Chapter 52

73.8K 1.8K 225
                                    

Chapter  52: Leaving…

[Cyan]



Sa pagkabalita ko sa kanya noon bigla na lang niya akong sinuntok ng marahas kaya natumba ako sa sahig. Nagtinginan ang lahat at nagsimulang magbubulong-bulungan.



“Wag kang sinungaling! Wag mo akong kinokonsensya Cyan! Tumutulong lang ako! Siya pa rin ang mahal ko!” Aniya.



Tumayo ako at pinunasan ang bibig ko pero nakatanggap na naman ako ng isa pang suntok. Sa pagkakataong ito ginantihan ko na siya.



“Kung mahal mo siya bakit inuna mo yung babaeng yun?! Bakit hindi mo alam na nasa ospital siya ngayon!” Sigaw ko. Kumunot ang noo niya at napatigil sa pagbwelo papunta sa akin.



“Hindi mo alam Luhan? Bugbog sarado si Daney! Wala kang kwenta Luhan! Ni hindi mo alam!”



Hindi na siya sumagot o magatubiling magtanong. Dirediretso siya sa pagtakbo, marahil ay pupuntahan si Daney.


.


[Daney]

Tatlong araw akong humilata uli sa hospital. At ngayon lang ulit ako makakapasok sa EU. Sabi ng doctor isang lingo pa dapat ang pahinga ko pero gumaling din naman kaagad ang mga sugat ko. Ang ikinalulungkot ko, ni minsan hindi siya bumisita sa akin.


Ganito kabilis? Nagsawa na ba siya kaagad? Ni hindi ko pa naipapakita kung gaano ko siya kamahal. Mawawala na ba kaagad siya? Kasisimula pa lang namin diba?!


Pinunasan ko ang nagbabadyang luha. Sabi sa akin ni Luhan mahal niya ako. Yun muna ang panghahawakan ko. Alam ko, may tiwala ako.


“Daney, ghad bakit pumasok ka kaagad? Yung mga pasa mo? Yung mga sugat mo? Kumusta ka na Daney?” Hindi ako sumagot kay Kheil ngumiti lang ako sa kanya.

“Daney are you feeling well?” Tanong naman sakin ni Mina, tumango na lang ako. Ayokong magalala sa akin ang mga kaibigan ko.



“Nasaan si Luhan? Bakit hindi mo siya kasama?” Sabi sa akin ni Rhu. Dun lang ako napatigil. Napawi ang mga ngiti ko, hindi ko alam ang isasagot. Kahit ako’y walang balita sa kanya. Napamiserable ko wala akong alam sa mga nangyayare sa boyfriend ko.


Napakagat ako sa aking labi, nagpipigil ako na baka bigla na lang akong umiyak. Hindi ko pa alam ang nangyayare sa kanya ngayon pero matindi na ang tama sa akin tuwing iisipin kong wala akong balita sa kanya paano pa kaya kapag alam ko na?



“Tss. Unggoy! Tawagan mo nga si Luhan! Bakit hindi niya inaasikaso si Daney?!” Sigaw ni Ria, nagbago na naman ang ugali niya. Umalis si Chanyeol at mukhang kinontact si Luhan.


“Daney, sinong maygawa sayo niyan? May kagalit ka ba ha Daney? Bakit hindi mo sinabi sa amin?” Ani ni Aries na mukhang nagaalala na. Umiling ako. Wala akong kaaway? Wala akong kagalit. Pero si Rin! Ni hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa sa akin?! Isang beses lang kami nagkita pero mukhang napakasama ng ginawa ko sa kanya para gawin sakin yun!
Napahikbi ako kaya nagtinginan sa akin ang buong barkada, nakagat ko ulit ang labi ko para pigilan pero huli na. Niyakap nila akong lahat at sinubukang patahanin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala sila sa tabi ko para pagaanin kahit papaano ang loob ko.


“Ano ba kasing nangyare Daney? Tell us.” Malungkot ang mukha ni Kheil.


“Tutulungan ka namin Daney, let us. Sabihin mo sa amin ang problema.” -Rhu


“…Babae.” Yun pa lang ang nasasabi ko pero bigla na lang mukhang nalukot ang mga mukha nila. Isa isa silang kumalas sa pagkakayakap. Lahat sila mukha nagets agad kung sino ang sinabi ko.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon