Chapter 38

96.6K 2K 575
                                    

Chapter 38:  Leigh’s Girlfriend

 

[Daney] 

"Bakit ganun.. Bakit ganun?"

Naiiyak na ako sa pulit-ulit na sinasabi ni Daney. Natatakot na ako. Kanina pa siyang tulala. Kanina pa. Lalo nung makita niya si Kuya..

"Leigh.. Bakit ganun?" Tanong niya sa akin. Pinilit niyang ngumiti pero nagmumukha lang syang bangag pag ginagawa niya yun.

"Wag kang ngumiti kung hindi mo pa kaya Daney.. Kilangan mo yang ilabas lahat.."   Sabi ko sa kanya kaya siya, parang natauLuhan at bigla na lang akong niyakap. Kahit na maputik kami hinayaan ko na lang siya. Kailangan niya ito panigurado.

"Ang akala ko kasi.. Nagsasabi siya ng totoo. Bakit ganun?" Yun ang sinabi niya.. Pagtapos nun bigla na lang siya nanahimik.. Ang hirap palang makita na ganito siya..

"Daddy... Is she okay? " Tumingin ako kay Yeo Hee. Mula kanina tinawag na niya akong Daddy.. And well.. Si Daney naman.. ang.. Mommy.. Enebe. Ay ang bakla.

"Yeo Hee. Mom's not okay.. She's devastated." Sabi ko saka ko siya nginitian. Nagdrive ako ng tahimik. Gustong gusto ko na talagang maligo. Ang lagkit, promise.

"Can I kiss Mommy?"

"Of course.”

Binigyan niya ng peck of kiss si Daney. Saka nagpray si Yeo Hee na sana daw, umayos na ang mommy niya. Ang sweet niyang bata.

[Leigh's Residence]

"Hmm.." Mukhang naalimpungatan na si Daney sa pagtulog niya. Mahimibing kasi siya, kanina pa. Pagkatapos niyang makaligo ay natulog siya.

"Psst. Daney.. Gising.."

"Hmm?"

Tumayo siya at nagkusot ng mata.

"Okay ka na ba "

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

"ARAY!"

Nakarate ako ni Daney sa mukha pagkatayong-pagkatayo niya! Aray. Lagi na lang akong nasasapak ng babaeng to. Masakit na!

"Nako.Sorry. Ang lapit kasi masyado ng mukha mo e. Baliw." Sabi niya sa akin habang nagkakamot ng ulo.

"Ako pa din ang may kasalanan? Tss." Sabi ko saka tumayo at pumuntang kusina. Ikukuha ko siya ng makakain.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon