Chapter 22: Fake
Isinugod kaagad si Len sa hospital. Magulo ang hospital ng mga oras na yun. Pulang pula na ang mga mata ni Daney kakaiyak. Wala siyang magawa kundi ang maghintay sa labas ng ER. Puro dugo ang kamay niya at ang damit niya. Halos hindi siya makapaniwalang nagaagaw buhay ngayon ang matalik na kaibigan.
Hapo ng duguan niyang kamay ang mukha niyang nabahiran na din ng dugo sa kakaiyak. Hindi matigil. Napakasakit na at mahapdi ang kanyang mga mata pero ayaw niyang tumigil kakaiyak. Yun lang ang kaya niyang gawin para masabing nag aalala siya sa kanyang kaibigan. Wala siyang makausap.
"D-Daney?"
Iniangat ni Daney ang mukha niya at nakita ang isang pamilyar na lalaki kahit na napakalabo na ng paningin niya. Si Lay.
Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. May bumabagabag sa loob ni Lay pero hindi niya matiis na umiiyak ang kaibigan. Kaya lumapit si Lay at niyakap si Daney, kahit na kailangan na niyang umalis.
"Daney, what happened?"
"Len.. Len's injured Lay."
Si Lay, kahit na kailangan na niyang umalis. Hindi niya matiis ang isang kaibigan. Mahalaga si Daney sa EXO. Kaya mahirap para dito ang magbalewala.
"How come? what happened to him?"
"I saw him on CSquare."
Gulat si Lay sa pagkarinig niya sa sinabi ni Daney. Alam niya ang lugar na yun. Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga tao na napasok dun.
BINABASA MO ANG
Never Been Your Fangirl- PUBLISHED
FanfictionJust when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.
