!" bati niya dun sa lalake na tumawag sa kanya. Nakatingin sa akin ng masama yung lalake. Ano bang problema nito?
"Bat andito ka? Magsisimula na ang klase ah!" nairita ako sa tono ng pagsasalita niya.
"Ano bang pakielam mo kay Xandra?!?" iritang tanong ko. Nakatingin parin siya ng masama sakin.
"Kuya ka ni Xandra diba? Dapat ikaw mismo ang nagsasabi sa kanyang pumasok na...malalate siya." sabi niya. Napa close fist ako...
"ah...tama na Xyriel...Kita nalang tayo mamaya sa bahay ha?" sabi ni Xandra. Nakatingin lang ako ng masama sa lalake.
"Sabay tayong uuwi." sabi ko kay Xandra na di tumitingin sa kanya. Tas umalis na ako.
Pumunta ako sa court para maglabas ng sama ng loob. Nagbasketball ako mag-isa para kumalma. Badtrip ako sa lalake na yun. Ano ba siya sa buhay ni Xandra?!? May gusto ba siya kay Xandra?
"Hey!" napatigil ako sa pag-shoot.
"Bakit?!?" sigaw ko. Lumapit siya sakin. Siya yung maangas na lalake kanina.
"May gusto lang ako malaman." sabi niya.
"ano yun? At bakit andito kapa? Diba simula na ng klase niyo!" sarcastic na sabi ko.
"wala ka nang pake dun. Ginawa ko lang iyon dahil ayokong nakikitang kasama ka ni Xandra" Ngumiti ako ng bahagya na parang nag-iinsulto.
"At sa tingin mo magagawa mo yun? Sa ayaw at sa gusto mo, magkakasama kami. Kaya wag ka nag umasa!" sabi ko.
"Sa bahay niyo, sandaling oras lang. Pero dito sa eskwelahan, matagalan. At sa matagal na oras na yun, di ko hahayaang lapitan mo siya." sabi niya.
"Patawa ka rin eh noh. At paano mo magagawa yun? Ano kaba sa buhay ni Xandra? Kapatid ako ni Xandra. Eh ikaw, ano kaba niya?!?" sigaw ko.
"Sayo na mismo nanggaling. Kapatid mo si Xandra, kaya kung anuman ang pinagsasabi mong kalokohan kay Xandra, itigil mo na! Dahil sa tingin ng iba, mali iyan! Wag mong paasahin si Xandra sa mga bagay na sa huli di naman mangyayari. Si Xandra lang ang masasaktan sa huli! Siguro ngayon, wala ako sa buhay ni Xandra, pero dadating din ang panahon, magkakaroon din ako ng kahulugan sa buhay niya." matapang na sabi ni Ken.
"lakas din ng fighting spirit mo eh noh! Ano bag alam mo?!? Hindi kalokohan ang mga sinabi ko sa kanya. Wala kaming ginagawang masama. Kailan pa naging mali ang magmahal? Pinaglalaban lag namin ang nararamdaman namin! Hindi ko siya pinaaasa, dahil totoong mahal ko siya!"
"pero naisip mo na ba ang magiging tingin ng tao?" tanong niya.
"Wala akong pake sa magiging tingin nila!"
"Ikaw wala! Pero tingin mo kay Xandra wala lang iyon? Masyadong inosente si Xandra. Di pa niya alam ang tama at mali. Isipin mo, lalake ka! Walang mawawala sayo kahit anong sabihin ng iba. Pero si Xandra, kahihiyan ang aabutin niya." sabi niya. Natahimik ako at naalala ang nangyari kanina. Nang hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal niya nung may dumating na tao. Talaga bang masyado akong makasarili? Di ko naisip magiging kalagayan niya...Di ko napansing nahihirapan si Xandra sa sitwasyon namin. Binato ko ang bola ng sobrang lakas at sumuntok sa sahig sa sobrang sama ng loob ko.
"Ngayon, naiintindihan mo na ba?" tanong niya.
"Umalis kana!" sigaw ko. Nanginginig ako sa galit.
"Sana malinaw na sayo ang---" di ko na siya pinatapos.
"SINABI NANG UMALIS KANA!!!" sigaw ko. Umalis na siya. Sumigaw ako. Napayuko ako at umiyak. Bakit ba nagkaganito?!? Bakit ba kailangang maging kumplikado ang lahat! Bakit?!? Ano ba ang tama? Ano ba ang mali? Naguguluhan na ako! Hindi ba sa pag-ibig, walang batas na sinusunod?!?
Lumipas ag buong araw na nasa court lang ako. Maya-maya nag vibrate ang cellphone ko.
From: Xandra...
...Xyriel,asan kna?
yung ang text niya nireplyan ko siya.
To: Xandra...
>umuwi kana! BC ako...
tapos pumikit ako. Ito ba ang tama? Para di siya masaktan...kailangan ko uli magtiis uli tulad noon. Para maprotektahan ang magandang ngiti ng pinakamamahal ko.
From: Xandra...
...gusto mo hntyin na kta?pra my kxbay ka?
tanong niya...
To: Xandra...
>wag na! mkakais2rbo ka lng! Umwi kna...
yun ang sagot ko at binato ang cellphone ko. Masakit man aminin pero tama si Ken. Mahihirapan lang si Xandra pag tinuloy ko pa ito.Mahal ko si Xandra,pero kung ito lang ang paraan para maprotektahan siya sa panghuhusga ng iba, isasakripisyo ko ang sarili kong pag-ibig para sa kanya, wag lang siya masaktan....
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...