Chapter 33: Bad News
.
[3rd Person’s POV]
Unang lumabas si Ria, Daney, Kheil, Rhu at Mina. Saka naman nagsilabasan yung iba pang waitress. Kinakabahan pa nga silang lahat dahil wala silang experience sa ganoong trabaho. Pero anong magagawa nila? That's Exo's request no one of them can resist.
" Miss Morales, table Number 77. " Yan ang sabi ng Top Waitress kay Daney. Number 77, syempre sa laki ng Party na yun aabot hanggang isangdaan ang tables na mao-occupy o higit pa.
Napakamot na lang ng batok si Daney. Andito na siya, may magagawa pa ba sya? At ang sabi ng waitress na nagutos sa kanya babayaran daw siya pagkatapos nito.
--
Si Kheil naman ngayon ay papunta na sa table number 12. Dun siya pinapunta ng waitress na may mahabang buhok. Yung top waitress. Pinagtitinginan na rin siya sa venue dahil kilala siya ng iba sa mga nandoon. Bakit nga naman ba magse-serve ang anak ng isa sa mga successful business workers? Tama, anak siya ng isa sa nagtatrabaho sa SME.
" Here's your order. " Tahimik niyang sabi habang nilalagay ang isang set ng 'Kimchi Spaghetti' sa lamesa. Naaalala na naman niya si Kyungsoo. Ito nga pala ang favorite recipe niya.
" Thanks.. " Ang sabi ng isang lalake na may napaka pamilyar na boses. Napatingala siya. Tapos ngumiti siya, mali, hindi lang pala siya kundi pati yung lalaki. At hindi lang pala ngiti, lumaki kasi yung mata niya.
--
Kumukuha ng Champagne sa counter si Ria. Nautusan siya e. Gusto na nga niyang hilahin yung mahabang buhok nung babaeng yun. Napakalagkit pa rin ng katawan niya kahit na nakaligo na siya. Masama ang pakiramdam niya sa gabing ito. Wala lang, hindi niya inexpect na mangyayari itong ganito.
Pagkakuha niya ng Wine bucket ay dumiretso na siya sa Table number 61. Dun siya naka toka. Oo nga pala, nasabi na ba sa inyo na kung saang table kayo nakadestined is dun na kayo the whole night? Siya-Siya, tama nga yung nabasa niyo.
" White Wine Mister... " Tumingala siya at nalaglag lang naman ang panga niya. Nakakita siya ng isang unggoy. Ang madaldal na lalaking may malawak na ngiti ngayon habang nakaexpose pa rin ang naglalakihan niyang mga tenga, in short, ang lalaking mahal niya.
" Ehem. " Parinig ng isang lalaki sa tabi ni Chanyeol. Nasa mga edad 55+ ang lalaking ito.
'Daddy niya siguro. Damn.' Sabi niya, sa isip niya. Nakakahiya lang at naka pang waitress attire siya. Ano kayang magiging first impression sa kanya.
BINABASA MO ANG
Never Been Your Fangirl- PUBLISHED
FanfictionJust when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.
