Chapter 3

189K 5.2K 1.2K
                                    

Chapter 3: Exo Merchandise

 

Nagdire-diretso na lang ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Kasi di na ako pwede bumalik sa room at nagistart na. Ayoko namang umuwi kasi nakakatamad pa. Dahil sa paglalakad ko napadpad ako sa isang napakalaking building. Walang tao. Ewan pero bakit nakahiwalay ito though part pa din naman ito ng school grounds. Dahil sa pagiging curious ko pumasok ako.

Ang liwanag.. Hindi kapani-paniwala.. So isa lang ang napatunayan ko ngayong mga oras na ito..

Sikat talaga yung labindalawang kulugo. As in sikat. Hindi lang dito, kundi baka pa sa buoong syudad na 'to!

Ngayon nakatitig ako sa mga posters and merchandise nung mga lalaking yun. Di lang talaga ako makapaniwala..

"Shit, bakit ang pogi nila talaga?" I murmured nung makita yung poster nila. Ang daming merchandise dito, may symbol din na kanina ko pang nakikita. EXO yata ang pangalan ng grupo nila!

"I knew you liked us. Nagpapa-hard to get ka lang."

" Ay! "

Dahan dahan akong sumilip sa likod ko saka nakita yung isa sa labindalawang kulugo. Matangkad siya at color black yung hair niya and mukha siyang... panda. May maiitim siyang ayebags pero hindi yun nakakapang turn off. In fact that made him looked hot.

Napatitig ako sa kanya kasi kakaiba yung mukha niya. Ang bilis makaattract. Pero. Medyo ang weird niya.

"Bakit ka nandito? " he asked.

" Ikaw. "

" Ako? Ano ako? " Tumaas ang kilay niya na para bang hindi alam ang sinasabi ko. Kahit ako di ko alam ang sinasabi ko. Para akong nasi-speechless!

"W-wala! Aalis na ako!" I said at tumalikod na kaagad bago pa akong mahumaling ng tuluyan sa kanya. Kakaiba talaga yung mga eyebags niya, parang nangsiseduce!

" Hey wait!  I'm Tao. "

Di ko na sya sinagot pa kasi nawiweirduhan talaga ako sakanya. Parang nakakaloko yung mga tingin niya pati yung pagsasalita niya. Di mo alam kung nagsasabi ng totoo oh ano?

Umalis na ako dun at iniwan yung nakakabighaning building.  Bumalik akong building namin at sakto wala pa yung next teacher kaya pumasok na ako. Yung 12 bugok wala pa din. Umupo na lang ako at nakinig. Nagdrawing. Nabored. Nakatulog. Then UWIAN na!

Pauwi na ako ng tahimik at di na nakita pa ang 12 bangag. Nasa gate na ako and ready na lasapin ang freedom pero..

Nanlaki yung mga naggagandahan kong mata ng makita..

" WE ARE ONE! WE ARE EXO! "

..

Vote and Comment.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon