Chapter 22

134K 3.2K 3.2K
                                        

Chapter 22 : Bikini-fied

" L-Luhan.. "

Tiningnan ko siya kahit nahihiya ako lalo na sa suot ko pero siya diretso lang na nakatingin sa mga mata ko.

" Hinahanap ka nila Kai. "

Bigla naman lumuwag ang loob ko nang marinig yun. Akala ko naman kung ano na. Phew. Akala ko lalaitin na naman niya ako o bubwisitin! Akala ko mangiirap na naman siya!

" Ugh. Okay sige. Salamat. "

 

Ngumiti ako kahit na hindi naman siya kangiti ngiti. Napaka moody talaga nun. Pagalis niya tumalikod na din ako. Akala ko kasi tapos na siya magsalita hindi pa pala..

" And by the way.. "

Napahinto ako sa paglalakad.

" Nice. "

Humarap ako sa kanya dahil medyo.. medyo lang ah. Hindi ko alam kung ano ang nice, pero nakakagulat lang na pagharap ko..

.. Nakangiti ang loko..

" Tsk. Salamat ah. "

 

Hindi na siya sumagot at tumalikod na. Naiwan kami ni Rhu sa pwesto namin. Pareho kaming hindi makagalaw.

" Bago yun ah. " Rhu

" Huh? Alin? "

 

" Ngumiti ba talaga siya? " Rhu

" Ugh, I guess? "

 

" Shocks Daney! Ngumiti nga siya! " Rhu

Sinimulan niya akong alug-alogin at nagsisigaw siya dun sa spot namin. Andami na ring nagtitinginan dahil para daw siyang baliw.

" Shh. Tumigil ka nga Rhu! "

 

" Bakit naman? Daney Once in a blue moon na lang makikita ang ngiti ng poging yun! " Rhu

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon