Chapter 63

79.4K 2.1K 430
                                    

Chapter  63: Never-ending Night

A/N: HAPPY BIRTHDAY SEHUN! Hindi ka na teen pero ikaw pa rin ang maknae! Sexy Maknae, Sehun-oppa, HAPPY BIRTHDAY and We wish you all the best!

Dedicated sa kanya dahil sa Message niyang mas mahaba pa sa buhok ni Daney! THANK YOU♥

 

.

 

[3rd Person’s POV]

 

Agad pinuntahan ni Luhan ang kinaroroonan ni Daney. Andun lang siya at mukhang iniwan na ng mga kasama niya. Nagulat ito ng makitang papunta sa kanya si Luhan kaya umambang aalis pero napigilan ng isang lalaki.

 

“Hi.” Malaki ang ngisi ni Kai at matamang nakatitig sa mga mata ni Daney.

“H-hi..” Biglang hinigit ni Luhan si Daney mula kay Kai na siya namang ikinatuwa ni Kai. Bigla na lang itong humalakhak ng sobrang lakas.

“HAHAHAHA! Don’t worry Hyung. May Aries na ko.” Aniya saka umalis.

Nakatingin si Daney sa mga kamay ni Luhan na nakahawak sa kanya. Agad niya itong tinanggal kaya’t bumalik ang atensyon ni Luhan sa kanya. Ngumiti siya.

“Iniwan ka ba nila? Sama ka muna sa’min.” Anyaya ni Luhan. Umiling si Daney bilang sagot at mabilis na naglakad paalis.

“Wala kang kakilala dito Daney. Isa pa, it’s my party.” Hindi tinigilan ni Luhan si Daney hanggang sa siya na mismo ang tumigil at kusang sumama kay Luhan.

“Guys, si Daney kasama ko!” Nakangiti ang mukha ni Luhan sa kabila ng pagkakabagot ni Daney. Kanina niya pang sinusubukang tanggalin ang kamay nito sa kamay niya pero hindi niya talaga kaya. Agad kumuha ng upuan si Tao para kay Daney.

Buong EXO kasama ang mga babae ang nakaupo sa centre table. Naiilang si Daney dahil para siyang naa-out of place sa sitwasyon nila.

“Hi Daney.” Ngumiti sa kanya ang katabi niya bukod kay Luhan. Naantig si Daney dahil mukha naman itong mabait kaya ngumiti siya pabalik.

“She smiled at me Kheil!” Narinig niyang bulong ni Dyo sa katabi niyang babae. Mas lalo tuloy siyang napangiti. So adorable, isip niya.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon