Chapter 56

72.4K 1.8K 520
                                        

Chapter 56: Kailangan

[3rd Person’s POV]

Parang namatayan ang buong barkada.  Maging si Sehun ay hindi nakapagpigil at bumuhos ang kanyang luha. Pinagsusuntok niya ang pader hanggang sa dumugo ang kamao niya.


“Thet ka Lulu! Di mo thinabing aabot ka tha ganito! Thabi mo dito ka lang?! Thinungaling ka Lulu! I hate you! You fooled me Lulu! You fooled Thehun your bestfriend!”


Bumuhos ang luha ng lahat sa naging reaksyon ni Sehun. Walang nagaakalang pati si Sehun ay lolokohin niya. Ni hindi man lang nagpaalam. Hindi nagsabi. Hindi nagpaliwanag.


“I feel betrayed.” Kris said. He wiped the tears in his cheek.


“Ang tanga niya! Niloko na siya nun e!” Chen said.


Nagiiyakan pa ang lahat ng biglang dumating si Kenneth. Nagsitayuan silang lahat at ambang susugod sa kanya pero itinaas nito ang kamay biglang pagsuko agad.


“I’m not here for war. May gusto lang syang sabihin.” Tinuro niya ang babae sa kanya likuran.



“It’s not Trinity, ako, ako ang nanakit kay Daney.” Aniya.



Pumikit siya kaya damang dama ang sampal sa kanya ng limang babae.



“I’m sorry.” Pumatak ang mga luha ni Rin. Ambang sasampalin ulit siya ni Rhu pero pinigilan siya ni Kenneth at muwestra ng ‘she’s sorry’ sa bibig. Nagigting ang panga niya sa galit at pananabik na sabunutan si Rin. Pero pinigilan niya.



“Wag kang magsorry sa akin. Kay Luhan at Daney ka magsorry! Sa kanila ka may kasalanan!” Sigaw ni Ria sa kanya. Tumango si Rin at pinunasan ang luha. Ngingiti na dapat siya pero sinampal ulit siya ni Rhu.


“Di ko napigilan.” Bulong niya. Lumunok si Rin. Pinunasan ulit ang mukha at ngayon ay nangiti na nang walang sumasampal sa kanya.


“I will. Pagbabayaran ko yung ginawa ko.” Sabi niya.



Umalis na siya. Tinanong ni Kris si Kenneth kung bakit ba niya yun ginawa kay Daney. Nalaman nilang dahil sa pagaakalang si Daney ang mahal niya na sa totoo’y si Trinity. Kung hindi niya iyon ginawa kay Daney marahil ay kakampi nila si Rin.



“Si… Rin pala ang gumawa nun. Tss.” Komento ni Baekhyun sa ex niya.



.

[Daney]

Pagkakuha ko ng diploma ko at ilan pang forms ay inihatid na ako ni Cyan sa airport. Babalik na akong Maynila. Nakausap ko rin ang mga magulang ko! Nagaalala sila sakin! Ang saya kong malaman na gusto na nila akong umuwi!


“Sigurado kang hindi ka na magpapaalam Daney?” Tanong ni Cyan. Dalawang araw na mula nung graduation. Siguro’y masaya na sila sa pagtatapos. Hindi ko na sila kailangan pang gambalain. Masaya akong gumraduate silang magkakasama.



“Hindi na. Gagaling naman ako diba Cyan?” Tumango siya at ngumiti. Hindi ko siya maintindihan, bigla na lang siyang parang importante sa akin.



-flashback

“Bakit mo ako dinala dito Cyan!? Ibalik mo ako sa mga kaibigan ko! Sila ang kailangan ko hindi ikaw!” sigaw ko sa kanya mula ng malamang inilipat niya ako ng hospital.


“Hindi Daney! Makinig ka muna sa akin!”


Tinakpan ko ang tenga ko at pinilit na hindi siya marinig pero nakuha niya agad ang atensyon ko..

“ikaw dapat ang makakalam nito dahil ikaw ang makakaramdam pero Tang ina Daney! Manhid ka ba?! Hindi mo ba inisip kung bakit ilang beses kang nahimatay?! Ilang beses kang nahilo! Ilang beses kang naospital! Hindi ka ba nakikinig sa doctor tuwing naguusap kami HA?! Bakit hindi mo alam?!”


“Anong sinasabi mo C-Cyan?”


Dinapuan ako ng matinding kaba sa sinabi niya…



“May sakit ka Daney! Noong una! Gusto kong maging masaya ka kay Luhan kaya pinilit kong lumapit sayo si Luhan! pero gago yun e! Inuna pa yung trinity!”


