Chapter 16 Xyriel

12 0 0
                                    

Kakausapin na ni Xandra si Ken ngayon. Masaya akong malaman na ako padin ang mahal niya pero…nahihirapan na ako magsinungaling sa kanya. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Hinidi…alam ko na di kami magkakahiwalay.

“Kuya…aalis na ako.” Sabi ni Xandra. Tumango ako. Kakausapin na ni Xandra ngayon si Ken. Sana maging okay ang kalabasan.

“Xandra…mag-iingat ka. Tawagan mo ako pag may nangyari.” Sabi ko. Ngumiti siya.

“Xyriel…mabait si Ken. Wala siyang masamang gagawin.”

“pero…gusto ko makasigurado…” sagot ko.

“Oh sige. Ganito nalang, tatawagan kita mamaya para marinig mo ang pag-uusapan namin. Okay ba?” tumango ako. Mas okay sakin yun.

Umalis na si Xandra pagkatapos nun.

Ilang oras lang ay tumunog na ang cellphone ko at sinagot ko agad. Ilang minutong tahimik…pagkatapos…

“ken?” narinig kong sabi ni Xandra.

“Oh! Xandra…andito kana pala. Naalala mo talaga.” Sabi ni Ken. Anong naalala?

“ha? Anong pinagsasasabi mo?” tanong ni Xandra.

“Ano kaba…Monthsary natin ngayon. Nalimutan mo naba?” tanong ni Ken. Napayuko ako. Mukhang wrong timing ang pakikipag-usap ni Xandra. “Para sa iyo ito…” sabi ni Ken.

“K-kwintas?” narinig kong sagot ni Xandra. Napa close fist ako. Kwintas din ang bigay ni Ken kay Xandra?

“Tanggalin na natin yang kwintas mo. Ito nalang.” Sabi ni Ken. Nagulat ako. Tatanggalin niya yung kwintas na bigay ko?

“Wag…wag mo tatanggalin.” Sabi ni Xandra. Ngumiti ako. Sabi ko na nga ba di siya papayag.

“Bakit?” sabi ni Ken na halata mong seryoso na ang boses. “mas importante ba ang taong nagbigay ng kwintas na yan kesa sa akin?”

“ken…” mahinang sabi ni Xandra.

“Si Xyriel nagbigay niyan tama?” sabi ni Ken. “Kaya ayaw mo ipatanggal dahil sa kanya yan galing…”

“O-oo…” sabi ni Xandra.

“Sabihin mo…sinubukan mo ba talaga akong mahalin Xandra?” tanong ni Ken.

“Oo Ken! Sinubukan ko…pero…pero…”

“Pero si Xyriel talaga ang mahal mo. Tama ako diba?” sabi ni Ken. Bilib talaga ako sa tapang ng lalake na ito.

“Ken…sorry.” Sabi ni Xandra at dinig kong nanginginig na ang boses. Paniguradong naiiyak na siya.

“Don’t be. Alam kong hahantong sa ganito ito. Naalala mo nung tinawagan kita sa mall at sinabi mong mama mo ang kasama mo non? Alam kong si Xyriel ang kasama mo non. Nakita ko kayo. Nakita ko rin kung gaano ka kasaya pag kasama mo siya na kahit kailan ay di ko nakita pag tayo anbg magksama. Xandra…ayoko nang pahirapan kapa.”

“a-anong ibig mong sabihin?” tanong ni Xandra.

“pinapalaya na kita…” sabi ni Ken. Bilib talalaga ako sa lalake na ito.

“Ken…” sabi ni Xandra na alam kong nagsisimula nang umiyak.

“yes…I’m breaking up with you. Mas masakit kasi pag sayo nanggaling kaya inuunahan na kita. Besides, ang pangit pakinggan pag nalaman nilang iniwan ako ng girlfriend ko.” Sabi ni Ken.

“I’m sorry Ken…” sabi ni Xandra.

“I told you…don’t be… Ako ang nakiusap sayo noon na gawin natin itong dalawa. Kaya ako narin ang tumatapos. Isa lang ang favor ko…” sabi ni Ken.

“Ano yun?”

“Sabihin mo sa akin ng harapan na di mo ako mahal.”

“pero ken…” sabi ni Xandra. Kawawang Xandra. Alam kong naaawa na siya kay Ken. Pero…parehas silang matapang para harapin ang kani-kanilang totoong nararamdaman.

“kailangan ko marinig yun mula sayo. Gusto ko maisaisip ang katotohanan para di na ako umasa pa. Gusto ko rin makausap si Xyriel minsan. Gusto ko siya paalalahanan na wag na wag kang paiiyakin dahil babawiin kita sa kanya.” Alam ko yun. Pipilitin kong hindi mangyayari yun.

“Ken…”

“sabihin mo na. hinihintay ko…” sabi niya.

“patawad…sorry talag Ken…” sabi ni Xandra.

“Hindi yan nag gusto ko marinig Xandra.”

“H-hindi…” halatang nag-aalangan pa si Xandra sabihin. “ Hindi kita mahal Ken.” Sabi ni Xandra. Narinig kong tumawa si Ken.

“Tandaan mo Xandra… Ginagawang tanga ng pag-ibig ang isang tao. Pinili kong magpakatanga sayo at ikaw, pinili mong magpakatanga kay Xyriel. Pero tatandaan mo ito, walang masama magpakatanga. Dahil minsan, ang pagpapakatanga ang dahilan bat ka sumasaya. Kaya…ipaglaban mo kung ano ang talagang nararamdaman mo.”

“Ken…”

“wag kana magsalita. Umuwi kana at naiwan mo ang puso mo dun. Tumalikod kana at huwag nang lilingon.” Sabi ni Ken. Tunay kang lalake Ken… “ Siya nga pala… Ito oh…ang Ken’s heart. Huling candy ko na yan na ibibigay sayo.” Sabi ni Ken.

“Salamat Ken. Sa lahat-lahat salamat talaga.” Tapos tumahimik na. Pinatay ko na.Gusto kong…mapasaya si Xandra…

Forbidden Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon