Chapter 65: Memory Making
A/N: Exo’s Hip Thrust. The best.
Read, Enjoy, Comment and Vote.
KAM- si @Kkamjongs yan. Yung nagmessage sakin ng isang sobrang habang message! Hahaha. Yung role niya is yung pangatlong kaibigan ni Daney bukod kay Yvonne at Marie, kung mapapansin niyo hindi ko pa napapangalanan e. Naghahanap kasi ako ng deserving na reader, total kilala ko siya edi siya nalang!
.
[Luhan]
Kanina pa siyang hindi nagsasalita sa kotse. Nasa harapan na kami ng bahay niya ngayon. Yung mukha niya, mukhang hindi mapakali.
“Let’s go Daney?” I’m about to grab her hand nang tumalikod siyang bigla.
“I don’t wanna go Luhan.” Pinigilan ko siya sa pag-alis at hinarap kaagad sa akin.
“Bakit Daney? Ayaw mo ba akong maaalala?” I gave her a fake smile. But she, I never expected, grinned back.
“Oo.”
Gusto kong mainis, magalit at ipamukha sa kanyang nasaktan ako. Pero anong magagawa ko, kung galing na sa kanya, mismo.
“Luhan?” Daney snapped me back.
“Hindi kita susukuan Daney.” Parang nagulat siya sa sinabi ko kaya habang nakatulala pa sya ay hinawakan ko na ang kamay niya at pumasok sa bahay niya.
May frame niya kasama ng pamilya niya sa may salas. Pinakita ko yun sa kanya. Hindi siya gumagalaw habang nakahawak sa frame, tinitingnan ng maigi.
“Ikaw yan Daney. Kasama ng pamilya, naniniwala ka na bang girlfriend kita?” Hindi niya ako kinibo at binalik na lamang ang frame sa lamesa. Sunod ko siyang dinala sa kwarto niya, dito siguradong marami akong mapapatunayan.
Una kong ipinakita sa kanya ang pictures niya, albums at kung ano-ano pa. Madami akong naipakita sa kanya, may pictures din kaming magkakasama ng Exo at nila Kheil.
“Daney, maniwala ka na sakin Please?”
“Naniniwala na ako… na naging kaibigan ko kayo Luhan! Pero ang maging girlfriend mo? Hindi ko pinangarap yun!”
BINABASA MO ANG
Never Been Your Fangirl- PUBLISHED
FanfictionJust when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.