Chapter 34: Girl. Girlfriend
.
DANEY's POV
Makakalayo na rin 'dapat' ako kay Mr. Kilay pero hindi nangyari yun dahil hinagip niya yung braso ko. Pag harap ko nakita ko na naman ang kilay niyang pagkataas-taas. Kahit nakangiti siya gabundok pa rin ang taas nito.
" D'you know what you just did? " Tanong niya sa akin habang nanlilisik ang mga mata niya pero nakangiti pa rin siya.
" Tinapunan ka ng wine. Don't tell me gusto mo ng take two? " Sabi ko sa kanya at hinatak pabalik yung maganda kong braso.
" Missy, you'll pay for this. " Yun ang huli niyang sinabi bago tuluyang umalis. Nakita ko pa ngang pinagpag niya yung damit niya. Amp. Ako pa ngayon ang magbabayad. Walangya.
" Tss. Nakakainis. Ang yabang! Siya naman tong nauna. Badtrip. "
" Ikaw, ang hayuk mo din e no? " Tumingala ako bigla ng marinig ko yung lalaking yun. Nakaharap siya sa akin at nakakunot ang noo niya pero hindi naman siya galit.
" O bakit? Inaano kita? " Tanong ko sakanya. Ano na naman bang ginawa ko dito sa baklang to? Tss.
" Bakit mo siya tinapunan ng wine? "
" E binuhusan niya rin ako e! " Nagsisigawan na kami at nagtitinginan na rin ang mga guests.
" Tss. You're such a troublemaker Daney. " Sabi niya sa akin saka kinaladkad. Ayt, kinakaladkad na naman niya ako. Wala na ba talaga akong karapatang maglakad ng maayos ngayon?! Amp.
" Saan mo na naman ako dadalhing bakla ka. "
" Stop calling me a gay if you don't mean it Daney. You never know what may happen to you. " At heto na naman ipinapakita na naman niya ang wagas niyang smirk. O sya na! Tss.
" E saan mo ba kasi ako dadalhin? "
" Sa banyo KO. Ano titigil ka na? "
" S-sa Banyo? MO? " Napatameme na lang ako. Alam ko namang hindi siya seryoso dun kaya tatahimik na lang ako. Baka totohanin niya e, mahirap na.
" We've decided already. Wala kayong kwenta maging waitress. " Sabi niya sa akin bago niya ako itulak papunta sa loob ng isang pinto. Aba teka nga?
BINABASA MO ANG
Never Been Your Fangirl- PUBLISHED
FanficJust when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.