Unang patak mula sa kaliwang mata. Pinunasan ko agad yun pero sinundan ito ng kanan.



“May sakit daw yung Trinity sabi ni Leigh! Hindi niya alam may sakit ka din Daney! Daney, may tumor ka sa utak! Lumala yung sakit mo lalo na nung nabugbog ka Daney! Yung gago mong boyfriend ni hindi man lang alam!”



“Just shut up okay?! Damn such a big mouth for such a small girl. You collapsed, alright?”

“Hindi na ba kumikirot ang ulo mo Daney?”

“Aaaah! Ang sakit!”

“ This is a serious matter Mr. Strauss. Ilang beses na siyang dinala dito pero mukhang ngayon lang namin nafigure out ang problema. Excuse me, gising na pala si Ms. Morales.”

“Okay. Okay.. But promise you’ll be alright.”





Parang waterfalls na nagunahan sa pagagos ang luha sa mata ko kasabay ng mga salitang nagpapahiwatig na may saki  talaga ako pero hindi ko manlang yun pinansin!. Kaya sobrang kirot ng ulo ko madalas, may tumor ako sa utak!


“Wag kang umiyak Daney… Mas nahihirapan ako e.” Umiyak si Cyan sa harap ko at niyakap ako ng mahigpit. Ngayon na lang ulit, naramdaman kong ligtas ako.


Pinikit ko ang mata ko. Pinigilan ko ang mga luha pero hindi ko iyon nagawa. Siya ang nagpunas nun para sakin.


“I’m sorry ngayon ko lang sinabi  Daney… Pero, pangako, gagaling ka. Kakalimutan mo ang lugar na ‘to at gagaling ka.”

Tumango ako bilang pagsangayon. Hindi ako mamamatay. Gagaling ako.




-end of flashback


“Ang sarap ng hangin.” Ibinuka ko ang aking dalawang kamay at dinama ang hangin sa airport. Papasok na ako ng eroplano..




“DANEY! WAG KANG UMALIS! DANEY!”

Napatigil ako sa paghinga at nagsimulang kumabog ng mas malakas ang dibdib ko. Nakita ko ang mga kaibigan kong hinahabol ng mga security guard. Umiiyak sila.


“DANEY! WAG MO KAMING IIWAN PAKIUSAP!” sigaw ni Kheil.



Nung makalapit na sila’y agad tumulo ang luha ko nang makita ang mga mukha nila. Namamaga ang mga mata nila at namumula.


“PATI BA NAMAN IKAW DANEY AALIS?! SINO NA LANG ANG MATITIRA SA AMIN? WAG KA NG UMALIS PLEASE…”


Hahawakan na dapat ni Ria ang kamay ko pero hinarangan sila ni Cyan. Hindi ako makappalag, lahat ng mga naging desisyon niya para sa akin ay tama.



“KUYA! WHY ARE YOU DOING THIS?!” Ani ni Aries na hindi rin pinalagpas ng mga luha niya.


“WE NEED TO GO.”


Hahablutin na dapat ako ni Kris nang bigla silang hinuli ng guards na mas marami sa kanila. Pinosasan sila isa-isa kahit na pumalag ay wala silang laban. Pinikit ko ang aking mata at kinagat ang labi para doon dumapo ang sakit. Kaso hindi. Hindi ako makapaniwalang ako pa ang sisira ng Friends Forever namin.




I mouthed Sorry pero inilingan ako ni Ria. Sorry sa ginawa ko, kailangan ko to.



“Daney! Nasa states si Luhan kasama si Trinity! Pag nalaman niyang may sakit ka rin tiyak ikaw ang pipiliin niya!”




Sigaw ni Chen. Rinig na rinig ko. Napatigil ako sa paglalakad. Para akong nabigyan ng kaligayahan! Ng pagasa! Para akong nabuhayan! Gusto ko tuloy kausapin si Luhan. Kung malalaman niya bang may sakit ako, pipiliin niya ako?!



“Daney, I told you, kalimutan mo sila, at gagaling ka.” I looked at Cyan.


“Pero Cyan…”


“Let’s go.”




Inakbayan niya ako at tuluyan na kaming nakasakay sa eroplanong papuntang manila. Sumilip ako sa bintana at nakitang nagpupumiglas pa rin sila mula sa mga guards. Niyakap ako ni Cyan para hindi ko makita. Pumikit ako at yumakap pabalik. Kailangan ko ‘to.


A/N.
Vote & Comment. Follow niyo ko sa twitter ko  @monstersoowp  THANKS.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon