It’s a relief talaga na okay na kami ni Ken. Kaso nasaktan ko siya. I wonder kung narinig lahat ni Xyriel yun. Pauwi na ako nang may makita akong bata na tatawid. Maglalakad na siya kaso may sasakyang dumating kaya napatakbo ako at hinila siya.
“Hoy! Magpapakamatay ka ba?!?” nagulat ata siya sa akin kasi paiyak na siya. Teka…kilala ko ito ah! “I-ikaw si Jiji diba?” tanong ko. Tumango siya.
“S-sorry po…” sabi niya.
“Oh siya…tahan na…ako ito. Yung tumulong sa inyo nung nakaraang araw.” Sabi ko. Nagpunas siya ng luha.
“Ikaw yung ate na tumulong sa amin ng kuya ko?” tanong niya.
“”oo ako nga.” Sabi ko. Yumakap siya sa akin.
“Ate…tulungan mo ako…si Kuya…gusto ko siya hanapin.”
“Ha? Bakit Anong nangyari sa kuya mo?” tanong ko.
“Nagtalo po kasi sila ni Papa. Palagi naman silag ganon pero ngayon mas malala ngayon kasi po nalaman po ni Papa na nadamay ako sa away ngayon ni Kuya. Yun po yung nakita niyo si Kuya na binubugbog. Hinahayaan po ni Papa na gawin ni Kuya ang gusto niya gawin sa buhay niya. Pero di pinalampas ni Papa ang nangyari sa amin nung nakaraan dahil nadamay ako. Nagalit siya ng sobra. Tapos umalis si Kuya sa bahay. Ate…tulungan mo ako.” Tapos umiyak siya lalo. Tinapik-tapik ko siya sa likod.
“Tahan na…babalik din ang kuya mo.” Sabi ko. Umiling siya.
“Imposible…matigas po ulo nun. Di babalik yun hanggat di si Papa ang nagsosorry.” Sabi niya.
“Pero siguradong dir in siya matitiis ng Papa mo. Walang ama ang makakatiis sa anak. Kaya umuwi kana bago pa may mangyaring masama sayo.”
“Pero po…” hirit niya.
“Mas magkakagulo sila pag may nangyari sayo. Gusto mo ba na mas magkagulo sila dahil sayo?” tanong ko. Umiling siya. At yumuko. “tahan kana…tara na ihahatid na kita.” Sabi ko at hinawakan siya sa kamay.
“sa Diamond Subdivision po kami nakatira.” Sabi niya. Nagulat ako.
“Wow…dun kayo? Ang yaman niyo pala.” Sabi ko. Tumango siya.
“Doktor po kasi ang Papa ko.”
“Kaya naman pala. Eh ang Mama mo?”
“Hiwalay napo sila ni Papa matagal na.” sabi ni Jiji. Nalungkot naman ako. Kaya naman pala rebelled ang Kuya niya.
“ganon ba…” yun nalang nasabi ko. Ang hirap siguro para sa kanya na walang Nanay sa bahay. Tas ngayon, wala pa ang Kuya niya.
Pag dating sa Diamond Subdivision, tinanong ko sa guard ang bahay ni Jiji. Kilala ang Papa niya sa subdivision kaya di ako nahirapan hanapin ang bahay nila. At as expected sa mga nakatira dito, ang lalaki ng bahay. Lalo na ang kanila Jiji.
“ang laki ng bahay niyo.” Sabi ko. Ngumiti siya.
“Malaki nga po, sa sobrang laki nga, di na namin makausap si Papa. Parang yung distansiya namin sa kanya eh napakalayo.” Sabi niya. Para sa isang six years old, alam na niya ang ganitong bagay. Ganon siguro kagulo ang pamilya niya. Imbis na Masaya siyang naglalaro, parang problemado rin siya sa pamilya niya. Hays…kawawang bata.
“Kayo rin naman siguro ang iniisip niya.Para rin yun sa ikabubuti niyo.” Sabi ko.
“Jillian!” sigaw nung isang lalake tas niyakap si Jiji. “nakuh! Saan kaba galing bata ka?!? Alam mo bang nag-alala si Papa?” sabi nung matandang lalake. SIya ang Papa nila Jiji? Matanda na pala.
“S-sorry po…” sabi ni Jiji. Tumingin sa akin yung lalake.
“Iha…ikaw ba ang naghatid sa kanya?” sabi nung Papa ni Jiji. Tumago naman ako. “salamat ng marami iha…pasensiya kana at naabala pa kita. Halika at pumasok ka muna sa loob.” Sabi niya.
“Naku! Hindi napo…uuwi narin po ako.”
“Sige na iha… I insist…” sabi nung lalake. In the end, pumayag ako dahil hinila ako ni Jiji. Siguradong mag-aalala si Xyriel sa akin. Tatawagan ko nalang siya pag-uwi.
“pasensiya kaa talaga iha ah…” sabi nung papa ni Jiji habang binibigyan ako ng cookies at juice.
“wala po yun.” Sagot ko, habang tinititigan si Jiji na naglalaro.
“Nag-alala talaga ako nang sabihin nung katulong na nawawala yan si Jillian. Busy kasi ako asa paghahanap sa pasyente ko.” Sabi nung Papa ni Jiji at tumabi sa akin habang nakatingin din kay Jiji. Napatingin ako sa kanya.
“Nawawala po ang pasyente niyo?” tanong ko.
“Actually, di siya pasyente. Na diagnose ko lang na may brain tumour siya at malala na. Pero ayaw niya magpagamot. Gustong-gusto ko siya hanapin dahil napaka bata pa niya. Gusto ko iinform ang magulang niya.” Sabi nung doktor. Nakakaawa naman pala kung ganon. Sana makita na niya ang hinahanap niya.
“Nakita niyo napo ba siya?” tanong ko.
“Hindi pa nga iha eh… Pinahahanap ko palang. Ayaw kong mahuli ang lahat.Bilang doktor, trabaho ko ang magligtas ng buhay. Kaya di ko siya kayang pabayaan.” Sabi nung doktor. “Kaso…sa sobrang concern ko sa mga pasyente ko, napapabayaan ko naman ang sarili kong pamilya. Kaya nga ako iniwan ng Mama nila Jiji.” Sabi niya na bakas mong malungkot siya. Nakita ko ang mga pictures nila sa frame. Ang cute kasi super close talaga si Jiji at ang kuya niya. May isang picture na nakadikit sa wall na whole family sila.
“Ginagawa niyo lang naman po an trabaho niyo bilang doktor” sabi ko.
“oo nga..trabaho ko bilang doktor. Pero trabaho ko bilag ama ay di ko magampanan…” sabi niya.
“maaayos niyo rin po iyan. Kasi kita naman pong gusto niyo talaga maayos ang pamilya niyo.” Sabi ko. Tumango siya at nagpasalamat.
Pagkatapos ng kwentuhan at pakikipaglaro kay Jiji, umuwi narin ako.
“Bbye ate! Salamat! Laro uli tayo ah…” sabi ni Jiji. Ngumiti ako at tumango.
“Bbye Jiji…” sabi ko. Nung pauwi na ako, tatawagan ko na sana si Xyriel nang makita ko na 53 missed calls…alright…I’m dead…
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...