Chapter 53: Mistake
A/N:
Ang ganda ganda nung Meteor garden! hahahaha. Walang kupas. Ikaw na Shan Chai. [Tama ba spelling? LOL] Hahaha. Di ko alam spelling ng Dawmingse HAhaha. Best couple ever!
Enjoy the chapter guys. Prepare your HanNey banner!
[Daney]
Isang linggo na mula nung panaginip kong totoo pala. Nanghihinayang pa rin talaga ako sa nangyare, kung hindi ko lang yun pinagkamalang panaginip ay marahil malinaw na sa akin yung pinagdadaanan niya! Grr! Naiinis pa rin ako.
“Hindi na ba kumikirot ang ulo mo Daney?” Tanong sa akin ni Cyan kaya tumingin sila sakin.
“Hindi na Cyan. B-bakit?”
“Wala lang.” Nagkibit balikat siya at bumalik sa pagkutingting ng cellphone niya.
“Close na talaga kayo no Daney?” Pangangalabit sa akin ni Aries. Napa oo na lang ako at napangisi ko naman siya dahil dun.
“E-ehem! May reserved Luhan yan Aries, wag mong ipagtulakan.” Sabi ni Ria, namula tuloy ako pero itinago ko yun.
“Ah. Ganun ba? Hahaha.” Sagot ni Aries sa kanya.
“Gagraduate na tayo next next next week Guys. What’s your plan?” Open up ni Kheil. Natahimik ang lahat, mga nakayuko. Maging ang mga lalaki. Si Luhan lang ang wala dito pati si Sehun.
“I don’t know. I still don’t want to bid goodbye.” Kris said.
“Promise no goodbyes please? Magkikita-kita pa naman tayo e.” Mina exclaimed. Kris held her hand tight.
“Tama si Mina, hindi sa graduation matatapos ang friendship natin kaya wag tayong maging negative.” I said smiling. Nakita kong tumingin sa akin si Cyan kaya tiningnan ko rin siya pero bigla naman siyang umiwas. Napangisi na lang tuloy ako.
Hay. Namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang makita.
“Alam niyo ba kung nasaan na si Luhan?” Tanong ko. Isa isa silang kumibit balikat sa akin. Mukhang wala silang alam.
BINABASA MO ANG
Never Been Your Fangirl- PUBLISHED
FanfictionJust when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.