Chapter 13 Xandra

13 0 0
                                    

 Hays…kami nalang ni Xyriel dito sa bahay. Kaaalis lang ni Mama. Gusto ko lumabas para makaiwas kanya. Dahil napaka awkward talaga. Madidinig mo ang kuliglig dahil sa katahimikan. Kaso kasi, mahigpit na bilin ni Mama na walang aalis ng bahay. Aaargh!!! Ganito nalang ba kami hanggang sa dumating sila mama??? Di ko na kaya…tumayo na ako at pumunta sa kusina.

“Xyriel…anong gusto mo kainin?” tanong ko. Stay cool Xandra. Sumilip ako sa sala. Kaso nanonood siya ng T.V. Di niya ata ako narinig kaya nagluto nalang ako ng paboriton naming dalawa, ang chopsuey. Naghiwa ako ng gulay nang bigla kong maalala yung tumawag sakin kahapon sa mall. Si Ken…tinatanong niya ako kung sino ang kasama ko...hay! Bat di ko ba masabi sa kanya na si Xyriel? Hindi naman siguro siya magagalit. Tss… Di bale na nga. Nasabi ko naman nang si mama. Kaso pagkasabi ko nun, binaba na niya. Nakita niya kaya ako kahapon? Di naman siguro diba? Hay…pero possible yun. Kasi nasa mall din siya kahapon. Hala! Oo nga…anong gagawin ko…

“OUCH!” nabitawan ko ang kutsilyo at hinawakan ang daliri ko. Ang engot ko talaga! Isama raw ba ang daliri sa chopsuey?

“Ei! Ayos ka lang?” Nagulat ako kasi bigla siyang sumulpot sa gilid ko. “Patingin nga!” sabi niya tapos pilit kinuha ang kamay ko. Tinitignan niya yung sugat ko. Napatitig ako sa mukha niya. Shoot naman! Bat ganito nanaman tibok ng puso ko.

“Xandra! Ayos ka lang? Pulang-pula ka…” worried na tanong niya. Napatingin ako sa ibang direksyon.

“H-ha? Ayos lang ako!” sabi ko.

“Hindi ka okay…halika sa upuan…” sabi niya tas pinaupo ako sa sofa. Kinuha niya yung first aid kit namin at ginamot ang sugat ko. “Ako na ang magluluto…” sabi niya.

“Ako na.” sabi ko. Kaso tumingin siya ng nakakatakot kaya natigil ako.

After ilang minutes, tapos na siya magluto. Dumating siya na dala ang tray ng pagkain at nilagay sa center table.

“S-salamat..” sabi ko. Ngumiti siya.

“wala yun…kumain kana…or gusto mo subuan kita…” sabi niya tas kinuha yung kutsara.

“Tumigil ka nga. Kaya ko na.” sabi ko. Tinitigan ko siya. Parang may kakaiba sa kanya lately. “Kuya…pansin ko, madalas ka namumutla…May sakit ka ba?” tanong ko at dinampi ko ang kamay ko sa noo niya.

“Ako? Wala noh…madalas lang sumasakit ulo ko. Pero wala yun. Ikaw nga diyan ang mukhang may sakit kasi pulang-pula yang muka mo.” Sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa noo niya. Tumingin ako sa ibang direksyon.

“ano ba yang pinagsasasabi mo!” sigaw ko. Tumawa siya.

“Xandra…mahal mo ba si Ken?” tanong niya bigla. Nagulat ako.

“a-ano bag tanong yan?” sabi ko.

“Sagutin mo nalang. “ sabi niya na seryoso na ang mukha.

“B-boyfriend ko kaya si Ken…”sagot ko.

“Pero ako ang mahal mo diba?” sabi niya. Natulala ako. “Xandra…” tawag niya uli. Napatayo ako bigla.

Forbidden Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon