Saturday na…pupunta ba ako o hindi? After nung incident kay Xyriel at Charmaine, tingin ko dapat ko nga puntahan si Ken. Wala naming mawawala diba? Si Ken lang naman ang makakaintindi sa akin ngayon dahil wala akong ibang pwede mapagsabihan. Hay…pero habang tinititigan ko itong singsing na binigay ni Xyriel, parang hinihila ako pabalik. Waaah… Pero I must move on! Tama! Tumayo ako at huminga ng malalim…
“Kaya mo ito Xandra…move-on…move-on…MOVE-ON!” sigaw ko.Lumabas na ako ng kwarto at gumayak na pagkatapos eh bumaba na ako. Nakita ko si Xyriel sa lamesa kasama si mama na naghahanda.
“Oh…anak! Aalis ka?” tanong ni mama sa akin.
“ah…opo. Magkikita po kami nung classmate ko.” Sabi ko habang nagsusuklay ng buhok.
“oh…himala at may kakitaan ka ngayon. Wala ka naming kaibigan sa school ah.” Nagulat ako nang bigla magsalita si Xyriel. Problema nitong lalake na ito? Bigla nalang namamansin…may sakit ba sya o guguho na ang mundo.
“Oo nga anak. Ngayon ko lag narinig na aalis ka kasama ang mga classmate mo.Palagi ka kasing nakakulong dito sa bahay. Wala kabang kaibigan sa school niyo?” Sabi ni mama.
“ah…m-meron naman po.” Sagot ko at nagpipilit ngumiti.
“tingin ko puro sa cheering squad ang mga kaibigan mo sa school.” Sabi ni Xyriel. Napatingin ako sa kanya. Ano raw?
“Bat mo naman nasabi yan?!?” galit na tanong ko.
“Mukhang nagppractice ka kanina ng cheer niyo eh. Move-on…move-on…yun ang paulit-ulit mong sinisigaw kanina sa kwarto mo.” Casual na casual na sabi niya sabay subo ng tinapay. Nanlaki mata ko. Narinig niya yun?!?
“a-ano bang pinagsasabi mo! S-sabi ko kanina…ang…ang aga-aga ang daming ibon…anong move-on ka diyan!” sabi ko na nagpipilit ipaglaban yung gawa-gawa kong istorya.
“Talaga? Pati ibon dinadamay mo” pag-inis na sabi niya. Ano ba talagang problema nitong lalake na ito?!?
“tama na nga yang ibon na yan. Sino ba kakitaan mo ngayon anak? Dalhin mo dito minsan para naman makilala ko.” Sabi ni mama.
“sige po…kaso isa lang naman yun.” Sabi ko. Hay nakuh! Next time nga mag-iipon ako ng kaibigan para naman di ako ginaganito ng mga ito!
“Oh siya…kumain kana muna.” Sabi ni mama.
“Ay hindi napo. Late napo kasi ako.” Sabi ko. Ayoko kasabay kumain ang Xyriel na yan. Hmmp! Umakyat ako uli sa kwarto at nag-ipit ng buhok tapos bumaba na uli para magpaalam kay mama.
“Ma…alis napo ako.”
“sige ingat ka ah!” sabi ni mama at lumabas na ako tas dumiretso sa plaza. Nakita ko si Ken sa swing at nakayuko tapos may dalang candy. Umupo ako sa isang swing tapos tinapik ko siya.
“Kuya…pahingi naman ng masarap na Ken’s heart.” Sabi ko. Nagulat ko ata siya kasi bigla nalang siyag nlaglag sa swing. Napatakbo ako para alalayan siya.
“Ken! Ayos ka lang?” tanong ko.
“O-ouch…” sabi niya.Tinulungan ko siya tumayo.
“Sorry. Di ko sinasadyang gulatin ka.” Sabi ko. Nagulat ako nang bigla siyang nagtatatalon at niyakap ako tas nagpaikot-ikot.
“hala…hoy Ken! Anong ginagawa mo?” tanong ko na natatawa.
“Dumating ka! Ang saya-saya ko!” sabi niya.
“Ken…” tawag ko. Tumigil siya at tumingin sa akin.
“bakit?” tanong niya.
“Asan na yung candy ko?” tanong ko. Tumawa siya ng sobra. Natawa rin ako sa sinabi ko.
“Sira! Oh eto…” sabi niya sabay abot nung candy.
“salamat!” sabi ko na todo ngiti.
Umupo kami sa swing tapos yumuko ako.
“Anong problema mo Xandra? Kay Xyriel nanaman ba?” tanong niya. Hindi ako kumibo. Kabisado na talaga ako ni Ken.
“Hoy! Bakit? May nangyari ba?” tanong niya uli. Tumango ako.
“M-may girlfriend na si Xyriel.” Sabi ko.
“Edi mabuti.” Sabi ni Ken. Napatingin ako sa kanya.
“M-mabuti?” ulit ko sa sinabi niya. Tumayo siya sa swing at lumapit sakin.
“Xandra, may girlfriend man si Xyriel o wala, tingin mo pwede maging kayo? Imposible. Kaya hayaan mo nalang siya na maging Masaya sa iba. At ikaw rin.” Sabi ni Ken.
“Alam ko naman na hindi pwede eh. Pero bat kailanga niya sabihin na mahal niya ako kung di naman pala niya paninindigan” sabi ko. Hinawaka ni Ken ang kamay ko.
“Xandra...di niya gagawin nang walang dahilan. Ikaw lang din ang iniisip niya. Ginagawa niya lang ang tama. At sana ganon ka rin.”
“Di ko kaya Ken…mahal ko siya eh.” Sagot ko.
“Bakit? Mahal naman kita ah! Bakit hindi nalang ako Xandra?”
“Hindi ganon kadali yun Ken…”
“Gagawin ko lahat. Bakit di natin subukan. Mga bata pa tayo Xandra…magbabago rin yang nararamdaman mo.” Sabi niya.
“paano kung hindi magbago.” Sabi ko.
“Paano natin malalaman kung di natin susubukan?” sabi ni Ken na halata mong di susuko sa pagkumbinsi sa akin.
“P-pero…” hirit ko kaso lumuhod siya.
“Please…please…please…” pagmamakaawa niya.
Anong gagawin ko? Magwowork kaya pag pumayag ako? Hay…bahala na!
“Sige na! Pumapayag na ako.” Sagot ko. Tumayo siya at hinawakan ang dalawang kamay ko at nagtatatalon uli tas nagsasasayaw. Nakangiti siya at niyakap ako.
“Di ako mangangako Xandra…pero gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako. Sana ikaw rin. Gumawa ka ng paraan para tulungan ang sarili kalimutan si Xyriel.” Sabi niya. Tumango ako.
“Gagawin ko ang lahat…kakalimutan ko na siya.” Sabi ko. Ngumiti siya at nagtatatalon uli. Natawa ako. Para siyang bata.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...