Chapter 29: Baekhyun’s Story
[Daney]
Papunta na ako sa van na pupuntaLuhan namin pauwi ng EXO UNIVERSITY. As usual, tahimik pa rin si Luhan, ewan pero pati kasi si Len tahimik din. Ah malamang, mga pagod siguro sila.
"Len." Sinubukan ko ulit tawagin si Len. Pero wala na naman siyang response. Hindi ko alam kung bakit eh. Bahala na, pagod lang talaga siguro, kahit ako naman pagod eh. Mabuti pang itulog ko na lang ‘to.
"Psst, gising na."
Bigla akong napamulat ng yugyugin ako ni Baekhyun.
"Ano ba yan. Inaantok pako e.". Sabi ko sa kanya habang nagkukusot ng mata.
" O Sige. I-rewind natin. Tulog ka ulit tas di na kita gigisingin." Sinamaan ko siya ng tingin pero tingin ko mas masama ang tingin niya sa akin.
"Letse ka." Sagot ko saka nagsimula ng bumaba. Kami na lang palang dalawa ang naiwan sa Van at naiwan sa EXO UNIVERSITY.
"Buti nga ginising pa kita e."
"Bakit ba tayo na lang ang nandito?" Tanong ko. Kasi naman, talagang wala ni isa sa kanila ang gumising saakin at si Baekhyun na lang.
"Umalis kaagad sila. Hindi na ako sumama kasi kakagising ko lang din."
“Alam mo ba kung nasaan si Len?”
“Ha? Malay ko at paki ko dun.”
“Nag-aalala na kasi ako sa kaibigan ko. Tss.”
“Hahahahaha. Talagang walang panama sayo ang asungot na yun. Hahaha.”
"What do you mean?"
"Mabuti pang umamin ka bobita sa pagibig. Gusto mo na si Luhan ano? Yiee."
"Duh." Yun na lang sinabi ko. Mapa-amin pa’ko dito. Ay!
Wala akong alam sa nararamdaman ko at nararamdaman nila. Ngayon ko lang ito na encounter kaya nahihirapan ako. Tsaka yung mga sinabi sa akin ni Luhan? Sabi ko naman diba, wala akong experience.
" Girl, kung may nararamdaman ka ng kakaiba sa tiyan mo kapag kausap mo siya, hindi kabag yan okay? That only means na.. May nararamdaman ka na towards him. You don't need to hide it. It'll just make you weak. Mas mahihirapan ka pag itinago mo."

BINABASA MO ANG
Never Been Your Fangirl- PUBLISHED
Hayran KurguJust when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.