Pagdating sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at umiyak. Nakakainis…bat nagiging rude nanaman siya sa akin. Dahil ba nag-aalala siya kay Charmaine?!? Araw-araw na nga siyang andun, ano pabang gusto niyang gawin? Bat kailangang sigawan pa niya ako ng ganon! Ganon naba ako kawalang halaga sa kanya?!? Kailangan bang mag commit din ako ng suicide para mapansin niya ang halaga ko? Umiiyak lang ako hanggang mag gabi…
“Xandra…” may tumawag sa kwarto ko. Di ako sumasagot. “ Xandra…mag-usap tayo.” Sabi niya. Binuksan niya ang pinto. “I’m sorry…” sabi niya at umupo sa kama ko. Di parin ako sumasagot. Nakatalukbong lang ako.
“alam kong mali yung sigawan kita…sorry.” Sabi niya.
“Si Charmaine lang naman ang mahalaga sayo eh.” Inis na sagot ko dahil di ko na matiis na di siya sagutin. Narinig kong natawa siya.
“Are you jealous?” tanong niya.
“I’m not!” sigaw ko. Pinilit niya tanggalin ang kumot sa ulo ko.
“Oh…my baby sister is jealous…how cute!” sabi niya na natatawa tas kinikiliti ako.
“Tumigil kana Xyriel!” sigaw ko at tumayo para mag walk-out sana pero hinawakan niya ako sa braso habang nakangiti…
“Xandra…let’s have a game…” sabi niya. Tinignan ko siya ng masama.
“ A game? Nakuha mo pa mag-aya ng laro ah! Ayos kadin eh noh!” sabi ko.
“Come on…best liar ang tawag ko sa larong ito. You’ll have to guess if it is a lie or it is a truth. Game?” Sabi niya na nakangiti.
“Pwede ba Xyriel! Di mo ako madadaan sa mga ganyan…” sabi ko.
“Come on! Ako na mauuna…”sabi niya. “I love you Xandra…” nakangiti siya at sincere na sincere ang boses. “Ikaw lang ang mahal ko…at wala nang iba pa…Charmaine is just my friend.” sabi niya. Ngumiti ako.
“Truth…” sabi ko. Ngumiti siya at tumango.
“easy right? Alam mo agad na totoo yun kasi ikaw lang talaga. So wag mo na pagselosan si Charmaine…okay?” sabi niya. Tumango ako. Tumawa siya.
“Now…it’s your turn.” Sabi niya. Nag-isip ako.
“ahm…remember nung elementary…binibigyan ka ng bestfriend ko ng love letter? Ako talaga ang nagsusulat nun. Para sayo.” Sabi ko. Tumawa siya.
“Super truth yan…kasi alam kong sayo galing yun.” Sabi niya. Nagulat ako.
“Hala! Paano mo nalaman?!?” sigaw ko.
“alam ko ang sulat mo noh! Ako ang taga check ng assignment mo non, remember?” sumimangot ako. Ang unfair niya talaga!
“Ok…my turn again.” Sabi niya tas huminga siya ng malalim. Naging seryoso ang mukha niya. “Ahm…Xandra…yung araw na isinugod ako sa ospital, nadiagnosed ako nun na may brain tumour…” sabi niya sa akin. Matagal ko siyang tinitigan.
“Xandra?”tawag niya sa akin. Tumawa ako.
“halata namang lie!”sabi ko. “sana ininform kami kung totoo nga yan…” sabi ko. Tumawa siya.
“Yeah… Galing mo talaga…” sabi niya tas tumawa rin. Pero sa totoo lang, ayoko nung biro na yun ni Xyriel. Paano nalang kung magkatotoo yun? Anong gagawin niya? Hays!
Kinabukasan, pagkagising ko nakita ko si Xyriel sa sofa at may kinakalikot.
“anong ginagawa mo diyan?” tas tumabi ako sa kaya.
“Oh nothing…tinitignan ko kung gumagana pa itong video cam natin. Ang tagal na kasing naka stock sa baul.” Sabi niya. Natawa ako.
“Ano namang gagawin mo if ever na ayos pa yan? Gagawa ng pelikula.” Binaba niya yung cam tas tumingin sakin sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...