Chapter 60: First Encounter
A/N: Short Update. Vote and Comment Ghuise XP
[3rd Person’s POV]
“Sorry talaga ha Kheil?” Umiiyak na tugon ni Ria kay Kheil. Parehong lumuluha ang dalawa, gayun din ang iba pang babae. Para bang nabuhusan sila ng malamig na tubig nang marealize na magkakaibigan sila at mali yung ginawa nila. Madalas na nilang makasama si Rin, napatawad na. Binabalak nilang puntahan si Daney sa Maynila ngumit hindi pa maari ngayon dahil may ginagawa pa silang project to be passed within a week.
“Guysss! Guysss!” Sigaw ni Baekhyun habang tumatalon talon. Nakuha niya ang atensyon ng lahat kaya agad rin silang naglapitan.
“What’s that?” Tanong ni Kris sa kanya na nakaturo sa cellphone ni Baekhyun.
“Nabuksan ko ang facebook ni Sehun! May message sa kanya si Lulu ngayon ngayon lang! Kyaaaa!” Halos magdiwang sa saya ang buong barkada. Gulat pa ang reaksyon ni Sehun pero ngumit rin kalaunan.
“Anong sabi?!” Tanong ni Xiumin.
“I’m coming back.” Sigaw ni Baekhyun na kinikilig-kilig pa sabay punas ng kunyareng luha habang tumatalon-talon.
“M-mabubuo na ulit t-tayo..” Umiiyak si Kheil. Tumingin sa kanya ang lahat at ngumiti. Tama siya, mabubuo na ulit sila. Pero ang dalawa? Mabubuo pa kaya?
.
[Luhan]
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan siyang umiyak hanggang sa nahihirapan na siyang huminga. Binigay ko ang inhaler at niyakap siya. Pinilit niya akong tinulak pero mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko.
“Don’t me leave Luhan!” She yelled. Umiling ako.
“I’m not leaving you. Gusto ko lang muna umuwi Trinity.”
“Ganun na rin yun e! Pag bumalik ka dun hindi mo na ako babalikan ulit!” Nai-hilamos ko ang palad sa mukha ko. Ayaw niya talagang maniwala na babantayan ko siya hanggang sa maging maayos na ulit ang kalagayan niya.
“I just missed them. Is that too hard to understand?” Lumuwang ang yakap ko sa kanya. Mukhang nanghina siya sa sigaw ko. Jeez Trinity! You’re making it too hard for me!
“No Lu, you missed her.” Tinakpan niya ng kamay niya ang mukha niya at humikbi na naman. Pilit kong binuksan ang kamay niya pero di niya ako hinayaan. Tumalikod lang siya.
“Yes Trinity. I do. Pero anong magagawa ko? Hindi kita pwedeng pabayaan.” Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin. Ngumit siyang pilit at tumungo.
“Pero kung wala akong sakit Lu. Hindi mo naman ako sasamahan diba?” Bulong niya. Tumingin siya ulit sa mga mata ko. Iniwas ko ang tingin ko. Narinig ko ang malalim niyang hininga.
“Okay Luhan… One week ka lang dun ha? Hihintayin kitang bumalik.” Tumingala ako at nakita siyang ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinayagan niya ako. Isang lingo lang pero.. I’ll make sure it’s ‘worth it.’
“Thanks.” I murmured.
.
Bumaba ako sa taxi na sinakyan ko. I paid for it at nagdire-diretso sa entrance ng EU. Dito ko sinabing magkita-kita kami. Nung makita ko na silang kumakaway ay hindi ko napigilan ang ngiti ko. Masaya akong makabalik dito. Sinalubong ako ng yakap nilang lahat. Halos mapiga ako sa gitna dahil sa socrang tight ng takap.
“I mitthed you Lulu! May kathalanan kapa samin!” Ani Sehun na mangiyak ngiyak na. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. Lumingon ako kay Kai na nakahawak kay Aries pero nakangiting nakatingin sa akin. Kumindat siya kaya inirapan ko. Ngumisi naman si Kris at Suho.
Napagdesisyunan namin pumunta ng tambayan naming room. Pero napatigil ako sa nakita ko..
Tumingin sila at tumigil din katulad ko. Napatakip ng bibig si Kheil at ang iba. Malaki ang mata ko sa nakita ko. Andun siya, nakangiti…
“..D-daney..”
.
A/N:
May sakit ako ngayon. Writer’s block. Ewan ko kung hanggang kailan ako meron nito. Actually sinagad ko kasi. April 7 ko pa to natype kaya naubusan ako ng idea. Papagaling lang ako.
Teka, nakakatampo yung “Haney”, “HanNey” po ang tandem ni Lulu at Daney. Then “CyanNey” po ang Daney X Cyan.
Bytheway, kamusta na? Magcomment kayo ka. Vote, too.

BINABASA MO ANG
Never Been Your Fangirl- PUBLISHED
FanfictionJust when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.